EMELU POV
ARAY! ansakit ng ulo ko!!!!!
Ano bang nangyari?
"Anak, bangon na. May taping pa tayo." sabi ni mama. Ah oo. Taping kasama si Gee. Ayoko pumasok.
"Ma, masakit ulo ko. Ayoko muna pumasok." sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Inom pa kasi. Ayan may hang over ka tuloy. Anyway, may pagkain na dyan. Kumain ka nalang dyan. Tsaka maglinis ka nalang ng bahay." Ano ako dito? Utusan?!
"Mama naman eh! Utusan na nga ako sa trabaho. Utusan parin ba ako sa bahay?" tumayo na ako mula sa kama at dumiretso sa c.r.
Naligo na ako para mahimasmasan yung hang over ko.
Pagtapos ko maligo, nagbihis na ako at lumabas ng c.r. Pag labas ko may nakita akong note sa kama ko:
"Anak. Sorry kung lagi ka nalang nauutusan. Sorry kung di ko kayang iwan ang pag uutos sa trabaho. Pagpasensyahan mo na ang nanay mo. Di ko lang talaga kayang baguhin ang sarili ko sa pag uutos sayo. Pagpasensyahan mo na kung ikaw lang ang inuutusan ko. Kasi Anak, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko."
Napaupo ako sa kama. Tsss. Si mama naman eh. Nagdrama pa. Ayan tuloy. Nakokonsensya na ako. Maglilinis na nga lang ako ng bahay.
So ayun nga. Nilinis ko yung bahay at kumain na rin ako. At ngayon tinitingnan ko nalang tong mga pictures sa photo album.
I think it's weird kasi kahit anong tingin ko sa mga pictures wala akong maalala.
"AAAAHHHHHHHHH!!!" YUNG ULO KO! SUMASAKIT YUNG ULO KO!
Hinanap ko yung gamot ko. Agad akong uminom ng gamot ko tuwing nagkakaganito ako.
Bat ba laging sumasakit yung ulo ko? Baka kaya may tumor na ako sa utak? HINDI! ERASE ERASE!
Wala lang to. Simpleng migraine lang to.
*Emelu! Emelu! May magandang tumatawag sayo!~*
Uy! may tumatawag.
"Hello?"
"Huy best! Bat di ka pumasok?" ay si JC lang pala.
"Eh may hang over pa ako eh." sabi ko.
"Ganun ba? Hinahanap ka pa naman ni---"
"Ni Gee?" LANDI MODE ACTIVATED!
"Oo teh! Nagulat nga ako eh. You know why? Ikaw ang unang hinanap! Nasaan na daw yung achay niya!" ACHAY?! SAKIT!
"Ah. Porket wala lang aalalay sa kanya?! Maghanap siya ng iba niyang maalila!" Aba! syempre may pride ako noh! Matapos niya akong saktan!
"Teh! madrama ka talaga! Alam mo ba-- (Is that Emelu?)" sino yun? may boses na sumingit sa pag uusap namin?
"Ay teh may gusting kumausap sayo" sabi ni JC.
"Hello achay?" PSH! SI BOSS AMO MANAGER!
"Bakit?" syempre pa-cool ako noh.
"Why didn't you go to work today?" asus. Mang-aalipin ka lang naman eh.
"May sakit ako. Bakit? Namiss mo ba ako?" Nag aassume lang. Malay mo, namiss niya ako.
"Of course. I really miss you. Take care. And see you soon." PUNYETA!! kinikilig ako!
"Ok. Bye." Bakit ba kasi ang sweet niya! May girlfriend na pero lumalandi parin sa iba!
KINABUKASAN:
"Anak. Nilipat na kita. From a assistant onto floor director." What?! Floor director?!
"Teka ma, diba si Mr. Sengco ang floor director?" Ano yun? Sinesante niya?!
"Nag ressign siya eh." sabi ni mama.
"Ganun ba? So ako na pala ang bahala sa set? You mean ako na bahala sa theme? Sa design?" tanong ko.
"Yes anak."
"Pero ma ang gusto ko talaga maging editor-in-chief. Ako yung mag eedit ng photos. Ako yung mag aayos ng mga soft copies ng na capture na pictures." Sayang pinag aralan ko kung di ko gagamitin hindi ba?
"Step by step tayo anak. Hindi basta basta ang lahat."
Sabagay. Step by step naman palagi.
"Achay! I miss you!" niyakap ako ni Gee. Nakakakilig! Pero parang familiar yung yakap. Parang siya si...
"Mama!! Mama yung gamot ko!! Ma! Ansakit ng ulo ko!! AHHHHHHHHH!!"
"Emelu! What's happening?!"
"Inumim mo to anak!" ininom ko agad yung gamot.
"Ok lang nak?"
"Opo. Ok na ako."
Bakit parang kilala ko si Gee?
More than I know him today.
![](https://img.wattpad.com/cover/27482599-288-k76389.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Stop! Do it slowly!
Kısa HikayeLove is between two person. Parang ako at ikaw. Siya at ikaw. Ako at siya. Pwede ring nanay sa tatay. Ate sa kuya. Manong sa manang. Pero para sakin ang love ay parang ginto. Mailap at sagrado. Hindi hinahanap pero kusang dumadating. Ako si Emelu. A...