part 11

204 6 2
                                        

EMELU'S POV

Nakakaloka mang isipin. Pero ayun nga. Tinitigan ko lang yung bata. Kamukha ko talaga siya. Para kaming pinagbiyak na bunga. Napatingin siya sakin at tumakbo palapit.

"Hi! Ako si Honey Wernaire. Ikaw po?" Inalok niya ang kamay niya at akmang makikipagkamay.

"Ako si Emelu. Emelu Rosario." Sabi ko. Inabot ko ang kamay niya at nakipagkamay rin ako.

Kakaiba ang ngiti niya. Magaan ang loob ko sa kanya. Sino ba tong batang to?

"Emelu she is my Honey. The one that I am talking about." Ahhh. Siya pala si Honey? Bata ang ka-affair ni Gee?!

"Kaano-ano mo ba tong si Honey?" Tanong ko kay Gee. Aba malay ko ba na ginawang sex slave nito ang kawawang batang kamukha ko noh!

"Anak, satingin ko panahon na." Sabat naman ni mama. Anong panahon na?

"Anak ko si Honey." Sabi ni Gee. Anak? Ni Gee? AT STRAIGHT TAGALOG! WALANG HALONG SLANG!

*clap*clap*clap*

"Galing na magtagalog ah!" Na-amaze ako sa pagtatagalog nitong gwapong to. Tapos nag-sink in sakin na anak pala siya ni Gee.

"Teka?! Sino ang nanay nito?" Sabay turo sa batang katabi ko.

"IKAW!"

"Aray! Sakit sa tenga! Kailangan sabay-sabay?!" Sabi ko habang nakakalokang hawak sa tenga.

"Oo alam kong gusto ko magkaanak kay Gee pero duh! Yung magjoke time tayo dito na anak ko si Honey, di pa ako baliw guys!" Sabi ko.

Lahat sila nakatitig sakin na parang nagsasabi na. *mukha ba kaming nagsisinungaling?*

"Pero paano nangyari?!" Naniniwala na ako. Hindi naman sila magkakaganun kung hindi totoo eh.

"George. Ikaw magpaliwanag." Sabi ni mama.

"Aimee Lou, you are Aimee Lou Rosario. Ikaw si Aimee Lou na mahal ko. Girlfriend kita noon palang. May nangyari satin. Kaya nga sabi ko sayo ako parin ang nakauna sayo. May naging bunga. At hindi ko kaya tanggapin kasi nga masyado pa tayong bata. Kasagsagan ng modelling career ko nun kaya ayoko ng responsibilidad. Sabi ko ipalaglag mo ang bata pero umiyak ka lang at tumalon ka sa cliff nitong resort na ito." Parang yung babaeng napanaginipan ko. Ako pala ang babaeng tumalon sa Cliff.

Paatras ako ng paatras. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Gee. Gee or George o kung ano man ang tunay niyang pangalan. All this time gumawa sila ng mini role playing?! Bakit hindi agad nila sinabi agad?! Bakit wala akong maalala?! Bakit nila akong ginawang tanga?!

Mangiyak ngiyak ako habang nagsasalita siya. Halos wala na akong maintindihan sa sinasabi niya. Ang alam ko lang, wala akong alam sa kung anong nangyari noon.

Sa kakaatras ko bigla na lang akong..

"AIMEEEEEE LOUU!!!!" Isang sigaw nalang ang naalala ko. May maalala pa kaya ako matapos nito?

After 2 days...

"Mommy wag mo kong iwan!"

"Anak kailangan ka pa namin!"

"Ate di kita makakalimutan ka!"

"Mahal na mahal kita Aimee Lou!"

"HOY! BUHAY PA AKO! ANONG DRINADRAMA NYO!" Punyeta tong mga to ah! Buhay pa ako pinapatay na nila ako.

"Gising ka na pala? Ano ba yan! Nagdrama pa naman kami!" Ako pa may kasalan ha!

"Mommy!" Yumakap si Honey.

"Anak ok lang ba? Sabi ng doctor di mo daw kailangan alalahanin ang lahat. Nabagok ang ulo mo at may tendency na magka-permanent amnesia ka." Yung totoo? Naalala ko na lahat. Mula noong kabataan ko pa. Naalala ko na anak ko tong batang nakayakap sakin. Pero dahil hindi nila agad sinabi, paparusahan ko sila.

"Ok lang ako. Kailangan ko lang mag-isa ma." Sabi ko. Nahiga ako at pumikit.

"Lola hindi parin ba ako naalala ni mommy?" Sabi ng anak ko. Kung alam mo lang anak. Gustong gusto kitang yakapin. Pero hindi muna ngayon.

"Hayaan muna natin makapagpahinga ang mommy mo Honey." Lumabas sila ng kwarto at ng maramdaman kong wala ng tao sa loob ng kwarto minulat ko na ang mata ko at I made a wrong move. Nakita ko si George sa harap ko at nakatingin sakin. Dapat pala pumikit lang ako eh!

"I know you are awake. Please Aimee Lou. Please let me explain everything."

Will I believe him? After what he had done?

AN: last two chapters coming!

Don't Stop! Do it slowly!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon