458 - XV

200 12 0
                                    

Okay? 

Blaire's POV

Tinulak ko palayo si Blake at tumakbo pero tumigil ako saglit. Sht! Bawal nga pala! 

Ano ba 'yan! Kapag talaga kasama o nakikita ko si Blake nagiging delikado ang kalagayan ko!

Nung tumigil ako ay naabutan niya ako. Natatawa siyang lumapit sa akin. 

"Blake ano ba!" sabi ko ng may pagkairita. 

"Oh bakit?" 

Kinalma ko muna ang dibdib ko bago magsalita, "Alam mo ikaw! Nakakainis ka! Bakit mo ba ako hinalikan?!" 

"Ah.. eh.. ewan ko rin eh." sabi niya.

Gumusot ang noo ko at inirapan siya. "Forever weird! D'yan ka na nga! Late na ako sa klase ko e!" 

Paalis na sana ako ng hinigit niya ang kamay ko pabalik sa kaniya. "Oopps, last na 'to, Blaire. Last na cutting na natin 'to. Samahan mo muna ako dali." Kinaladkad niya ako palabas ng school. Wala akong choice kundi sumama dahil ang lakas niya at hindi ko mahila ang kamay ko sa kaniya.

Dumaan kami sa likod ng school kung saan ang daan ng mga nagc-cutting. Studyante nga naman. Pumunta kami sa parking lot ng school at nagulat naman ako. "Marunong kang magdrive?!" Tanong ko nga.

"Malamang! Naglalakad lang ako kapag trip ko, pero trip ko magkotse ngayon kaya sakay na!" sumbat nito sa akin. 

Sungit naman nito! Siya na nga may kasalanan sa akin siya pa may ganang manumbat! How dare he! 

Pumasok ako sa shotgun seat at nilagay ang seatbelt. Mahirap na baka bilisan nito ang pagpapatakbo! But nung nag-start na siya mag-drive. Normal lang naman ang bilis. Buti naman!

"San ba tayo pupunta?" Out of curiosity, I asked to him. 

"My favorite place." He said and he winked at me. "So sino nga pala yung naka-kamayan mo?" 

I looked at him. Bakit curious 'to? Hindi naman 'to curious dati ah?

"Yung nabunggo ko kahapon.. eh kalapit ko ng locker kaya ayun, nagpakilala." 

"At nakipagkilala ka rin? Tss." 

"Eh ano naman 'yun sa'yo 'no! And he look nice!" 

"Nice?! He look nice? Mukha ngang man'yak 'yun eh!" sabi nito with a nakakunot na noo. 

"Heh! Ba't ba? 'Di mo pa naman kilala 'yung tao makapanghusga ka naman!" after that, he parked the car. 

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon