458 - XVII

300 15 2
                                    

I was crying while I'm writing this.. Sorry Blaire, for using your character para malabas ang hinanakit ko :)

Blaire's POV

Si Blake.. mahal ko siya. Mahal na mahal. I confessed to him na gusto ko siya, and sadly.. ayaw niya na mahalin ko siya.

Ang sakit. Ewan ko ba, nagbigay ako ng motibo na magiging mabuti akong girlfriend para sa kaniya pero baliwala pa rin sa kaniya? Ganun na lang ba talaga ang mundo? Binigay mo ng lahat ng makakaya mo pero kulang pa rin sa kaniya?

"Blaire... Mahal kita pero, ayaw kitang masaktan." 

"Okay lang. 'Di naman kita pinipilit eh. Ayos lang ako. Basta, 'wag ka lang lalayo sa akin okay na ako." Pinipigilan kong maiyak sa mga salitang binitawan ko. Tanggap ko namang 'di niya ako gusto eh.

"Blaire, you're making me hard this for me." 

"Ako nanaman? Hahaha. Sorry na ha, ikaw pa napili ng puso ko. 'Di ko naman kasalanan ma-attached sayo ng ganito eh." I smiled. Tama 'yan, Blaire. Ngitian mo lang ang sakit. Gan'yan talaga pagmamahal.

"Damn! Blaire, mahal kita okay?" I gulped after he said that.

"Totoo?" pagc-confirm ko. Pala-biro ang isang 'to kaya hindi agad ako magt-tiwala sa sabihin niya.

"Matagal na kitang mahal, pero ayaw kitang masaktan." sabi niyang muli.

Masaya pero masakit pa rin. Nakakaasar. I sighed. Wala na akong magagawa. Siguro dapat matuwa na lang ako na hindi ako one sided. Ang kinaiinisan ko lang sa desisyon niya ay... pa'no na lang ako sasawsaw sa buhay niya kung wala naman akong karapatan?

"Bakit ba kasi ayaw mo?!" tanong ko.

Gusto kong maging kami. Para may karapatan akong manampal ng babaeng lalandi sa kaniya. Kasi yung magiistay kami ng ganito ang sitwasyon, Pa'no na lang kapag may nagustuhan siyang ibang babae? Edi kawawa ako. Wala naman akong karapatan para sumbatan siya na pinagpalit niya ako sa iba. Kasi hindi naging kami at ayaw niyang maging kami!

"Blaire, 'di mo ko naiintindihan." 

"Ako ang hindi mo naiintindihan!" 

"Ano bang pagkakaintindi mo?" 

"Kung mahal mo talaga ako bakit ayaw mo mag-risk? 'Di ka ba natatakot na makuha ako ng iba ha?!"

"Di ko alam.. naguguluhan ako." 

And with that, 'di ko na talaga napigilan mga luha ko. Ang sakit. "I hate you! Ako ginagawa ko lahat ng gusto mo pero ano pa bang kulang? I'm risking my poor heart para sa'yo na lagi mo na lang sinasaktan unconciously! Ayaw kong sabihin na nasasaktan mo 'ko kasi baka iwan mo ko. Ayaw kong mag-drama sa harap mo kasi baka mainis ka sa ugali ko! Yung napakaselosa kong babae! Konting kausap mo lang sa iba magseselos na 'ko! Anong magagawa ko, Blake?! Nagmamahal lang ako. NAGMAMAHAL LANG AKO! Bakit ba lahat na lang 'di kayang ibigay ang gusto ko?! Lahat panandaliang saya na lang. Kailan ba ako sasaya ng lifetime? Kailan ba ako hindi iiwan ng taong mahal ko?" 

I burst out of tears. Feeling ko magb-break down na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Alam ko naman lahat ng ginagawa ko eh. Aware akong tanga ako. Eh ano ba? Masarap magpakatanga makuha lang ang hinahangad mo sa taong mahal mo.

"Blaire.. Huy! Gising! Nandito na tayo, Kila Google." 

Nagising na lang ako bigla ng may tumapik ng pisngi ko. Si Blake ang nakita kong tumatapik nun. Minulat ko ang mga mata ko at nagkusot. Nakatulog pala ako sa kotse niya.

"Naiyak ka habang natutulog. Nananaginip ka ba?" tanong agad nito.

Huh? Kinapa ko ang pisngi ko. Basa nga. Pinunasan ko ang mga iyon at humarap kay Blake. "Oo nanaginip ako. Pero hayaan mo na, tara na." Bumaba na ako ng kotse.

Ayaw kong magkwento sa kaniya. Pati ang weird naman. Mahal ko si Blake? Imposible naman. Pumasok ako sa bahay nila Google at umupo sa may couch. Tumabi naman sa akin si Blake.

"So... Pa'no kayo nagkakilala?" tanong ni Yahoo sa aming dalawa ni Blake. Umupo ito sa harap namin na couch.

"Sa school hehe. Schoolmates." sabi ko nga. Ayoko nga sabihin ang una naming pagkikita! Na ginamit niya ako para pagselosin si Anastasia. 

Dumating na si Google galing kusina, may dala-dalang tray at may mga juice ito. Kumuha ako ng isa at uminom.

"Ahh. Okay okay. Kayo na?" tanong muli nito sa amin.

Muntik ko na mabuga ang iniinom ko. Si Blake naman natawa, ganun rin si Google. "HINDI AH!" Sigaw ko.

"Whoah wait! HAHAHA Ate Blaire! Kalma hahaha. Defensive ka masyado ha!" 

Uminom na lang ulit ako ng juice ko at tumahimik. 'Di naman ako defensive eh. Si Blake naman inakbayan ako at tinginan ko siya. Nakatingin rin pala siya sa akin. "458." simpleng sabi nito.

"OMG ATE BLAIRE HAHAHAHA SABIHIN MO 4583. DALI!! HAHAHAHAHA." 

"4583?" sabi ko nga. 

Bigla namang humalagpak ng tawa si Yahoo. Ano ba kasi 'yun?! Tawa sila ng tawa sa sinabi ko. 458, ano ka ba talaga ha?

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon