458 - XVI

233 13 1
                                    

Blaire's POV

Minulat ko ang aking mga mata at tila nagtataka. Puti ang mga nasa paligid. Namatay na ba ako? Nasa langit na ba ako? 

Nang medyo luminaw na ang paningin ko, nakita ko si Link sa tabi ko. What the heck is he doing here!?

"Thank God, you're awake!" Sabi niya nang tuwang-tuwa at sa sobrang tuwa niyang yun ay niyakap niya ako. I don't feel comfortable anymore.. Weird. Bumitaw siya sa yakap niya sa akin at sinabing, "Teka, puntahan ko lang sila Tita sa labas." 

Sinapo ko ang ulo ko dahil sumakit ito ng konti. Tumingin muli ako sa paligid, nasa hospital ako. Ano bang nangyari?

Maya-maya pa ay dumating na sila Mama, Papa at si Ate Apple. "What happened to you sweetie?" tanong ni mama sa akin.

At that question, naalala ko na ang nangyari kahapon. I ran away from Link kaya hinapo ako and then nakita ko si Minute kaya napatakbo muli ako. 

I bit my lower lip. Sasabihin ko ba? Sheez! White lie.

"I ran kasi pupuntahan ko sila Google sa GNG. And I'm late. Galing pa akong practice sa club." sabi ko without looking at them.

'Di ako madalas magsinungaling!!! Ngunit ayoko naman mapagalitan o ilayo nila sa akin si Link.

"Ohh. But sweetie, alam mo namang masama sa'yo yun diba? Don't do it again." My mom uttered and I slowly nodded.

Still guilty.

Nakauwi naman agad kami ng hospital. Binuksan ko ang aking telepono pagkahiga ko sa aking kama at binasa ang mga mensaheng naimbak doon ng ilang oras.

Ang ilang ay sa mga soup-a-stars, sa mga classmates ko at sa iba ko pang pinsan. Scroll ako ng scroll. Hinahanap ko ang pangalan ni Blake sa phone ko pero wala.

"Looks like I'm a friend for a minute." I sighed. 

Ibinalot ko ang aking sarili sa kumot na may mabibigat na paghinga. 'Di ko alam kung anong meron sa sistema ko't ganito ang aking nadarama... yung... malungkot ako..

'Di ba dapat masaya ako? Kasi 'di niya na ako ginugulo?

Pero... masaya siya kasama..

Nakatulog naman ako ng mahimbing ngunit ginulo naman ako sa panaginip ko ng imahe ni Blake. Nagising ako ng tamang oras at pumasok sa school.

Pagkarating ko sa aming room at nandoon ang nakabusangot na mukha ni Google. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan niya ako ng gusot pa rin ang mukha.

I was about to hand over her my moddess ng mas lalong kumunot ang noo niya. Tinabig niya ang kamay kong may moddess at pinigilan ko ang pagtawa ko.

"Katatapos ko lang." sabi niya ng mataray.

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon