458 - XIV

698 20 1
                                    

Blake's POV

Dumating ang ate ni Blaire at kuya ni Anastasia. Umalis na silang dalawa so tatlo na lang kaming naiwan dito sa bahay ni Blaire. Nakapamewang ang ate ni Blaire at kinikilatis kaming dalawa.

"Sonneta." Sabi ng ate niya with a serious voice. Uh-oh?

"Ano nanaman ate?!" Whoah haha. "Wala. Hahahaha." Bigla itong nag-iba ng ekspresyon ng mukha.

"Weirdo." Bulong ng katabi ko.

"Nabalitaan kong Ex ni Blake si Anastasia eh. 'Di ba awkward? Hahaha. Hoy Blake, aalagaan mo 'yang bubwit na 'yan ah! Boto ako sayo don't worry." And she winked at me. "Tulog na ako. Nakakain na ako eh. Magluto na lang kayo ni Blake d'yan ng pagkain. Pagod na ako at PS. B1, B2. No PDA!" Sabi ng ate niya at pumanhik na sa kwarto niya.

"Pasensya na ah? Baliw talaga 'yun." Sabi ni Blaire sa akin at dumiretso ng kusina. 

I shrugged. Parang may magagawa pa ako na baliw ate nun. Buti pa nga siya eh, baliw. Eh yung kuya ko kamusta naman ang pagiging seryoso sa trabaho? Bata pa lang successful na

Sumunod ako kay Blaire sa kusina at nakita kong nagluluto nanaman siya ng soup. Pinigilan ko nga. "Soup nanaman?! 'Di ka ba nauuya? Nakita ko kanina, niluto mo soup para sa inyo ni Anastasia ta's soup nanaman?!" Bulyaw ko sa kaniya, "Ako na nga magluluto. Kahiya naman sayo eh." dagdag ko pa.

Tumabi naman siya at sumandal sa lababo. Dumiretso ako ng ref at tiningnan kung anong laman. Sakto nandun lahat ng ingredients. 

"Oh? May kanin ba?" tanong ko at kinuha ko lahat ng ingredients na kakailanganin ko. 

"Ay oo nga! Ako na bahala dun." Sabi ni Blaire at kumilos na para magsaing. Nakita kong tapos na siya sa pagsasaing. Lumapit siya sa akin na naghihiwa ng karne. Hulaan n'yo lulutuin ko.

"Marunong ko magluto?" Tanong niya sa akin habang nakapalumbaba. "'Di ba obvious? 'Wag kang gumanyan. Mamalasin ka." Sabi ko 

Blaire's POV

"Marunong ko magluto?" Tanong ko sa kaniya habang nakapalumbaba. "'Di ba obvious? 'Wag kang gumanyan. Mamalasin ka." Sabi niya. 

'Di pa rin ako nagbago ng posisyon. "Sabi sabi lang 'yun! Sus! Naniniwala ka d'on?" 

"Edi okay. Ang panget mo kapag ganyan ka. Wala akong panget na girlfriend." At umalis siya sa table. Pumunta sa pinaglulutuan niya.

'Di ako umalis sa pwesto ko instead, umupo na lang ako. "Kapal ha. Akala mo gwapo ka? Kahit hindi ka nakalumbaba panget ka rin! At isa, 'di mo 'ko girlfriend!" 

Tumahimik na lang siya at nagluto dun. Kinuha ko na lang phone ko sa bulsa ko. 'Di alam ni Ate na nasa akin na. Mwahahaha.

Nagtext si Googs.

7:14 PM

Google <3;

Net! Nababadtrip ako. 

To Google <3;

Bakit? Anyare sa shopping n'yo? Hahaha. Alalay n'yo ang Black Aces ah?

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon