458 - XVI

289 12 1
                                    

Welcome back! 

Blaire's POV

"Grrrr! Bruha talaga 'yung lecheng Minute na 'yun! Nakuu! Subukan lang niya na galawin ka, Blaire!! Ipapa-aresto ko yung gangster na 'yun!!" Galit na sabi sa akin ni Google.

Nandito ako sa kanila ngayon. Sasamahan ko daw siya sa airport. Susunduin ang dakila niyang kapatid. 

Nag-aayos siya ngayon habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin. Kinwento ko kasi yung nangyari sa amin ni Minute kahapon.

"Layuan ko kaya si Blake?" 

"WAG!" depensa agad nito.

"Nge? Eh siya dahilan kung bakit ako hina-hunting ng babaeng 'yun e." 

"Walang kasalanan si Blake, Blaire. Yung babaeng 'yun lang ang problema. Alam na ngang walang pag-asa, habol pa rin ng habol." Hugot nito.

Weird ni Google ngayon. May pinagdaraanan ba 'to? 

"Kung sabagay.. mabait naman si Blake e. Magnanakaw nga lang." sabi ko, pero mahina lang yung magnanakaw thingy hehe.

MAGNANAKAW KASI NG HALIK 'YONG BWISET NA 'YON!!!!!!!! 

"Mabait 'yon hahaha epic nga nung una naming pagkikita sinungitan ko hahaha. Sorry na hahaha over protective kasi kami nila Eight sayo, Pero naisip namin ay mabuti ng magkaroon ka ng boyfriend kaysa tumanda ka ng dalaga!" 

"Hoy! Wala pa sa isip ko 'yang boyfriend ha!" 

"Wala sa isip pero kapag si Link ang usapan gusto mong maging boyfriend? Hahaha hay nako, Blaire." 

Ngumuso ako. Tama nga naman. Ang bobo ko naman hahaha.

"Tapos ka na ba mag-ayos? Tagal ha!!" reklamo ko pati pagbabago ng topic.

"Oo eto na!" and she comb her soft hair and turned around. "Let's go!" kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kaniya sa kotse.

Habang nasa kotse kami, si Blake text ng text. Ang kulit! 

Blake;

Nasan ka ba?

Blake; 

Tae miss na kita

Blake;

Gusto mo ng soup?

I rolled my eyes while reading his texts. I replied 'Kasama ko si Google!' 

After a few minutes narating namin ang airport at bumaba kaming dalawa.

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon