458 - XV

499 23 1
                                    

Google's POV

Nasa labas pa kami ng school. Sa gate to be exact. Kasama ko yung dalawa. For sure si Blaire ang kasama niyan si Blake.

Hinahayaan na muna namin yung babaeng yung dun ng madevelop! Baka tumandang losyang 'yun or worst. Maging tomboy. At t'saka ng matauhan sa Link na 'yun. 'Di naman siya gusto, habol ng habol.

"Damn. Nasa gate silang tatlo. Inaabangan yata tayo." sabi ni Clone.

"Ayaw ko maissue or malink sa isa sa mga 'yan!" iritang reaksyon ni Eight.

"Me neither. Kainis 'tong tatlong 'to!" Sabi ko naman.

"Ganito na lang guys, dumaan tayo ta's 'wag na lang natin pansinin. Kunwari 'di natin kilala!" I said. 

Mas mahal ko ang libro at loyal ako sa mga boyfies ko. Boyfies ko? Foods and Hollywood male artists. Oh ano angal pa?

The two nodded and we started walking. Napatingin sa amin yung tatlo at akmang lalapit sa amin ng dinedma namin.

"Pagkatapos naming maging alalay.. snob?" sigaw ni Axelle.

At dahil may fansclub ang tatlong bubwit na 'yan dito sa school. Gwapo (pwe) daw kasi sila, nagsimula ang bulung-bulungan sa school. 

"Omg! Ginawa nilang alalay ang Black Aces?"

"They don't do that to my baby!"

"Tinapunan nung Google na 'yun ng soup si Axelle nung isang araw!"

"What?!"

"Yeah!"

"Ang sama naman ng soup-a-stars na 'yan!"

"Dapat sa kanila tapunan ng soup!" 


"Oh great. Wrong move. I really hate these men seriously." Sabi ko. "Mapapapatay ko 'tong mga babaeng 'to. Pigilan n'yo 'ko." dagdag ko pa.

Blaire's POV

 Sht. I'm late again! Urghh! 

Dali dali akong tumatakbo papunta sa room namin pero malas! Napasama nanaman ako sa late comers. Damn. 

Tumigil ako saglit sa tapat ng hanay ng mga late comers. Ang bawat pares ng mata ay napapunta sa aking presensya. Miski na rin ang gurong nasa unahan nito. Tinaasan ako ng kilay nito, at parang sinasabing "ano pang ginagawa mo d'yan?! Hanay na!" 

Ngumisi ako at padabog na humanay sa likod. And look who's here? Si Minute katabi ko. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay t'saka inirapan. Problema nito?

"The gates are now closed, pwede na kayong pumunta sa pumunta sa room." I rolled my eyes at sumunod sa utos ng guro.

Pagkarating ko d'on ay kinuha agad ang late paper at finill-up-an ang dapat fill-up-an. Pagkatapos ay binigay ito sa gurong nagbabantay. Bumalik ako sa kinauupuan ko at 'di ko napansin na katabi ko pala si Minute. 

Kukunin ko sana ang bag ko ng hinarangan niya ito ng kamay. Napatingin ako sa kaniya at napatingin rin siya sa akin. 

"You and Blake? Dating?" and her eyes stared at me from my head up to my foot. This is so ridiculous. "Pwede ba, Minute. I need to go." sabay kuha ng bag ko. 

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon