458 - XVIII

222 13 4
                                    

Blaire's POV

I ran away from the stage pagkatapos ng kanta. Sinalubong ako ni Link sa baba at niyakap. "Ang galing mo talaga, Blaire!" sabi nito at bumitaw rin agad sa yakap.

Nginitian ko siya saglit at nagthank you. Tumakas ako sa kaniyang mga kamay at tumakbo ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang ay bakit gustong tumulo ng luha ko ng makita ko si Minute at Blake!

May kung ano sa sistema ko ang nasasaktan. Ano na bang nangyayari sa akin?! Nap-praning na talaga ako!

Tumakbo ako papunta sa likod ng school at doon pinunasan ang tumkas na luha mula sa akin mga mata.

May nabunggo akong isang lalaki. Natumba ako at tinulungan naman niya ako. 

"Thank you and sorry." sabi ko at kumaripas ulit ng takbo.

"Vanz let's go! She's alright okay?!" dinig kong sabi nung babaeng kasama niya. 'Di ko sila nilingon. 

Tumakbo ulit ako kahit bawal sa akin. Gusto ko lang tumakas. Napatigil ako sa ginagawa ko ng may nagsalita sa likod. 

"Grabe!  Ang bilis mo talaga tumakbo!" 

I frozed... Si Blake.. si Blake sinundan ako.. 

I bit my lower lip at dahan dahang lumingon sa kaniya. 

Nang ako'y makaharap sa kaniya... nakita ko siyang pawis-pawisan at hawak hawak ang magkabilang tuhod. Pagod na pagod at hapong-hapo ito.

Tinitingnan ko lang siya habang lumalapit sa akin. Nang tumigil siya at halos isang ruler lang ang pagitan namin... ngumiti siya.

DAMN I MISSED THAT SMILE. 

Napahawak ako sa dibdib ko... ang bilis. Hinahapo nanaman ako... Sinapo ko ang ulo ko at nasakit nanaman. Matutumba na sana ako ng mabilis na hawakan ako ni Blake.

Dali-dali akong dinala ni Blake sa clinic. 

Pinagamit sa akin ng nurse doon ang nebulizer nila para maging normal muli ang paghinga ko. 

"You didn't tell me na may hika ka pala?" sermon agad sa akin ni Blake pagkagaling ko.

Nakaupo pa rin ako sa kama ng clinic at siya naman ay nakasandal sa pader habang naka-cross arms.

Para siyang tatay ko kung magalit at pagalitan ako. 

"Eh ano naman sa'yo yun?" sagot ko sa kaniya.

"It means a lot. Dapat alam ko lahat ng tungkol sayo." Matigas nitong sabi.

"Huh?" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Bakit ba kailangan niya malaman lahat ng tungkol sa akin!? Interesado ba siya sa akin!?

Pero ayoko maging assuming..

"Wala. Sabi ko 458. Tss." 

458 [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon