Chapter 6: Dance Revenge
~ Santhy's P.O.V. ~
Simula nang tinawagan niya ko, iniwasan na rin ako ni Deetry. Lumipas ang dalawang buwan na di kami nag-uusap. Pero nakakaya pa ring magtinginan. Ginagawa ko lahat ng ito para kay Daddy... pero do ko rin kayang di pansinin si Deetry nang matagalan. Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Mahal ko rin si Daddy pero gugustuhin ko na lang na pakawalan ang pangarap ko wag lang si Deetry. Bahala na sa mangyayari sa akin.
"Okay, troupe. See you tomorrow." Nagpaalam na si Sir Ernest sa amin dahil tapos na kaming magpractice.
"Sir, pwede po tayong mag-usap?"
"Tungkol saan, Santhy?"
"Tungkol ho sa pagsasayaw...
...at kay Deetry."
"Hmm... Ano naman dun?"
"Sir, di ko po kayang iwan nang ganun-ganon na lang ang babaeng minamahal ko. Napakahalaga niya po sa akin."
"So ngayon, gusto mong magquit?"
"Kung okay lang po sana sa inyo."
"Minsan lang makakita ang kapatid ko ng tulad mong magmamahal sa kanya ng todo. 'Wag mo siyang bibiguin ulit."
"Talaga ho, Sir? So, okay po sa inyo? Salamat ho!"
"Total kitang-kita naman na mahal na mahal ka ng kapatid ko."
"Kapatid?"
"Magkapatid kami ni Deetry kay Mama."
"Aah... Kaya naman pala. Sige ho, Sir. Maraming salamat! Salamat sa lahat. Sa pagtuturo sa akin. Sa pagiging napakagaling na Kuya sa amin."
"Di pa naman kayo kasal ni Deetry pero kung maka-kuya ka kala mo... sige na nga. Ingatan mo siya ah!"
"Iingatan. Madurog man ang mga kamay ko at daliri. Paalam po."
"Paalam. Hindi ito ang magiging huli nating pagkikita. Sige na."
Masayang-masaya ako. Buti na lang naintindihan ako ni Sir. Binuksan ko ang pinto ng studio para lumabas. Nakita ko si Bryan.
"Bro, andito ka pala."
"Totoo ba?"
"Ang alin? Na aalis ako sa grupo? Oo, totoo yun. Babalikan ko si Deetry, bro. Iiwanan ko ang pangarap ko at ni Daddy sa akin para lang sa kanya." Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Tapos, tinignan niya nang masama ang mga kamay ko. Bumalik ang tingin niya sa akin.
"Eh gago ka pala eh! Matapos mo siyang saktan? Babalikan mo lang siya nang ganun-ganon lang? Sorry, Bro. Pero pauna-unahan na lang tayo sa kanya."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang napakahigpit at tinanggal sa braso niya. Di ko siya maintindihan. Pero sa pananalita niya, siguradong may galit siya sa akin.
Ilang araw ang nakalipas at napapansin ko na lapit ng lapit si Bryan kay Deetry. Oo, nagseselos ako. Ngayon alam ko na ang pinagsasabi ni Bryan nung gabing iyon.
May gusto rin pala siya kay Deetry. Kaya pauna-unahan na lang kami. Pasalamat siya, di ko pa rin kayang harapin si Deetry.
"Bro, tara. Uwi na tayo. Hayaan mo na lang yung traydor na Bryan na iyan!"
"Sandali lang, bro. May hahabulin lang ako." That time, naglakas loob akong kausapin si Deetry. Gusto kong ipaalam sa kanya na handa na kong isuko lahat kahit mismong kaligayahan ng tatay ko sa akin, kahit marami na rin akong isinakripisyo. Gagawin ko wag lang siyang mawalay sa akin. Mahal ko si Deetry. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
Dance Through The Beat of My Heart
RomanceThis is a story of both teenagers who had loved at first sight. After that, they became very close friends and the boy decided to propose to her. The girl accepted him. Since the boy is a good dancer, he had to make a decision. A decision that would...