Chapter 9: Late Chance
~ Deetry's P.O.V. ~
Naglayag na ang troupe papuntang Maynila. Hanggang ngayon, nag-iiwasan pa rin kami ni Santhy. Nagtutulungan naman nung sa props namin tsaka costumes.
Pagdating dun, nagstay kami sa isang hotel and waited for another day para sa aming competition. Buti na lang, wala nang pasok. Last week lang nag-end ang school year namin.
"Deetry, gising na. Baka mahuli pa tayo. Dali na." Gusto ko pang matulog pero ginising na ako ni Kuya. Gising na rin si Santhy. Nakahanda na siya. Nagkatitigan kami pero umiwas naman siya. Gayundin ako.
Kailangan na naming maghanda para sa competition ngayon at sa flight ko bukas papuntang Canada. Tama, sa flight ko. Kaya andito rin si Daddy sa Maynila para sunduin ako. Nakakalungkot isipin pero sasama ako sa kanya sa Canada. Doon na ako mag-aaral at di na kami nagdalawang-isip ni Daddy. Alam ko naman kasing wala na kong pag-asa kay Santhy kasi pinili na niya ang pagsasayaw para rin sa ama niya.
May pag-asa man o wala, sasama pa rin ako. Hindi yung nahihirapan pa si Santhy sa mga pangyayari. Nagiging complicated na kasi.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Whoa!! Anlaki ng CCP!" Hangang-hanga naman si Mark pagdating sa venue ng competition. Andaming tao! Asan na ba yung Snickers ko? Kinakabahan ako eh. Kumain ako nang kumain di ko na namalayan na tinitignan na nila ako maliban kay Santhy.
"Bakit? Masama bang kumain?" Nakita ko naman si Santhy na ngumiti.
"Sir, kayo na po." Sabi naman nung isang crew kay Kuya. Agad naman kaming pumunta sa stage pagkatapos kong kumain. Hay salamat. Nawala ang kaba ko.
"Position guys, position."
* music plays *
"Kaya natin ito, Deetry. Para sa troupe. Para sa sarili natin..." Nag-uumpisa na kaming sumayaw pero nagsasalita pa rin si Santhy. "... at higit sa lahat, para kay Daddy."
Tama! Para sa Daddy niya. Para sa ipinangako kong babantayan siya.
Nang sinabi na yun, naalala ko lahat. Lahat...
Nung una ko siyang nakita sa album ni Kuya na agad akong na-in love sa kanya...
Nung tanong ako nang tanong kay Kuya parte sa buhay niya...
Nung nagbalak akong magtransfer para sundan siya...
Nung nawawala sa pananaw niya dahil hiyang-hiya ako...
Nung nahimatay ako sa inaakala niyang may asthma ako yun pala dahil sa kaba ng dibdib ko...
Nung siya ang kinunan ko sa photo journalism kahit marami namang pwedeng iba...
Nung naging kami ngunit nauwi sa wala...
Nung sumali ako sa dance troupe para sa kanya...
Nung sumasama ako kay Bryan dahil akala ko masasaktan siya...
Nung nakasayaw ko siya muli nang di ko alam...
Nung niligtas niya ko sa kapahamakan...
Lahat, lahat ng iyon. Lahat, nangyari yun dahil sa pag-ibig ko sa kanya. Kusa kong gagawin ang lahat para sa iyo, Santhy. Sapagkat...
"Mahal na mahal pa rin kita." Patay, nasabi ko yun? Tae.
"Everyone, leu us give them around of applause for a wonderful presentation." Nagkatitigan lang kami ni Santhy. Seryosong-seryoso ang mukha niya. "You may go back to your seats and wait for the final judging, Thank you, Black Cherubz."
![](https://img.wattpad.com/cover/2533880-288-k578430.jpg)
BINABASA MO ANG
Dance Through The Beat of My Heart
RomanceThis is a story of both teenagers who had loved at first sight. After that, they became very close friends and the boy decided to propose to her. The girl accepted him. Since the boy is a good dancer, he had to make a decision. A decision that would...