Once Mine • Part 1 : Foundation week

51 20 15
                                    

Jane

Dumating na nga ang linggo na pinaka-inaantay ng lahat. Ang foundation week celebration. Maraming estudyante ang abala sa pagdedecorate ng kani-kanilang mga classrooms, last minute touch-ups kumbaga, at bilang Vice President ng student council–ako ang naatasan na magbantay ng bawat classrooms. Kailangan ko din libutin ang buong school, dahil madaming estudyante last year ang nahuling sumusuot sa kasuluk-sulokan ng school para lamang mag-make-out.

Even though tutol ako sa desisyon nilang ito, hindi naman ako makatanggi dahil ang utos na ito ay nagmula mismo sa Principal ng junior high school department.

I was roaming around the hallway when a specific someone immediately caught my attention. It was him. Agad akong nagtago mula sa kinatatayuan ko kanina, nagtago ako sa isang sulok–hoping he won't see me.

"Kala mo hindi kita nakita huh? Lumabas ka na d'yan" he said. I instantly froze as if I'm a statue from a museum. Did he really saw me? Should I say hi to him? What am I going to do?

I was about to jump out of my hiding place when suddenly I heard someone laughing. "Ano ba 'yan ako nanaman ang taya! Kahit kailan talaga ang duduga niyo! Lalo ka na Joe!" I froze once again when I heard someone mentioned his name. Are they playing hide and seek? What are they? Twelve? Dahan-dahan akong lumabas sa kinatataguan ko at kumaripas ng takbo. Wala akong pake kung makita nila ako, basta makalayo lang ako sa lugar na 'yon.

Pumunta ako sa loob ng student council office para magtago. Kamalas-malasan ay nandito pala ngayon ang Treasurer at ang President namin. Si Roxi Sarmiento ang treasuer, at si Axcel Javier naman ang President. Hindi na ako magtataka kung bakit sila magkasama dito ngayon, kalat na kasi ang chismis na may something sakanilang dalawa. Hindi gaya ng ibang mga estudyante, hindi ako nagulat na naging sweet sila sa isa't-isa all of a sudden. Dati kasi silang parang aso at pusa kung magbangayan. Sabi na nga ba at magkaka-tuluyan ang dalawang ito.

"Oh, Jane. Bakit parang hinihingal ka? Nakakita ka ba ng multo?" biro ni Roxi. Bukod sa pagiging treasurer, kilala din siya bilang bestfriend ko. Tatlo kaming magkakaibigan, at ako lang ang natatanging single sa aming tatlo. Although, I do have a huge crush on someone, I just don't think he feels the same way.

"Gaga, nakita ko kasi siya" I said while fanning my face with my hand. Gumuhit sa bibig niya ang isang nakakaasar na ngiti. "Ano nanaman Roxi? Wala, hindi niya ako kinausap. Tumakbo ako para hindi niya ako makita" agad na naglaho ang mapang-asar niyang ngisi at napalitan ito ng nguso na may halong pagkadismaya.

"Ano ba naman 'yan, Jane! Nasa harapan mo na hindi mo pa tinuka. Sayang ang opportunity!" sabi niya habang pumapadyak sa sahig na parang bata. Bahagya namang tumawa ng mahina si Axcel tugon sa naging askyon ng kaniyang co-officer/girlfriend. Napangisi naman ako sa sariling kong konklusyon.

"Kung gusto mo ikaw nalang ang tumuka sakanya. Parang ang dali kasi ng pagkakasabi mo e" umupo ako sa maliit naming sofa at humilata dito. Bago pa makasagot si Roxi sa reklamo ko ay agad akong napatayo ng bigla kong maalala na kailangan ko nga palang maglibot sa buong school.

"Aalis na uli ako, 'wag mong gagahasain 'yang kaibigan ko ah! Hindi pa ako ready maging Ninang" agad kong isinara ang pintuan ng office namin at tumungo sa pinakadulo ng hallway kung saan naroroon ang classrooms ng mga grade seven students. Walang laman ang unang classroom na pinuntahan ko, lahat siguro sila ay nag-pa-practice
sa quadrangle.

Once MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon