'Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa't-isa.
Kung nasaan ka man ngayon, sana ay maging maligaya ka na. Sana ay tanggapin ka niya, gaya ng pagtanggap ko sa'yo noon. Sana ay mahalin ka niya, mas higit pa sa pagmamahal na ipinadama ko sa'yo.
Masaya akong nakilala kita. Hindi ako nagsisisi na nag-krus ang ating landas. Pero sa tingin ko, lahat ng masasayang pangyayari ay palaging may kapalit na kalungkutan. 'Tiyak akong masaya ka na ngayon sa piling niya, dahil sobra-sobrang kalungkutan na ang dinanas mo matapos tayong paghiwalayin ng tadhana.
Maraming salamat sa lahat aking mahal,
Nagmamahal–'
"Hindi ka parin ba tapos diyan sa sinusulat mo? Isang oras nalang bago ang flight natin, kailangan na nating umalis"
"Tapos na ako"
Iniwan ko ang journal ko sa ilalim ng unan ko.
Sa muli nating pagkikita. Mag-iingat ka, mahal.
BINABASA MO ANG
Once Mine
Teen FictionSometimes people are destined to meet, but they aren't meant for each other. Some might say "kapag kayo talaga, kayo talaga" but what if destiny wants them to be together, yet other things seem to be blocking their paths to love each other for the r...