Joe
"Joe Mateo Armada! Aba ano pang hinihilata mo d'yan? Gumising ka na–alas s'yete na!" napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa lakas ng sigaw sa akin ni Mama. Alas siyete na??? Pucha! Late na ako!
Dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo at tamang wisik-wisik nalang. Patay ako nito kay Trisha, baka isumbong ako sa secretary namin. Sasabihin ko nalang kela Clark na libangin si Trisha.
To: Clark
:Pre, ma-lalate ako, libangin niyo si Trisha.
Pinatay ko ang phone ko at aabutin na sana ang shampoo ng bigla kong makita ang oras.
4:58 am
"MAMA!!!!"
....
"Magpapatulong sana ako sa'yo na buhatin itong cabinet. Hindi ko kasi kayang buhatin ito mag-isa, kaya ginising kita" sambit niya sa akin. Hindi ko naman kayang mainis kay Mama. Hay nako! Paano na ito? Tutulala lang ako dito sa bahay?
"Bakit hindi si West ang ginising mo Ma?" nababagot na wika ko habang nagtutuyo ng buhok ko. Naligo na kasi ako kanina. Sobrang aga pa, hindi pa nga sumisinag ang araw e.
Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay "E alam mo naman 'yung kapatid mong 'yun, anak. May lahing kabayo yata ang batang 'yun, naninipa kapag tulog" totoo ang sinabi ni Mama. Kaya nakahiwalay ng kwarto si West sa amin e. Bigla-bigla nalang sumisipa habang tulog."Sige na tulungan mo na ako, anak. 'Di ba may crush ka? Yung Jane ba 'yun? Tutulungan kita pumorma mamaya! Papapogiin kita ng higit pa d'yan" sambit niya habang nakaturo sa mukha ko. Napangiti ako ng marinig ko 'yung pangalan niya. Pero saan niya nalaman 'yun? Sinabi kaya ni Diana sakanya? Hay nako, 'yung batang 'yun talaga..
"Oo na Ma, asan ba?" sambit ko at tinulungan siya sa pag-bubuhat ng cabinet. Habang binubuhat ang cabinet ay may nahulog na notebook mula sa ilalim nito. Hindi yata napansin ni Mama, kaya ako ang pumulot.
"Ano 'to Ma?" tanong ko sakanya. Habang hawak ang maalikabok na notebook.
"Ano yan–" nanlaki bigla ang mga mata niya "S-saan mo nakita 'yan?"
"Nahulog po galing d'yan sa cabinet" sinuri ni Mama ang cabinet at natawa siya ng bahagya.
"Kay West
yata ito" sambit niya at ibinalik sa akin ang notebook. Siguro ang lumang notebook niya ito. Hinagis ko ang notebook na ito sa sahig.....
"Maligo ka kaya ulit? Pinag-pawisan ka e" sambit ni Mama sa akin.
Sumang-ayon ako at muling naligo. Pagkalabas ko ay muntik na akong mapatalon sa gulat. Naka-topless at bottomless ako! Ano ba yan Ma!
Agad kong tinakpan ang maselang bahagi ng katawan ko ng twayla "Mama! Ano ba? Bakit ka nandyan"
"Sus! Wag mo ng itago 'yan nak! Marami na akong nakitang ganyan. Sa Papa mo, sayo, tsaka kay West. Halika na rito at magbihis ka na" talagang wala siyang pake nung makita niya ang espada ko.
BINABASA MO ANG
Once Mine
Teen FictionSometimes people are destined to meet, but they aren't meant for each other. Some might say "kapag kayo talaga, kayo talaga" but what if destiny wants them to be together, yet other things seem to be blocking their paths to love each other for the r...