Once mine • Part 5 : Foundation week

30 13 14
                                    

Jane

"Bili din tayo nito! Gusto mo ba ng shawarma?" hinila niya ako papunta sa mga tindahan ng shawarma.  Umorder siya ng isa at binigay sa akin. Kumunot ang noo ko at takang tiningnan siya.

"Bakit isa lang ang inorder mo? Paano ka?" lumingon siya sa akin at nahihiyang tumingin sa mga mata ko. Namumula nanaman siya.

"W-wala na kasi akong p-pera. Para nalang 'to sa fries ng kapatid ko" sambit niya sa akin na ikinagulat ko naman. Magkano lang 'yung baon niya? Jusko, buti nalang at sinabi niya. Mauubos ko na sana 'yung shawarma, buti nalang at nasa kalahati palang ako.

Inabot ko sakanya ang natitirang shawarma. Akala ko nung una ay hindi niya ito tatanggapin–laking gulat ko ng hinablot niya ito sa kamay ko na mas mabilis pa sa holdaper.

Gutom ka gurl?

"Haha ang sarap pala ng shawarma kapag alam mo na kinagatan din 'yun ni crush" halos nabilaukan ako habang umiinom ng avocado shake dahil sa sinabi niya. Leche! Magsabi ka naman kapag babanat ka para ready ako! Hindi 'yung bigla kang babanat d'yan–isa pa nga.

"B-baliw" sambit ko at tinatago ang namumula kong mga pisngi. Naglakad siya papunta sa harapan ko at inangat ang baba ko. Bahagya siyang nginitian ako bago halikan ang noo ko.

WAH!!!!!

Juice colored!!!!!

"Tara na-magpapakasal na tayo" wika niya na ikinatigil ko naman.

'Yung totoo? Anak ba siya ni Jack Frost tsaka ni Elsa? Bakit sa tuwing may sasabihin siya o kaya naman ay mapapalapit siya sa akin, bigla akong na-e-estatwa?

"Mag-papakasal? S-saan?" jusko hindi pa po ako handa–pero para sakanya gagawin ko. Ngumiti siyang muli sa akin dahilan para matunaw naman ako.

"Sa booth namin–tara!" hinila niya akong muli papunta sa classroom nila. Bumungad sa amin ang mga kaklase niyang abala sa pag-de-decorate. Hindi pa naman yata sila tapos, bakit niya ako dinala dito? 'Wag mo sabihin–dinala niya ako dito dahil magpapatulong sila sa pag-de-decorate?

Pagkapasok namin ay pina-upo niya ako sa isang tabi. Nagtataka akong pinagmasdan siya. Nangalabit siya ng ilan niyang mga kaklase at ang isa ay kumuha pa ng gitara at inabot sakanya. Haharanahin niya ba ako?

Ngumiti muna siya bago umupo sa harapan ko. Feeling ko ay umiinit nanaman ang pisngi ko. Sinampal ko ang sarili ko. Pigil self! Ano ba!

 Pigil self! Ano ba!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon