Jane
Maaga ako nakagising ngayong araw. Excited siguro ako. Paano ba naman hindi? Hindi ka ba ma-e-excite kapag magdamag mong naka-usap ang ultimate crush mo?
Nag-usap kami ni Joe kagabi through twitter and madami-dami rin kaming napag-usapan. Ngayon ko lang nalaman na ofw pala ang Papa niya. Naikwento niya din sa akin na mahilig din siyang manood ng mga k-dramas. Dahil sa mga nalaman ko ay mas lalo ko siyang nagustuhan. Ang cute niya! Although gustong-gusto ko siyang kausapin buong magdamag, kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil baka magmukha akong easy-to-get at uhaw sa atensyon niya.
Mabilisan akong naligo at dahil civilian ulit ang suot namin ngayon,
sinuot ko ang paborito kong gray oversized sweatshirt and my black wripped jeans. For my shoes, I wore my white sneakers. I ate breakfast with my Mom and my younger brother. Hindi rin kami ganoon kayaman, belong kami sa mga pamilyang middle class kung tawagin. I'm fine with my life, and I'm thankful that even though my Dad isn't living with us anymore, I'm still happy because I have my loving Mom and my playful and caring brother with me.They are the ones who inspire me to keep going and thrive harder until I reach my dream.
After breakfast, pumasok na kami ng bunso kong kapatid sa paaralan. Usually, hindi ko talaga siya hinahatid sa classroom niya, pero dahil natatakot daw siyang ma-kidnap ng puting van, pinilit niya akong ihatid siya hanggang sa tapat mismo ng classroom nila. Naglalakad kami sa hallway nila ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Bakit ang aga niya naman
pumasok? Leche buti nalang at maayos pa ang ichura ko. Mabilisan kong chineck ang itsura ko sa phone ko.Medyo ayos pa naman.
Kasama niya ang isang batang babae. Hawak ng bata ang thumb ni Joe. Na-imagine ko naman bigla sa utak ko na para kaming mag-asawa na hinahatid ang mga anak namin sa school. Napangiti naman ako.
Sumulyap ako sakanya–expecting he wouldn't even bother to look at me, but fortunately he was looking at me right away. I felt my cheeks heat up a bit. Why am I blushing all of a sudden?
When our eyes met, he immediately smiled at me. Hindi ito tipid na ngiti–naka-ngiti talaga siya–fineflex ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Habang nakangiti siya ay kumaway pa siya and mouthed the word "Hey". Ginawaran ko din siya ng isang matamis na ngiti bilang tugon sa pagbati niya sa akin.
Nauna akong ipasok sa loob ang kapatid ko, sumunod ay siya at ang kapatid niyang babae. Nag-hello sa akin ang kapatid niya at sinuklian ko naman ito ng isang "Hi" at abot sa tengang-ngiti. Naglakad siya papalapit sa kapatid ko. Mag-seatmates pala sila.
Lumabas ako ng classroom nila Jonas, ang bunso kong kapatid. Pagkabukas ko ng pintuan, nagulat ako ng biglang bumungad sa akin ang likod ng isang lalaki na may suot na black na backpack. Kilala ko na agad siya, mula palang sa tindig niya. Bakit nandito pa si Joe? May inaantay kaya ito?
Kinalabit ko siya at agad naman akong nilingon nito. Isang matamis na ngiti ang bumungad sa akin, dahil dito ay napangiti rin ako. "Tara, sabay na tayo umakyat?"
Saan ba? Sa altar o sa langit?
"O sige, tara" I said and sinabayan ko siya sa paglalakad patungo sa third floor kung nasaan ang lahat ng mga junior high school students. Lahat ng mga nakakasalubong namin ay nagbubulungan kapag nakakasalubong nila kami. Leche masyado ba akong maliit kapag kalapit ko si Joe? Kasalanan ko ba na 4'11 lang ako?
BINABASA MO ANG
Once Mine
TienerfictieSometimes people are destined to meet, but they aren't meant for each other. Some might say "kapag kayo talaga, kayo talaga" but what if destiny wants them to be together, yet other things seem to be blocking their paths to love each other for the r...