JoeHindi maalis sa mga labi ko ang ngiti ko. Hanggang ngayon ay siya parin ang iniisip ko. Bakit ba kasi ang cute-cute niya? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko kanina–tumalon at sumigaw ako ng napakalakas pagkapasok ko sa classroom namin dahil sa kilig.
Habang nag-lilinis ako ng whiteboard ay napatingin ako sa pintuan ng classroom namin. Naalala ko nanaman kung paano ko hinawakan 'yung buhok niya. Napangiti naman ako at tumawa ng bahagya.
"Hoy–nauulol ka na ba pre? Kanina ka pa ngiti ng ngiti d'yan" napatalon ako ng bigla nanamang sumulpot sa tabi ko si Yuan. Hinataw ko siya ng basahan na hawak ko.
"Lintik ka! Bakit ba hindi ka muna nag-papaalam bago ka magsalita d'yan? Mas matindi ka pa sa multo kung nakapang-gulat e" sambit ko at muling bumaling sa whiteboard at pinag-patuloy ang paglilinis.
"Aysus! Kaka-inom mo 'yan ng kapeng matapang!" sambit niya at bigla namang sumingit si Clark– "yung kaya kang ipaglaban"
Mga loko-loko puro kalokohan ang alam.
"Hindi lang 'yung kape ang matapang pre. Pati 'yang kaibigan natin–biglang tumapang. Aba–akala ko pa naman ay torpe yang gagong 'yan! Malaman-laman ko sa iba nating mga kaklase na magkasama daw sila kaninang umaga ni miss vice president! At ito pa! Nag-uusap pa sila!" kwento ni Hanz sakanila. Muntik ko na sana siyang katayin, kaso kinilig lang ako lalo! Gusto ko na tuloy siyang makita ulit.
Ngumiti ako at muli silang hinarap "Oh bakit? Masama bang makipag-usap?" pigil na kilig na sambit ko sakanila. "at kanino mo nanaman nalaman ang lahat ng 'yan?" tanong ko kay Hanz habang nakapamewang na parang babae.
"K-kay Eunice" sabay-sabay kaming napa-ngisi sa sinabi niya. Kay Eunice pala ah! "O-oh bakit? B-bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"
"Hay Nako, Hanz!" umalingawngaw sa buong classroom ang sigaw na 'yun ni Diathor. Bwisit talaga itong kapre na 'to! Hindi lang siya 'yung malaki, pati din 'yun boses niya malaki rin. "Kailangan mo yatang humingi ng kape na iniinom ni Joe, baka sakaling magkaroon ka na din ng lakas ng loob na kausapin si Eunice. Sakto, ka-close naman na ni Joe si Jane, baka pwede kang humingi ng tulong kay Jane para ligawan si Eunice" tukso pa si Diathor sakanya. Sinapak ko siya ng basahan na pinag-hampas ko din kanina kay Yuan.
"Hoy! Anong tingin mo sa bebe ko? Tulay para makausap 'yung mga crush niyo sa first section? Mga ulol! Mag-sikap kayo ng sarili niyo! 'Wag niyo idadamay ang bebe ko sa mga kalokohan niyo!" pagdedepensa ko. Mga loko-loko! Idadamay niyo pa si Jane sa mga trip niyo. Bigwasan ko kayo ng sabay-sabay e.
"Bebe agad? Porket nakasabay mo lang sa paglalakad, bebe mo na? Gago! Ligawan mo muna–tapos kapag sinagot ka, malayang-malaya ka ng tawagin siyang bebe" panira talaga ng trip itong si Kevin! Lakas maka-ganyan e hanggang ngayon NGSB naman siya. Don't me Kevin, don't me.
"Talaga! Liligawan ko talaga siya!" sigaw ko sa harap ng mga kaibigan ko. Akala niyo hindi ako matapang ah! Huh! Papakitaan ko kayo ng mga da-moves ko mamaya. Watch and learn nalang kayo.
"Hoy mga gunggong! 'Wag nga kayong maingay d'yan–tsaka ikaw Clark! Tangina–'di ba sabi ko bumili ka ng glue-stick tsaka colored paper? Bakit nakikipag-chismisan ka lang d'yan?!" pinitik ni Trisha ang tenga ni Clark. Ayan! Ang kupad kasi, puro daldal at pangbababae ang alam.
BINABASA MO ANG
Once Mine
Teen FictionSometimes people are destined to meet, but they aren't meant for each other. Some might say "kapag kayo talaga, kayo talaga" but what if destiny wants them to be together, yet other things seem to be blocking their paths to love each other for the r...