Joe
Kakatapos lang ng unang araw ng foundation week celebration. Isa ito sa pinaka ayaw kong event sa school namin, pero dahil sa nangyari kaninang umaga, hindi na ako makapag-intay na muling pumasok kinabukasan. Hindi ko maalis ang ngiting kanina pa naka-pinta sa mga labi ko. Sa loob ng anim na taon, sa wakas ay nag-krus ang aming landas at para kaming pinagtagpo ng tandhana.
Dahil sa kaligayahang nararamdaman, tinutulungan ko si Mama na magluto ng dinner. Wala kasi kaming katulong. Hindi kami mayaman gaya ng iba kong mga kaklase. Kabilang kami sa mga tinatawag na middle class. Hindi naman ako nagrereklamo na ganito lang ang buhay namin, at least ay may bahay kami, may damit na nasusuot at may pagkain araw-araw.
Sa pagiging isang student athlete, nakakatulong ako sa mga gastusin namin sa bahay. Hindi na nag-aalala si Mama sa tuition ko, pati sa baon ko dahil binibigyan naman kami ng weekly allowance ng aming school.
Hindi din naman labag sa kalooban ko ang pagiging isang student athlete. Ang totoo nga niyan ay mas sumasaya pa ako tuwing nag-te-training kami. Wala akong aabalahin sa mapeh subject at siguradong palaging maganda ang kalagayan ng katawan ko. O'diba? Walang talo sa pagiging varsity. Maliban nalang kung grade-conscious ka at natatakot kang makakuha ng ilang tumataginting na line of seven sa ibang mga subjects. Isa ako sa mga pa-chill-chill lang na estudyante, hindi pinoproblema ang grades at puro kalokohan lang ang alam. Kasama ko sa kalokohan ang lima ko pang kaibigan. Si Diathor, na mukhang slender man sa sobrang tangkad at napakapayat. Kahit papaano ang may ichura naman siya dahil maraming mga babae ang humahanga sa mokong na yan. Si Kevin at si Yhuan, mga varsity rin ng Basketball. Si Clark na walang ibang ginawa kundi mangbabae. And last but not the least, si Hanz ang pogi but chubby naming tropa. Never pa siya nagkakaroon ng girlfriend. Nagtataka nga kami e dahi siya naman ang pinaka-gwapo sa aming magkakaibigan.
Pagkatapos kumain ng hapunan ay inutusan ako ni Mama na bumili ng mga groceries sa malapit na supermarket sa bahay namin. Naglakad lang ako dahil kaya ko naman itong lakarin, sayang ang pamasahe kung sasakay pa ako sa jeep.
Ng makarating ako dito ay binilisan ko ang kilos ko para makauwi ako agad. Gusto kong matulog ng maaga para pogi ako bukas.
Pagkatapos kong kunin lahat ng mga kailangan kong bilhin ay binayaran ko na ito at lumabas sa parte kung saan naroroon ang groceries. Lalabas na sana ako ng mall ng biglang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. Bakit siya nandito? Gabi na ah. Nagtago ako sa isang sulok at idinungaw ng konti ang ulo ko para makita siya.
"anong ginagawa mo –"
"Ay hindot ka!" napatalon ako ng biglang sumulpot si Yuan sa tabi ko. Kasama niya si Diathor kaya mas lalo akong nagulat, naka all black pa naman ito. Akala ko tuloy nakita ko si Slender Man. "bwisit ka, bakit bigla bigla kayong sumusulpot? "
"E nakita ka namin ni Diathor na parang butiking nakadikit sa pader e, ano bang tinitingnan mo dyan?"
Wika ni Yuan habang ginagaya ang ginawa ko kanina.Binatukan ko sila parehas "Nandito kasi siya" nagliwanag ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko.
"Ah kaya naman pala! Nandito ang hinahanap ng pusong ligaw" asar pa sa akin ni Diathor sabay tumawa silang dalawa ni Yuan.
"Hay nako, pre. Kung ako sayo, matagal ko ng niligawan 'yang crush mo. Mukha namang wala parin siyang nagiging boyfriend, ni-hindi pa nga 'yan na-i-issue sa classroom natin e. Alam mo naman ang mga tenga at bibig ng mga kaklase nating babae. Nangyayari palang, pinagkekwentuhan na nila" mahabang litanya ni Yuan. Napaisip din ako sa sinabi niya. Never ko pang nabalitaan na nagkaroon siya ng ka-M.U. or jowa. Posible kayang... Tomboy siya?
BINABASA MO ANG
Once Mine
Teen FictionSometimes people are destined to meet, but they aren't meant for each other. Some might say "kapag kayo talaga, kayo talaga" but what if destiny wants them to be together, yet other things seem to be blocking their paths to love each other for the r...