Chapter 1

29 3 1
                                    


Naalimpungatan ako sa malamig na hanging dumampi sa buong katawan ko. Dahan-dahan kong kinusot ang aking mga mata at minulat ito, at sa pagmulat ko ay nakita ko ang kulay brown na kisame sa taas.

Dahan-dahan akong napaupo, at napansin ko ang suot kong floral blouse at mahabang palda. At nakataklob ng puting kumot ang katawan ko. What the---

Nagulat ako nang narinig ko ang tunog ng pagpihit ng pinto at marahan itong bumukas. Ibinuwal no'n ang dalagang babae na sa tingin ko ay nasa katorse anyos pa lang, lumapit ito papunta sa direksyon ko at diretsong nakatingin sa'kin. Tumikhim ako at napa-iwas ng tingin.

"S-sino ka? Bakit ako nandito?" Panimula ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Ako si Mercelita, dinala ka po rito ng aking kuya para pansamantala kang patuluyin" ma-awtoridad niyang tugon.

Napalunok ako habang naka-kunot ang noo, "B-bakit daw?" Nalilitong tanong ko.

Kasabay no'n ay ang tunog ng pagpihit ulit ng pinto, agad akong napalingon doon at pumasok ang isang lalaking matangkad, moreno, at gwapo nitong charisma. Naantig ako sa makakapal na mga pilik-mata niya at ang tangos ng kanyang ilong. Dagdagan pa ng makakapal rin niyang kilay na mas lalong nagpabuhay sa katangian niya.

"Hi?" Bati nung lalaki sa'kin. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan. Unang kita ko pa lang, kinakabahan na ako. Hindi 'to love at first sight ah? Death at first sight 'to! Joke. Ang exaggerated naman.

Nakatitig lang sila sa'kin dahilan para hindi ako mapakali. "A-anong kailangan niyo sa'kin? Bakit.. B-bakit dinala niyo 'ko dito? I-ikaw? G-gusto mo ng pera? Ano?!" Kinakabahan at nauutal na sambit ko.

Nakita ko namang palihim na pinipigilan ni Mercelita ang tawa niya at napapangiti naman ang kapatid na nasa tabi niya. Aba, close ba kami?

Bigla akong tumayo na ikinagulat naman nila, at humakbang papuntang pintuan nang pinihit nung lalaki ang kamay ko.

"S-sandali! Hindi ka pa pwedeng maka-uwi!" Pigil niya. Nagtataka ko siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.

"Ano ba? Bakit naman?" Inis na tanong ko at hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nagulat silang dalawa sa naging reaksyon ko.

"Ate, maupo ka muna ulit." Mahinahong sambit ni Mercelita. Pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"G-Gabi na kasi, ahh.. tsaka delikado na rin sa labas. Ahh, m-magpalipas ka muna ng gabi r-rito--"

"Ano?? Ayoko ko nga, uuwi na ako!" Angal ko. Pero nakita kong sumimangot ang lalaki sa harap ko, kaya saglit akong natigilan at napatitig ako sa pagbago ng eskpresyon ng mukha niya.

"Makakauwi ka rin, pero kailangan mo munang manatili rito." Saad niya at ibinalik niya ulit ang ngiti niya. Ang nakakahawang ngiti niya, ang gwapo niya ah? Oo, gwapo naman talaga eh. Wait, fact 'yon ah! Hindi compliment.

Napatitig ako sa ngiti niya, ang napaka-among ngiti niya. Hindi nagtagal ay umiwas na ako ng tingin at padabog na napaupo nalang ulit sa kama, nakita ko namang nakangiti lang niya akong pinagmamasdan na ikinailang ko naman.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon