Nakatingin na sila ngayon sa direksyon ko!Sumilay sa mga labi nila ang nakakalokong ngiti. Nagtinginan sila sa isa't isa at tumango bago humakbang papalapit ngayon direksyon ko. Nakita kong huminto sila sa tapat ng motor ko na naka-parking sa tapat rin sa mismong punong pinagtataguan ko ngayon.
"Kanino kaya 'to?" Namamanghang sambit nung lalaking nasa gitna kanina.
"Halika, hanapin natin susi nito." Saad nung lalaking pinakamaliit sa kanila. Kunot-noo ko silang pinagmasdan mula sa pinagtataguan ko ngayon, buong sikap kong isiniksik ang sarili ko sa maliit na pwesto dito sa likod ng puno at iniwasan ang makalikha ng anumang ingay.
Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng kamay ko at malakas na pagkabog ng puso ko.
Ilang sandali pa ay aksidenteng nadulas ang susi ko na nakasabit sa kamay ko. Gulat na gulat ako nang mahulog iyon sa sahig at lumikha ng ingay. Mas lalong lumalakas ang pagkabog ng puso ko at hindi na ako magkamayaw sa gagawin ko.
Maingat kong hinablot ang susi pero natigilan ako nang may makita akong pares ng paa na nasa tapat ko na katabi nung susi. Napalunok ako at dahan-dahang tumingala sa kanya.
"Andito ka lang pala, Ms. May-ari." At nakita ko ang mga nakakalokong ngiti sa mga mukha nila. Silang tatlo ay nakapalibot na ngayon sa'kin, habang ang lalaking nasa gitna kanina ay mas lumawak ang ngising pinagmasdan ang buong kabuuan ko.
Tinanguan niya ang dalawang kasama niya at marahas akong hinablot sa magkabilang-braso. Hindi na ako magkamayaw dulot ng panginginig, pangangamba, at pagkatakot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"Tigilan niyo 'ko! Sa inyo nalang ang motor ko!" Sigaw ko sa kanila habang nagpupumilit na pumiglas.
"Jackpot na rin yun, pero may mas makikita pa pala akong mega jackpot!" At agad silang nagtawanan. Para akong hayop na nakahandang kakatayin nila para may mahahanda sila sa mesa at pagpi-piyestahang kainin.
Nagsimula nang humakbang papalapit ang lalaking nasa tapat ko ngayon habang ang dalawang kasama niya ay nakahawak sa magkabilang braso ko. Wala akong mas mabisang magawa dahil sadyang mas malakas sila kesa sa'kin.
"P-please.. huwag na. Huwag, p-pakiusap!" Daing ko habang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Pero hindi siya nakinig at nagsimula nang maglakbay ang mga kamay niya sa likod ko habang nakadikit ang noo niya sa noo ko.
Napaiwas ako ng tingin at tinikom ang bibig. Akmang ilalapat na niya ang labi niya sa labi ko ay may bigla kaming narinig na tunog ng pito 'di kalayuan mula sa kinatatayuan namin. Nagulat sila sa tunog na iyon at napapalingon sa paligid, habang ako nama'y nabuhayan ng kung anong pag-asa dahil may naka-disturbo sa kung ano man ang gagawin nila sa'kin ngayon.
"Bahala na, tutuluyan ko nalang 'to." Nababahalang sambit nung lalaking nasa tapat ko pero tumunog ulit ng mas malakas ang pito na sa tingin ko ay mas malapit na sa pwesto namin.
Tuluyan na silang nataranta at 'di malaman ang gagawin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon na tumakas mula sa kanila, nabitawan na rin nung dalawang lalaki ang magkabilang-braso ko. "Magmadali kayo! Hanapin niyo na ang susi!" Pasigaw na utos nung lalaking may binabalak sa'kin.
Lumapit sa paanan ko ang lalaking gumalaw sa'kin kanina at yumuko siya para kunin ang susi sa gilid ng paanan ko. Nang humarap ulit siya sa'kin ay ngumisi siya. "Pa isa nga--" pakiusap niya pero malakas kong tinabig ang mukha niya dahilan para matumba siya at agad nagsilapitan ang dalawang kasama niya papunta sa likod niya.
"Gago, ang tapang mo ah!" Inis na sigaw niya.
"Ulol ka rin! Sa susunod lumaklak ka naman ng isang litrong mouthwash, napakabaho nung hininga mo kanina eh. Kadiri!" Hirit ko pa. Totoo naman eh, kaya nga ako napaiwas ng tingin kanina dahil sadyang napakabaho ng hininga niya, 'di pa talaga nahiya.

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romantiek"Time flies over us, but leaves its shadow behind." How important is the time in our lives? Or should I say, maybe the time is the life itself? It's about Sheryn and her grief towards her family and the people around her. Her own beliefs and grief h...