Napagdesisyunan ko nang sumama sa kanila kahit labag ito para sa mga magulang ko. Hindi na ako nagpatinag pa sa mga do's and don'ts nila, sa mga ganitong sitwasyon pagod na akong magmukmok nalang sa sulok at hintayin muli ang pagsikat ng araw na wala man lang nagawa para maibsan ang nararamdaman.Kailangan ko ring maging masaya, at sa tingin ko iyon ang pinakamabuting handog ko para sa sarili.
Agad na akong nagbihis at sa paglabas ko mula sa kwarto ay dahan-dahan lang akong naglakad pababa para hindi nila marinig hanggang sa makalabas na ako sa bahay. Alam kong mas lalong magagalit sila mommy sa'kin kapag nalaman nilang nagagawa ko ng tumakas nang hindi nila alam pero hindi ko na talaga mapipigilan 'to.
Naglakad ako papunta sa kanto ng subdivision namin at nang makarating doon ay natanaw ko ang isang black na honda civic na nakaparada sa gilid ng kalsada at ang pamilyar na lalaking nakatayo sa labas at nakasandal sa pintuan ng kanyang kotse. Nang maaninag niya ako ay kumaway siya.
"Woah, woah.. you look like a real party goer!" Bungad niya sa'kin. Ngumiwi lang ako at hindi nagtagal ay pumasok na kami sa loob. Habang nasa byahe ay tinatanong niya sa'kin kung ano raw ba ang nakain ko at sumama ako sa kanila, usually kasi palagi niya akong mine-message kapag may gala sila ni Sandra at sa dinami-rami ng invitations niya sa'kin ay ngayon pa lang talaga ako tumugon.
Maya-maya pa ay naaninag ko ang isang building na may naka-ukit na "V Bar" naririnig ko na rin ang mga maiingay na mga tugtugin at hiyawan nito sa loob. I felt somehow powered up! Ngayon lang ako nakapunta sa gantong lugar, an introvert like me finds this place as a mess. But to my case, it's a breaktime for everyone who's encoutering a mournful situation.
Nauna na kaming pumasok ni Zeth sa loob at sa unang tapak ko palang sa loob ng bar ay nakita ko na ang malawak na dance floor sa gitna at naroon ang mga taong aliw na aliw na nagsasayawan, ang iba'y naglalandian sa gilid. Napangiwi ako sa aking mga nasaksihan at iniwas ang tingin, sinundan ko si Zeth patungo malapit sa stool bar at umupo doon.
"How's the feeling, Ms. First timer?" Pang-asar ni Zeth. Inirapan ko lang siya at napatingin ulit sa paligid. Sobrang lakas ng tugtugin nila na parang pati ang puso ko ay parang tumatalon-talon. "Zeth, sobrang ingay naman ata dito. 'Di ba kayo nababagot dito??" Nilakasan ko pa ang boses ko para mas rinig niya, tumawa lang siya at parang 'di-makapaniwala sa sinabi ko. "Hahahaha! May bar bang tahimik? Normal lang 'yan sa mga introvert na first timer katulad mo. Iintindihin nalang kita, ignorante." Asar niya. Natawa rin ako dahil totoo naman talagang ignorante ako sa lugar na 'to.
Kasabay no'n ay ang pagtawag ng pangalan ko mula sa isang pamilyar na boses na nasa likod, hindi ko na siya nilingon pa dahil kilala ko na ang tili ng boses niya. "Wow, unbelievable!" Bungad niya nang makita ako at saka siya umupo sa upuang nasa pagitan namin ni Zeth.
"Anong flavor ng cake 'yung nakain mo kanina? Mukhang napasarap ah, na umabot sa puntong napasama ka sa'min" saad niya. Agad kaming nagtawanan, um-order na rin sila nang tatlong shots at nagulat ako nang ilahad nila sa'kin ang baso ng whiskey.
"Ano 'to? Wala naman akong sinabing iinom ako ah--" umangal ako pero pinigilan lang ako ni Sandra. "Walang exception dito, kahit first timer ka. Kailangan 'yan," at itinuro niya ang shotglass na nasa harap ko. Napalunok ako habang dahan-dahang kinuha ang shotglass ko, nagchi-cheer sila sa'kin habang inilapit ko na ito sa bibig ko. Nang maamoy ko ang matapang na amoy ay ibababa ko na ulit sana ang baso pero mas naghiyawan silang dalawa dahilan para diretso ko nalang itong nilagok.
Agad dumaloy ang mapait na lasa nito sa lalamunan ko at sinipsip ang lemon sa katabi ng shotglass ko. "Mga hayop, ang hayop ng lasa!" Asik ko at agad silang nagtawanan. Nagpatuloy ang sunod-sunod naming shots, ilang shot pa lang ay nakaramdam na ako ng sakit sa ulo kaya tumigil muna kami.

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"Time flies over us, but leaves its shadow behind." How important is the time in our lives? Or should I say, maybe the time is the life itself? It's about Sheryn and her grief towards her family and the people around her. Her own beliefs and grief h...