"Wala ka ng matatakasan pa, sa ayaw at sa gusto mo. Haharapin mo ang mga tao, haharapin mo ang mga kinatatakutan mo, haharapin mo ang lahat at ang mundo.." patuloy niya at humakbang papalapit sa'kin."...nang kasama ako." At kasabay no'n ay ang paglahad niya ng mga palad niya sa'kin.
My heartbeat stopped for a while. I still can't process what in the world he is saying right now. Parang ang kampante naman ata niyang sabihin sa'kin 'to? Sino ba siya para pagkatiwalaan ko at sino ba ako para... ano nga ulit 'yon? Sasamahan niya ako sa pagharap sa lahat ng bagay?
I fakely smiled. "Ha-Ha. Ang sabihin mo, gusto mo lang akong pumunta ro'n. Dami pang sinasabi, eh." I intently said it with a sarcastic tone. Ngumisi lang siya na parang natatawa sa pinagsasasabi ko.
"Totoo naman talaga ah? Ayaw mo bang samahan kita? Poor girl, kawawa naman kung pati dito ay loner ka." Umiiling na tugon niya at nagpamaunang naglakad sa'kin.
Kumunot ang noo ko habang iniisip kung may pinapahiwatig ba siya sa binanggit niyang "dito". Ramdam ko kasing diniinan niya ang pagka-sambit ng salitang iyon.
My mind still can't process how in the world I came along here. Paano at bakit? Alam ko sa sarili kong baguhan at dayo lang akong nakapunta sa bayan na ito pero why does it feels like this seemed familiar to me? 'Di ko nga lang matandaan kung paano.
Habang nakasunod lang ako sa nilalakaran ni Marfelo ay 'di ko maiwasang ma-distract sa paligid ko. Paano ba naman kasi, I'm really not into crowd. Masyadong crowded 'tong dinadaanan namin ngayon, simple lang naman 'to para sa iba. But I really don't like to be here. Lumingon ako sa kanang paa ko nang may maramdaman akong parang maliit na bagay na tumama sa paa ko.
"Ay--ate, pasensya na po. Tumilapon lang po ang laruan ko," sambit ng isang maliit na babaeng bata na sa tingin ko'y nasa 7 years old pa lang. Tumango ako sa kanya at bahagyang yumuko para kunin ang laruan niyang nasa paanan ko at iniabot iyon sa kanya.
"Salamat po!" Magiliw na sambit niya. Hindi ko alam ang gagawin at ang ire-react ko, tulala lang akong nakatingin sa kanya, sinubukan kong ngumiti pero parang naiilang ako. Nakita kong may lumapit pang dalawang batang babae sa kinaroroonan niya at silang tatlo ngayo'y nakangiting tumingin sa'kin.
"Ah.. s-sige."
At saka tumalikod at ibinalik ang tingin sa daan pero nagulat ako nang makitang nakatingin na pala ngayon sa'kin si Marfelo.
"A-ano?" Naiiritang bungad ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya at nilingon ang mga batang nasa likuran ko. "Hindi ka marunong makipag-usap sa mga bata?" Habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga batang naglalaro na ngayon.
Nilingon ko ulit silang tatlo na naglalaro na sa gitna. Ibinalik ko ang tingin kay Marfelo at napakibit-balikat nalang.
"Munti!" Tawag niya sa batang babae na unang lumapit sa'kin kanina. Nakangiti itong lumingon kay Marfelo at dali-daling tumungo sa kanya.
"Po?" Kumalumbaba si Marfelo sa harap ng bata para mapantanyan siya nito. "Munti, ano 'yang nilalaro niyo?" For the whole time, nakangiti lang si Marfelo habang kausap niya ang bata. Bagay na pinagtataka ko. Weird ba o ano?
"Kuya, ano po'ng pangalan ng babaeng kasama mo po?" Bulong niya kay Marfelo na malinaw ko namang narinig. Lumingon siya sa'kin at tiningnan nang magpakilala-ka-look.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"Time flies over us, but leaves its shadow behind." How important is the time in our lives? Or should I say, maybe the time is the life itself? It's about Sheryn and her grief towards her family and the people around her. Her own beliefs and grief h...