Chapter 4

22 2 0
                                    


Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko magbuhat nang nauna akong nakarating sa bahay. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko at nakita ang mga missed calls ni mommy, tinext ko siya at sinabing nakauwi na ako.

Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko at bigat ng puso ko simula nung nangyari. Lumundag ako sa kama habang nakasubsob ang mukha ko, parang gusto ko nalang manatili sa kwarto buong buhay.

Binuksan ko ulit ang cellphone ko at tulad kanina ay napakarami parin ng mga notifications na natatanggap ko mula sa mga kakilala ko. Oras na para talikuran ko ang mapanghusgang mundo. Pumunta ako sa facebook account ko at nag-deactivate, gano'n rin ang ginawa ko sa twitter account ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na mag-post at ipaliwanag ang lahat, diretso ko nalang ini-off ang lahat ng mga social media accounts ko at tinalikuran ang mainit na issue ng mga tao sa'kin.

Inilagay ko na sa side table ang phone ko at humiga na sa kama. Naisip ko bigla kung ano nang gagawin ko sa dalawang linggong suspension ko, masyadong matagal 'yon at ayokong mabagot.

Naramdaman ko ang matuyong lalamunan ko kaya tumayo ako at kinuha ang water bottle na nasa ibaba ng side table ko, habang umiinom ay napatingin ako sa calendar na nakasabit sa bintana ng kwarto ko.

December 1, 2018

December na pala. Ibig sabihin... birthday ko na bukas?! Shocks, pati debut ko ay muntikan ko nang makalimutan. Bumuntong-hininga nalang ako nang mapagtantong wala namang special celebration na magaganap bukas kahit pa debut ko na, isa iyon sa mga hindi tinutugunan ng mga magulang ko sa amin ni kuya. Ang mga birthday parties at kahit anong klaseng party sa aming pamilya. Ba't pa nga ba ako magugulat? Nasanay naman na ako dito.

Bumalik nalang ako sa kama at hinayaan ang sariling magpahinga muna mula sa mga nakakapagod na problema.

***

"Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong ng lalaking nasa harap ko. Ang kapatid ng babaeng nagpakilala na si Mercelita.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong na iyon, ayokong sabihin na hindi ako maayos dahil natatakot akong pagsamantalahan nila ang kahinaan ko sa oras na malaman nila ito. Oo, may trust-issues na ako magbuhat nung nangyari sa akin. At sa tingin ko ay  hindi na ako magpapadala pa sa mga motibong pinapakita ng mga tao sa'kin.

Tumango lang ako bilang tugon. Narinig kong napasinghap siya at nagsalita, "Nararamdaman kong may bigat diyan sa pakiramdam mo, balang araw.. matututunan mo ring magpalaya sa lahat, at maging sa mga mapapait mong karanasan ay matutunan mo itong tanggapin." Saad niya.

Natigilan ako at dahan-dahang napalingon sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. "Anong pinagsasasabi mo?" Asik ko. Ngumiti lang siya.

"Kailangan mong matuto. Kailangan mong maranasan ang tunay na buhay sa kabila ng magulong mundo, dahil ang lahat ng ito ang magsisilbing lakas mo para patuloy na mamuhay." Nakita ko ang marahang pagsilay ng kanyang ngiti mula sa mga labi niya.

***

Biglang akong napabangon mula sa pagkakahiga habang lumalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa napanaginipan ko, pangalawang beses ko na silang nakita. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa silang nagpapakita sa panaginip ko.

Posible kayang mga ligaw na kaluluwa sila? At gusto nilang humingi ng tulong sa'kin na mabigyan ng hustisya kung ano man ang dahilan pagkamatay nila? Waaaaah! Paano kung ayaw ko? Ako ba ang masusunod??

"Sheryn?! Gising ka na ba?" Sigaw ni Manang mula sa labas ng kwarto ko, saglit akong natigilan. "O-opo! Tulog pa po ako!" Sambit ko.

"H-Ha?" Nagtatakang tanong ni manang. Shet! Anong katangahan 'yon, Sheryn?!!

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon