"Sheryn? Sheryn..." narinig ko ang tinig ng isang pamilyar na lalaki at marahan ako nitong ginigising. Dahan dahan akong napatingala sa kanya at gulat na napatingin sa paligid namin."Mang Noli??" Bungad ko. Tumango lang siya at ipinakita sa'kin ang screen ng cellphone niya kung saan nakalagay ang oras, 12pm na pala!
"Manong? Diba ginising niyo po ako kanina?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan, parang kanina lang ay nagku-kuwento pa siya sa harapan ko eh. "Oo, ginising kita, hija. Pero parang pagod na pagod ka at hindi talaga kita magising. Ginising kita ngayon ulit kasi, lunchbreak na." Tugon niya habang nakangiti at hawak-hawak niya ang mop.
"P-po? Diba po, kani-kanina lang ay nagku-kuwentuhan pa tayo--" sinenyasan niya akong huwag maingay at ininguso pa ang front desk kung saan naroon ang librarian. "May bagong librarian, buti nalang hindi ka nahuling natutulog." Kumunot ang noo ko habang pilit na iniisip ang nangyari kani-kanina lang.
Ano 'tong nangyayari ngayon?
Pamilyar ang mukha niya na parang nakita ko nga lang kanina, naguguluhan ako at 'di ko maintindihan ang nangyayari. Tumayo na ako at nagpaalam kay manong, saka lumabas sa library.
Pamilyar ang pangyayaring ito kani-kanina lang. Dulot ba 'to ng gutom? Tsk.
Pagkalabas ko mula roon ay nakita ko ang mga nagkukumpulang mga estudyanteng naglalakad papalabas ng school para mag-lunch. Napalingon-lingon ako sa gilid at nagbabaka-sakaling may makita ulit. Nang masigurong wala, ay dumiretso na ako papalabas ng school.
Umupo ako sa paborito kong spotseat kung saan nasa pinakadulong gilid ako malapit sa bintana, tahimik rin dito. Tanaw ko mula sa bintana ang napakaraming estudyanteng naglalakad, nandito ako ngayon sa Linfood Cafè. Isa sa mga rest place ko tuwing lunch. Second rest place pala haha!
Sinulyapan ko ang cellphone ko at nakitang may nag text doon.
From Sandra:
Bes, nasan ka now? Sabay na kami sa 'yo, pleaaase?--
Napapailing akong binabasa ang mensahe niya, parang may buntot talaga ako. Hindi pa talaga ata siya nasanay na palagi lang akong mag-isa, tss.
To Sandra:
As always, dito lang sa Linfood Café. Mag-iingay na naman ba kayo sa harapan ko?Nang matapos ko na siyang ni-replayan ay dumating na rin ang order ko at nagsimula na akong kumain. Wala akong ibang ginawa kundi ang napapatingin lang sa labas.
Nag cut ako ng class for 2hours. Lagot ako neto sa mga professors ko!! Pano ba naman kasi, nakakatamad talaga!
Kalagitnaan ng pagkakain ko ay narinig ko ang alingawngaw ng tinig ng pamilyar na boses ng bruhang iyon. Nang makita niya ako ay sisigaw na sana siya pero sinenyasan ko siyang huwag maingay, agad silang tumungo sa pwesto ko at umupo sa magkabilang upuan.
"Hoy! Anong klase na namang cake ang nakain mo at nagawa mo na namang mag cutting class?!" Bungad ni Sandra sa'kin, napatingin pa siya sa kinakain ko ngayon. "Slice cake. Ibig sabihin, nakahati. Hatiin ang oras. Cutting." Tugon ko. Ngumiwi lang siya na parang na kornihan sa biro ko at sumisipsip nalang sa milktea ko.
"Sheryn? Sino pala 'yung lalaking kausap mo kanina?" Biglang sambit ni Zeth. Agad akong napalingon sa kanya, "Ano? S-saan mo nakita?" Kinakabahan kong tanong.

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"Time flies over us, but leaves its shadow behind." How important is the time in our lives? Or should I say, maybe the time is the life itself? It's about Sheryn and her grief towards her family and the people around her. Her own beliefs and grief h...