"Dahil sa lugar na ginagalawan mo ngayon ay may gampanin ka. At sa pagkakataong ito, wala ka ng matatakasan pa." Seryosong saad niya.Natigilan ako at wala akong ibang naririnig sa mga oras na 'to, bukod sa namamayaning katahimikan sa paligid ay pilit ko ring kinokontrol ang pagkalito ko.
"G-gampanin---ano? Para saan? Bakit?" Naguguluhan kong sabi.
"Sa madaling salita, manatili ka muna dito. Hayaan mo muna ang sarili mong mag-tuklas ng mga bagay-bagay sa mundo," saad niya. Napakunot-noo ako, para saan ba talaga?? "At ang tunay na mundo." Patuloy niya na mas lalong nagpagulo sa'kin.
"S-sandali nga, sino ka bang talaga? Ano at paano mo sinasabi sa'kin 'to ngayon? Naku,alam mo wala na sa'kin ang salitang 'tiwala' kaya tigil-tigilan mo ako sa mga pa-misteryosong pananalita mo." Sarkastikong tugon ko saka napairap sa kawalan.
"Matuto kang sumagot sa mga sarili mong tanong sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga bagay-bagay dito sa mundo. Kaya nga kita dinala rito." Wika niya.
"Bakit nga? Bakit ako pa? Saan at p-paano 'to---teka wala akong maintindihan!" Naguguluhang sambit ko habang napapakamot sa ulo.
"Hindi na mahalaga kung ano ang puno't dulo nito, dahil sa oras na magtagumpay ka sa gampanin mo ay doon mo mapagtatanto ang dahilan kung bakit naparito ka."
Natuyo ang lalamunan ko nang marinig ang sinabi niya. Gusto kong magtanong nang magtanong hanggang sa masagot lahat at ma-satisfied na ako, pero parang impossible 'yon dahil--
"Umuwi ka na doon sa tinutuluyan mo, dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas dito."
"Wait--shet, pwede bang magpakita ka muna?--"
"NGAYON NA." Giit niya. Kasabay no'n ay agad akong lumingon sa likuran ko pero tulad ng dati ay wala akong maaninag na kahit sinong nakatayo sa likuran ko, lumingon din ako sa magkabilang-gilid pero wala talaga. Para bang ang mga boses na naririnig ko ay umiiral lang sa isipan ko.
"Sheryn??" Agad akong lumingon sa likuran kung saan nagmula ang pamilyar na boses. "B-bakit ka nandito? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Marfelo.
Napakamot ako sa ulo at napalinga-linga. "A-ah, nagpa-pahangin lang. Oo, nagpa-pahangin lang. Tama--"
"Hindi pwede dito. Hindi ka maaaring pumunta rito. Tara na nga! Baka may makakita pa sa'tin dito." Giit ni Marfelo saka hinablot ang kamay ko.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at napapikit sa hiya.
"Sandali nga, ba't parang ang easy mo lang kung makahablot sa'kin? Close ba tayo? Ha? Ha?" Mataray kong saad dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. "Sorry na, nasanay lang sa dating gawi." Saka niya tiningnan ng diretso ang mga mata ko, napatigil ako at sa 'di malamang dahilan ay hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.
"Dating gawi? Eh, bago pa lang naman tayo nagkakilala at ganyan ka na kung umasta. Ini-easy mo lang ako, ah? Samantalang sa sarili kong lugar ay nagpapaka-conservative ako para hindi na pagsamantalahan. Tapos---ikaw? Ha! Tigil-tigilan mo na ako kasi ayoko ko ng magtiwala kahit sino." Mahabang tugon ko saka humalukipkip sa harapan niya. Para siyang timang dahil sa buong minutong nagsasalita ako ay nakangiti lang siyang nakikinig sa'kin kahit wala namang saysay ang mga sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Roman d'amour"Time flies over us, but leaves its shadow behind." How important is the time in our lives? Or should I say, maybe the time is the life itself? It's about Sheryn and her grief towards her family and the people around her. Her own beliefs and grief h...