Meeting my Tutor

72 0 0
                                    

Kring! Kring! Kring!

Nagising ako sa ingay na alarm clock ko. Nag-unat muna ako saglit bago ko kinuha ang phone sa tabi ng kama ko. Kasalukuyang 8:40 A.M. na ng umaga, napansin kong merong text galling kay Renz.

"Hoy nasaan ka na? akala ko ba papasok tayo ng maga?" Ay hayop, oo nga pala nakalimutan ko. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa banyo, mabilisan akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko ay Nakita ko si Mommy at Daddy sa dining area. Kadalasan kapag mga ganitong oras ay wala na sa bahay ang kapatid ko dahil maaga ang pasok niya.

"Mag-breakfast ka na." Sabi ni Dad.

"Sa school na lang po." Kunyari hindi ko pinapansin si Mommy. "Dito na po ako." Dagdag ko.

Lumabas na ako ng bahay at hinanap si Mang Ben para mahanda na ang sasakyan. Ito talaga ang pinaka-ayaw ko, kapag wala sa akin ang kotse ko.

Sumakay na ako at umandar na ang kotse. Ilang minuto lang ay nasa school na ako. Malapit lang sa village namin ang university na pinapasukan ko kaya medyo convenient din. Pero gusto ko pa din yung kotse ko.

"Dito na lang Mang Ben, text na lang kita kung anong oras ako uuwi." Bababa na sana ako ng magsalita si Manong Ben.

"Antayin kita dito sir ng bandang 7:30. Sabi ng mommy mo yun daw last subject mo." Argh! Si Mommy talaga. Nag-thank you na lang ako saka bumaba ng kotse.

"Hayop ka, 30 minutes akong nag-antay dito." Nakatikim ako ng isang batok mula kay Renz.

"OA mo, parang 30 minutes lang eh." Sabi ko naman.

"So ano ngayon? Sino gagawin mong tutor? Si Sir?" Hayop to ah, alaskahin pa ako.

"Gago. Estudyante gusto ko. Pakiramdam ko kasi kaya ko hindi naiintindihan ang subject dahil hindi masyadong naituturo ni Sir yung topic." Litanya ko.

"Asa, obob ka lang talaga." Lumanding ang palad ko sa batok niya.

"Aray!" sabi niya sabay himas sa batok niya.

"Nagsalita ang henyo." Sabi ko habang patuloy naming nilalakad ang kahabaan ng unibersidad.

"So, sino nga?" Tanong niya sa akin. Napaisip ako, sino ba pwedeng gawing tutor sa akin?

"Bakit hindi ka na lang kasi mag-hire ng private tutor mo, madami naman kayong pera." Sambit ni Renz.

"Baliw, hindi pwede. Kilala mo naman si Mommy. Gusto niya sariling kusa ko. akala niya kasi kaya ko, na tinatamad lang ako. Hindi niya alam engot talaga anak niya." Ganoon talaga si Mommy, never kaming nagka-tutor sa buong buhay naming magkakapatid.

"Besides, college na ako. 'Saka dapat mapatunayan ko kay Mommy na kaya ko talaga kahit mag-isa para bumalik ulit yung tiwala niya sa akin. Para more PARTY!" Bigla kong sigaw.

"Gago, pinagtitinginan tuloy tayo." Sabi ni mokong.

"Teka." Hawak ko sa balikat ni Renz.

"Si Lucy kaya? 'Di ba, palaging dean's lister iyon?" Tanong ko kay Renz. Si Lucy ay kaklase ko sa isang major subject ko. Maganda si Lucy, at matalino.

"Baka pumayag yung syota? May Nakita ka bang ibang lalaking dumidikit 'don?" Oo nga no. napaka-possesive nga pala ng syota n'on.

"Si Lance kaya? Ka-close mo 'yon 'di ba?" Tanong ko ulit kay Renz. Wala man lang ma-suggest 'tong hayop na 'to. Si Lance naman ay isang varsity player ng volleyball. Ang galling nga eh, napagsasabay niya yung acads niya at extracurricular activities niya.

"Asa, ipagpapaalm mo siya sa Coach niya? Ni wala ngang love life dahil puro bola inaatupag." Sabay kaming tumawa ni Renz. Bading kasi si Lance.

"Bakit hindi? Tara punta tayong office ni Coach Jan." Si coach Jan ang coach ni Lance. Kilala siya ng lahat dahil P.E. professor din kasi siya.

----

"Hindi pwede." Sagot ni Sir Jan pagkatpos kong i-explain sa kanya kung meron bang butas ang sched ni Lance, at kung pwede sana ay gawin ko siyang tutor.

"Alam niyo bang halos isang buwan nalang ay intercollegiate tournament na? Ini-excuse ko na nga siya sa iba niyang subjects para mapagtuunan ng pansin ang practice niya. Sa iba na lang, pasensiya na." Sabi ni sir. Lumabas na kami sa office ni Coach.

"Bakit 'di natin i-try si Gemma kung pwede siya?" Suggestion ni Renz. Si Gemma na ata ang pinakahate ng lahat ng tao sa department namin. Maldita kasi pati sipsip pa. Kaya madami mainit ang dugo sa kanya.

"Mag drop out na lang ako." Sabi ko. Nagtawanan na lang kaming dalawa.

Isinantabi muna namin ang paghahanap ng tutor ko dahil 30minutes na lang may klase na kami. Kay dumiretso muna kami sa building namin para pumasok.

Nasa classroom na kami ng may pumasok na babaeng estudyante.

"Hi, pinapasabi ni Sir John na sa function hall daw muna ang klase niyo para isabay sa kabilang section. May lalakarin kasi si Sir mamaya, thank you." Pagkatapos ng announcement ay nagpunta na kaming lahat sa function hall para sa klase namin kay Sir John. Kay Sir John ako may pinakamadaming bagsak na exams.

Unti-unti ng napupuno ang function hall ng mga estudyante ni Sir John. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Sir. Sinimulan na niya ang pagtuturo sa bago naming lesson.

Maya-maya lang ay nagtanong siya sa mga estudyante kong sino ang gusto sumagot ng tanong niya sa board. Syempre, ako na hindi naman kagalingan ay iniiwasang makipag eye to eye contact kay Sir.

Maya-maya may isang lalaki ang nagtaas ng kamay.

"Sige, ilkaw Mr. Lopez." Tumayo siya at lumapit sa board. Naghagikhikan naman ang mga babae kong kaklase. Bakit ngayon ko lang siya Nakita? Ang ganda ng tindig niya. Hayop ang gwapo. Nababading na ata ako.

Walang preno niyang sinagutan ang tanong sa board. Manghang-mangha kaming mga mangmang sa galling niyang mag solve.

Siniko ako ni Renz, kaya nilingon ko siya.

"Bingo!" Sabi niya.

Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin kaya napangiti din ako.

Hello, my future tutor.

----

Vote and comment po. Thank you. 😇

Ang Tutor Kong SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon