Nose to Nose

48 0 0
                                    

"Hindi ako naniniwala." Sabi nung Max.

"Wala akong dapat patunayan sa'yo Max." Malamig na tugon ni Ivan.

"You can go now." Dagdag pa ni Ivan. Bakas sa mukha ni Max ang pagkakainsulto niya. Lumapit siya sa aming dalawa at nagsalita.

"Hindi pa tayo tapos. Lalo ka na." Sabi niya sabu duro sa akin.

Umalis na siya at pabalibag na isinara ang pinto.

Tinanggal n ani Ivan ang pagkaka-akbay sa akin at umupo sa couch.

"Pasensya ka na ah? Nadamay ka pa tuloy." Paghingi niya ng paumanhin sa akin.

Hindi pa din ako maka-recover sa nangyari. Una, nalaman kong nagkakagusto sa lalake si Ivan. Pangalawa, sinugod kami rito ng ex niyang psychopath. At panghuli, ginawa niya akong panakip-butas. 

"Wala sa akin 'yun." Sabi ko.

"Tanong ko lang? So, boyfriend mo siya?" Dagdag ko pa.

"Ex." Sabi niya.

"Eh 'di..."

"Yeah, I'm bisexual." Pagtapos niya sa sasabihin ko.

"Okay, hindi ko ini-expect yun." Sabi ko saka umupo sa couch.

"Really? Akala ko ganon ka din?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi uy!

"Ha? Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Iba ka kasi makatitig sa akin eh, pati sa braso ko." Seryoso niyang sabi. Nanlaki naman mga mata ko. Napansin niya yun? Taena!

"Joke lang." Sabi niya sabay tawa. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hayop 'to ah, pagtripan daw ba ko.

"Gagu." Sabi ko na lang.

Pinagpatuloy namin ang pagrereview ng iba't-ibang topics hanggang sa hindi naman namalayan na alas sais na pala ng hapon.

Medyo nagdidilim na sa labas kaya sinabi kong sa Monday na lang ulit. Dahil nga hindi alam ni Mommy na wala ako sa school.

"Hatid na kita sa school." Sabi niya habang nagsusuot ako ng sapatos. Sinabi ko kasi sa kanya na may magsusundo sa akin.

"Hindi okay lang, kaya ko naman." Sabi ko.

"No, I insist." Sabi niya saka kinuha niya ang susi sa lagayan niya sa living room.

Hindi na ako tumanggi pa dahil libreng sakay na din. Wala pa naman akong pera, baka lakarin ko hanggang school mula rito.

Sabay na kaming bumaba ng apartment niya papunta sa parking lot.

"Hind ka na nagbihis." Sabi ko sa kanya. Nakasando pa din kasi siya hanggang ngayon. Pilit kong iniiwasan na tumingin sa mga braso niya dahil baka makahalata siya.

Sumakay na kaming dalawa at nagsimula na siyang mag drive.

"May naintindihan ka ba sa mga tinuro ko sa'yo?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman, mas naintindihan ko pa nga kesa sa turo sa school eh." Sabi ko. kahit paano ay nakukuha ko na ang mga topics.

Tumango lang siya.

"Pasensiya ulit kanina ah?" Paghingi niya ulit ng paumanhin.

"Wala yun." Sagot ko.

"Hindi ka ba naiilang ngayong alam mo na ang sexuality ko?" Tanong niya ulit.

"Mas gusto ko nga eh."

"Ano?" Pota? Bakit ko nasabi yun. Shit, gago ka talaga Kent.

"Wala, wala. Bakit naman ako maiilang. Wala sa akin 'yun." Sabi ko.

Ang Tutor Kong SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon