Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at tinititigan ang envelope na binigay sa akin ng hayop na Max na 'yun. Hindi ko alam kong bakit may kaba akong nararamdaman sa pagbubukas ng envelope nato.
Napabuntong hininga ako.
"Fuck this!" Sabi ko sabay nilapag ang envelope sa study table ko.
"Bakit ako matatakot? Wala naman akong ginagawang masama." Sabi ko sa sarili ko habang kasalukuyang nakatitig sa kisame.
Pinilit kong tanggalin sa isip ko yung mga nangyari kanina at pinikit ang mga mata ko.
Tatlumpong minuto na ang nakalipas at hindi pa din ako makatulog.
Paikot-ikot at palipat-lipat lang ako ng posisyon sa kama ko.
Nakita ko mula sa wall clock ng kwarto ko na 1:30 na ng madaling araw at tirik na tirik pa din ang mga mata ko. Maaga ang klase ko bukas ay yare kapag na late ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Renz.
Makalipas ang ilang minutong pag ring ay wala pa ding sumasagot. Obvious naman na tulog na yung tao, anong oras na ba naman na? Wala akong ibang ka close masyado sa school kaya wala akong ibang ma contact.
Tinignan ko ulit ang phone ko at nahagip ng mata ko ang text conversation naming ni Ivan.
"Try ko ngang tawagan 'to baka gising pa." Sabi ko sa sarili ko sabay pindot ng call button.
After few seconds ay may sumagot sa kabilang linya.
"Bakit?" Shit, ang lalim talaga ng boses nito.
"Ah, akala ko tulog ka na?" Sabi ko sabay pilit na tawa.
"Eh bakit ka tumawag kong alam mong tulog ako?" Sarkastiko niyang sagot.
Hindi ko naisip yun ah?
"Eh bakit ikaw? Bakit gising ka pa?" Paglipat ko ng topic.
"Umihi lang, bawal ba?" Sabi niya mula sa kabilang linya.
"Hi-hindi naman." Hindi ko na naman naisip yun.
"Sus, namimiss mol ang ako eh." Tease niya sa akin. Ang yabang talaga ng suplado.
"Miss mo mukha mo, umay na umay na nga ako sayo eh." Pagdipensa ko.
"Talaga lang ha? Umay na umay ba yung palagi kitang nahuhuling nakatitig sa akin?" BIgla akong nanigas.
"Nakatitig? Bakit naman ako tititig sa mukha mo?" Pagtanggi ko na lang.
"Kasi ng crush moa ko." Sagot niya lang.
"Utot mo. Hindi kita type uy." Litanya ko.
"Okay sabi mo eh." Sabi niya na lang.
"Bakit gising ka pa?" Dagdag niyang tanong.
"Hindi ako makatulog eh." Sagot ko.
"Bakit naman?" Tanong niya ulit.
"I don't know, edi kung alam ko sana tulog na ako ngayon." Pamimilosopo ko.
"Pilosopo. Kung hindi ka lang cute." Siya.
"Ha?" Ako.
"Wala. Kantahan na lang kita, gusto mo?" Sabi niya.
Tatanggi na sana ako ng magsimula na siyang kumanta.
"Sayo lang ako naging ganto." Pagsimula niya sa kanta.
"Para bang nasiara'ng ulo ko
Pader ng puso ko, unti-unting
Bumubigay, sinisira mo."
HIindi ko alam na magaling pala siya kumanta. Ayoko sabihin pero, ang gwapo ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Ang Tutor Kong Suplado
RandomSi Kent na walang alam kung hindi magbulakbol, gumala, at magparty ay makikilala ang isang suplado, strikto at gwapong nerd na si Ivan. Saksihan ang magulo, makwela, at makulay na mundo ni Kent sa istoryang kagigiliwan at kakikiligan mo.