"Ito na." Sabi ko sabay lapag ng libro sa lamesa kung saan kumakain si Ivan. Ang tagal ko pang siyang hinanap, andito lang pala siya sa canteen, antanga ko talaga.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita yung libro. Umupo ako sa harapan niya at pinanuod ang reaction niya. Matapos niyang buklatin ang mga pahina ay nilapag niya ang libro sa lamesa at tumingin sa akin.
"A deal is a deal." Sabi ko sa kanya habang naka-smirk. Nakatitig lang siya sa akin.
"Okay." Natuwa namana ko sinabi niya. Sa wakas, sa lahat ng nangyari ay pumayag din siya.
"So, I'll give you the schedule-." Naputol ang sasabihin ko ng nagsalita siya.
"Sino nagsabi sayo na ikaw masusunod? My time, my rule." Sabi niya.
"Teka, wala sa usapan 'yan ah?" Angal ko. Baka mamaya once a week niya lang akong tuturuan, lugi ako pag ganun.
"Ayaw mo? SIge." Sabi nia. Bigla naman ako nataranta.
"Fine!" Sabi ko habang pinanliliitan ko siya ng mata.
"May sarili kang place?" Tanong niya sa akin.
"Wala." Sagot ko.
"Then we'll do it sa place ko." Tumango na lang ako.
Hiningi niya ang sched ko para daw ma-schedule niya yung tutorial. Matapos maayos yung mga sched namin ay nagsalita siya.
"Monday, Tuesday, Friday and the rest of the weekend lang pwede ang sched natin. So dun lang kita matuturuan." Sabi niya in a cold voice. Ang seryoso talaga nito. Tumango na lang ako.
Monday, Tuesday, Friday ay puro kami pang-umaga kaya free kami sa hapon. Pagkatapos ay whole day naman every Saturday. Hindi daw siya pwede ng Sunday, hindi ko na tinanong kung bakit, baka magalit pa.
Dagdag niya pa ay baka sa school library or sa apartment niya na lang daw kami. Either way okay lang naman sa akin.
"Phone number mo?" Sabi niya habang nakatitig sa akin ng deretso. Bakit ba ganyan siya makatinigin? Hindi ko alam kung maiilang ako o ano.
Kinuha ko yung phone niya at inilagay ang phone number ko.
"Bukas tayo magsimula, i-text na lang kita kung saan." Sabi niya sabay tayo at labas ng canteen. Suplado talaga.
"Ano 'yun?" Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Si kupal pala.
"Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pwedeng ma-late ng kaunti? Ba't mo pala kausap si Ivan?" Tanong niya rin.
"Guess what? Tutor ko na siya." Sabi ko with kayabangan.
"Good for you, good for you." Sabi niya habang pa tango-tango. Binatukan ko nga.
"Aray! Sadista ka talaga." Sabi niya habang himas-himas niya ang batok niya.
"Libre mo 'ko." Sabi ko kanya.
"Wala kang pera?" Sabi niya.
"Kinuha ni Jana yung debit ko kaya wala akong pera." Sabi ko. Tumawa naman si gago. Aba, pagtawanan daw ba ko?
"Naisahan ka na naman ng kapatid mo." Sabi niya.
"Kung 'di ko lang talaga kailangan. Argh!" Sabi ko sabay gigil.
"Buti na lang may taga-sundo ako." Dagdag ko pa.
"Libre mo na ako." Sabi ko.
"Anong libre uy? Utang yun, buraot ka." Sabi niya. Hayop na 'to.
BINABASA MO ANG
Ang Tutor Kong Suplado
RandomSi Kent na walang alam kung hindi magbulakbol, gumala, at magparty ay makikilala ang isang suplado, strikto at gwapong nerd na si Ivan. Saksihan ang magulo, makwela, at makulay na mundo ni Kent sa istoryang kagigiliwan at kakikiligan mo.