Wait, what?

43 0 0
                                    

"Sabi ko hubarin mo yan." Pag-ulit niya habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Sinasapian na ata ng demonyo 'tong suplado na 'to.

"Bakit ko huhubarin yung damit ko?" Maang kong sagot.

Tumawa siya ng sobrang lakas. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa, at nang ganon ka lakas.

"Anong nakakatawa?" Kunot noo kong sabi. Kumalma siya at inayos ang sarili matapos tumawa.

"Hubarin mo, 'yang sapatos mo." Pota! Sapatos pala tinutukoy niya? Ano bang pinag-iisip kong gagawin niya? Nakakahiya! Sana kainin na ako ng lupa. Pulang pula na siguro yung mukha ko ngayon.

"Da-dapat kasi kinokumpleto mo." Nauutal kong sabi saka tinungo ang shoe rack niya. Grabe nakakahiya, ang tanga ko talaga. Nahihiya na tuloy akong bumalik sa living room niya.

Kinolekta ko ang sarili ko at nilakasan ang loob na bumalik sa living room.

"Honest mistake lang naman 'yun, walang nakakahiya 'don." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa living room niya ay wala siya. Baka may kinuha lang. Umupo ako sa sofa niya at kinalikot ang phone ko.

Habang nagcecellphone ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya. Lumabas siyang at may hawak-hawak na mga libro. Napansin kong nagpalit na din siya ng damit.

Bigla akong nanlamig ng makita ko ang suot niya, naka boxer shorts lang siya at sando na kulay puti. Ang laki ng muscles niya sa braso niya, kita mo rin ang mga ugat ng ito. 

Bumabakat sa sando niya ang dibdib niyang matipuno. Hindi ko akalaing ganun ka toned ang katawan ng suplado. Pati ang collar bone niya ay agaw pansin. Define na define ito at lalaking-lalaki.

Bumalik ako sa ulirat ng magsalita siya.

"Anong subject ba yung pinoproblema mo?" Sabi niya sabay lapag ng mga libro sa center table.

Binawi ko ang composure ko bago sumagot, baka kung ano pa ang masabi ko.

"Ah, yung subject kay Sir John, Integral." Sagot ko.

Tumango siya at hinanap ang libro ng Integral Calculus at umupo siya sa katapat kong single couch.

Hindi ako makapag-concentrate dahil mula sa kinauupuan ko ay mas kita ko yung katawan niya.

Bakit ba ako naa-attract sa katawan niya, eh pareho naman kaming lalaki? Siguro naiinggit lang ako sa katawan niya. Tama, naiinggit nga lang ako.

Habang hinahanap niya ang mga topic na ituturo niya sa akin, bigla siyang tumingin sa direksyon ko na parang nagtataka.

"Naiinitan ka?" Tanong niya. Napansin niya ata na kanina pa ako nagpapaypay sa sarili ko. Bakit ba kasi ako pinagpapawisan, pota.

"Hindi. Okay lang ako." Kumunot lang ang noo niya, tumayo siya at pumasok sa kwarto niya.

Maya-maya lang ay lumabas siyang may dalang damit. Hinagis niya iyon sa akin.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Sando, obvious ba?" Sarcastic niyang sagot.

"Alam kong sando to. Anong gagawain ko dito?" Sabi ko.

"Suotin mo, kanina ka pa pawis na pawis nakabukas naman ang aircon." Sabi niya sabay balik ng tingin sa mga libro.

Nagtataka man ay tumalima na lang ako. Tumayo ako para pumunta ng banyo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa banyo." Sabi ko.

"Sa banyo ka pa magbibihis? Babae ka ba?" Aba!

Ang Tutor Kong SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon