Suplado

57 0 0
                                    

Bago kami pinalabas ni Sir John sa function hall ay meron muna siyang in-announce.

"Mangilan-ngilan sa inyo sa klase na ito ay marurunong, yung iba naman walang interes kaya palaging bagsak." Sabay tingin sa direksyon ko. Napalingon naman lahat ng estudyane sa akin. Nag-peace sig na lang ako at ngumiti ng awkward.

"Magbibigay ako ng isa pang chance para sa term na 'to, 2 weeks from now magpaparemedial exam ako para makabawi kayo. That is your last chance, kung hindi wala akong magagawa kundi ibagsak kayo." Shit. Exams pa nga lang binagsak ko umuusok na ang ilong ni Mommy, paano pa kaya pag buong subject na?

Kailangan ko talagang maipasa yung remedial exam. Kaya kailangan ko ng makahanap ng tutor ko.

"You may now go." Sabi ni Sir sabay labas ng hall. Pinauna muna naming ni Renz yung ibang estudyante na lumabas. Habang nagsisilabasan ang ibang estudyante ay Nakita kong nag-aayos ng kanyang bag si Lopez. Hindi ko pala alam first name nito.

"Hoy Renz." Pagsuntok ko sa braso ng monggo.

"Aray, mapanakit ka talaga. Ano ba 'yon?" Sabi niya. Tinuro ko naman si Lopez.

"Oh, lapitan mon a, ikaw may kailangan eh." Aba? Iiwan pa akong mag-isa.

"Samahan mon a ako, kupal naman 'to eh." Sabi ko sabay hila sa kamay niya. Napilitan sig ago kaya tumayo na rin siya.

Lumapit kami kay Lopez na nag-aayos pa din ng mga gamit niya.

"Ahem." Kunyaring pag-ubo ko. Tumingin siya sa amin. Napakaseryoso naman ng mukha nito. Ni hindi man lang ngumiti. Matapos kaming tignang dalawa ni Renz ng walang kainteres interes, bumalik siya sa pag-aayos ng gamit niya.

Aba, suplado!

"Masama ugali." Bulong sa akin ni Renz.

"Ano 'yon?" Shit. Narinig niya 'yon? Ang lalim ng boses. Humigpit ang hawak ni Renz sa balikat ko. Patay ka!

"Ha?" Kunyarong sagot ni Renz.

"Ano kailngan niyo?" Phew, hindi niya pala narinig.

"Ah..." Bakit ako nauutal. Hindi ko maexplain yung awra niya. Napaka........gwapo. Ano daw? Nababaliw na ata ako.

Dahil hindi ako makapag-salita ay bigla na lang umalis si Lopez sa harap naman. Siniko ako ni Renz.

"Pipi ka? Anong ginagawa mo?" Sabi niya. Habang hindi pa nakakalayo sa amin si Lopez ay dali-dali naming siyang sinundan ni Renz.

"Lopez!" Tawag ko sa kanya.lumingon siya at tumingin ng napaka-cold. Suplado talaga.

"Bakit?" Sagot niyang walang ka emo-emosyon.

"Can I talk to you?" Sabi ko.

"Nag-uusap na tayo." Emotionless niyang sagot. Napakamot naman ako sa noo ko.

"I mean, somewhere else." Sabi ko.

"Anong problema dito?" Anak nang... Bumuntong hininga ako.

'Kailangan mo tulong niya Kent, relax.' Sabi ko sa sarili ko. Si Renz mukhang tanga lang na nakatayo sa gilid ko.

"Pwedeng manghingi ng favor?" Sabi ko.

"Favor saan?" Sagot niya.

"Pwede ba kitang maging tutor?" Sabi ko.

"No." Cold niyang sagot saka tumalikod at naglakad palayo sa amin.

Sinabayan namin siyang maglakad ni Renz. Nakatingin lang siya ng deretso.

"Hey, I reallyneed a tutor, babagsak ako sa subjects ko. Please." Pakiusap ko sa kanya habang sinasabayan pa din naming siyang maglakad.

"Kasalanan mo 'yon." Walang puso.

"please. Ayaw mo 'yon, makakatulong ka sa mga nangngailangan?" Exaggerated kong sabi.

"Ayoko." Sagot niya. Ano kaya pwede kong gawin para mapapayag to.

"Ano pwede kong gwain para pumayag ka." Sabi ko. andito na kami ngayon sa tabi ng kalsada. Nakalabas na kami ng University kakahabol sa kanya.

May pinara siyang jeep.

"Wala." Sabi niya sabay sakay ng jeep.

"Lopez!" Sigaw ko sa papalayong jeep.

Nagtinginan lang kami ni Renz. Pambihira yun ah.

"Ang suplado naman nun." Sabi ni Renz na nakabusangot.

"Ayon ang gusto mong tutor?" Dagdag niyang tanong sa akin.

"Nakita mo ba kung gaano siya kagaling kanina?" Sabi ko.

"Kailangan makumbinsi natin siya, two weeks na lang bago remedials." Sabi ko.

"Hindi mo ba narinig mga sagot niya sayo kanina?" Sabi sa akin ni Renz.

"Narinig. Tanga ka ba?" Sabay batok ko sa kanya.

"Mapapapayag ko din siya. Tignan mo." Sabi ko with confidence.

"Nice one Kent, parang nangliligaw lang ah?" Pang-aalaska ng gago.

"Tanga!" Ginawa mo pa akong bakla.

Pagkatapos ng mahabang araw ko sa school ay nakauwi na din ako. Hindi ko pa rin alam kung papaano ko papapayagin si Lopez. Kaninang last subject ko ay panay plano namin ni Renz kung paano namin siya mapapapayag.

"Mag dinner ka na." Sabi sa akin ni Daddy pagkapasok ko sa living room.

"Nasaan si Mommy?" Tanong ko kay Daddy.

"Wala, may pinuntahang party." Buti naman, walang mag i-interrogate sa akin ngayon. Matapos kong magbihis ay bumaba ako para pumunta ng dining area. Nadatnan kong kumakain si Jana, yung bunso kong kapatid. Tatlo lang kaming magkakapatid.

Yung panganay naming, si Kuya Carlos, 24 years old, nasa London nagtatrabaho bilang Neurologist. Ako, na 18 years old, saka si Jana na 14 years old. Sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang bobo. Ampon ata ako eh. Itong si Jana, consisten honor student, pati rin si Kuya noong nag-aaral pa lang siya.

Habang nilalapg ko ang pagkain ko sa lamesa ko ay may napansin akong libro sa tabi ni Jana. Kinuha ko iyon at binasa ang title. Gateway of the Saviours by AJ Dalton. Noong Nakita niyang hawak ko yung libro ay bigla niyang hinablot sa kamay ko.

"Pwede ba kuya, 'wag mo nga hawakan 'yan." Sabi niya. Ang arte talaga nito.

"OA mo, libro lang naman." Sabi ko. Pinantalasan niya ako ng tingin.

"Lang? Libro lang? Special edition 'to no? 1000 copies lang angni-release nito, at sold out na lahat ng copies. Mas mahal pa 'to sakotse mo." Mahaba niyang litanya.

"Sus, libro pa din yan." Tukso ko sa kanya. Mabilis kasi mapikon 'to eh.

"'Di ka kasi makarelate, uncultured swine ka kasi eh." Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Aba, bunganganitong batang 'to ah?

"Bastos ka ah? Lika nga dito kukutusan kita." Biro ko sa kanya. Tumakbo lang siya paakyat ng hagdanan bitbit ang libro niya. Natawa na lang ako.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maisip si Lopez. Hindi mabura sa isip ko yung mukha niya. Bakit baa ko napopogian sa kanya. Taena nababakla na ba ako? I shook my head para mawala yung kung ano-anong iniisip ko.

Inisip ko na lang kong paano ko siya mapapapayag.

Papayag ka din Lopez. Walang nakakatanggi sa akin.

----

Vote and comment po. Thank you. 😇

Ang Tutor Kong SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon