Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at kinakalikot ang cellphone ko. Nag i-scroll ako sa facebook at sinusubakang hanapin ang facebook account ni Lopez. Tinext ko na din si Renz para tulungan akong maghanap.
Thirty minutes na akong search ng search ng combination ng pangalan na Lopez ang apilido pero wala pa din akong Makita. Hindi ko kasi alam ang full name 'nun eh.
Biglang tumunog ang phone ko. Nag-chat sa akin si Renz. Binuksan ko yung message niya at Nakita kong nag-send siya ng picture. Ang tagal mag load ng photo, pahirap talaga 'tong PLDT.
Napaigtad ako matapos magload ang photo at Makita kong screen capture 'yun ng facebook account ni Lopez. Sa wakas, nagkasilbi din 'tong bestfriend ko.
Agad kong tinype ang pangalan niya sa facebook ko. Ivan pala ang first name ng suplado. Muntik ko na isipin na ermitanyo 'to dahil inisip ko na baka wala siyang facebook account. Cli-nick ko ang profile picture niya saka tinignan ito.
Napatulala ako. Taena, bakit ako nagagwapohan sa supladong 'to? I shook my head of the thought. Pinagpatuloy ko ang pag scroll sa facebook page niya. Puro lang siya share ng kung ano-ano tungkol sa mga pusa. Mahilig pala siya sa pusa, pareho pala kami.
Makikita mo din na mahilig siya sa libro kasi marami-rami ring shared posts sa timeline niya tungkol sa mga novel na binabasa niya. Habang patuloy sa pag-scroll, nahagip ng mata ko ang isang picture ng isang libro.
Nakacaption sa shared post niya kung gaano siya nanghinayang kung bakit hindi niya nabili yung libro. Parang pamilyar 'yun sakin. Pinilit kong isipin kong ano yun. Ding! Ayun yung libro ni Jana!
"Bingo!" Bigla akong napabulalas.
Ngayon alam ko na kung paano kita mapapapayag Mr. Lopez.
Poproblemahin ko na lang kong paano ko hihingiin kay Jana yung libro. Pahirapan 'to panigturado.
----
"Ang laki ng ngiti mo ngayon ah?" Sabi ni Renz pagkalapit ko sa kanya, kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa building namin.
"Guess what? Alam ko na kung paano natin mapapapayag si Ivan para maging tutor ko." Confident kong sabi kay Renz.
"Ivan? Sinong Ivan?" Binatukan ko si gago.
"Nakalimutan mo na? Ikaw pa nga nag send sa akin n'on kagabi. Si Lopez, gunggong."
"Gunggon ako?" Nagulat kami ng may nagsalita sa likuran namin. Shit. What a coincidence.
Sabay kaming dahan-dahan na lumingon ni Renz. Si Ivan!
"Ah eh." Sabi ko sabay tawa.
"That's not what I mean." Dagdag ko pa.
"Then what do you mean exactly?" Shit, nararamdaman ko yung tension galing sa kanya.
Wala akong maisip na irarason. Shit, utak gumana ka kahit ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Ang Tutor Kong Suplado
RandomSi Kent na walang alam kung hindi magbulakbol, gumala, at magparty ay makikilala ang isang suplado, strikto at gwapong nerd na si Ivan. Saksihan ang magulo, makwela, at makulay na mundo ni Kent sa istoryang kagigiliwan at kakikiligan mo.