"Natatandaan mo bang sinampal mo si Porter?"
Lunes ngayon. At sa Thursday and Friday na yung Foundation Day ng buong department. Dati kasi, by department ang Foundation pero dahil mas nakakatuwa kung maraming booths at active ang lahat, magiging masaya at memorable ang foundation ngayon since graduating students na kami next year-itong darating na March.
Inilagay ko ng maayos ang huling ballpen sa bag ko bago pansinin si Arrow. Hindi ko ba alam sa isang to at ako ang ginugulo ngayon. Nasaan ba sila kuya at iniwan nila sa akin tong si Arrow?
Sinampal ko si Porter. Naaalala ko. Lagi ko naman ginagawa yon pagkatapos kong tagayin lahat ng pwedeng tagayin at kapag lasing na ako, si Porter na ang target ko. At maaalala ko yon kinabukasan.
"Ngayon lang kita tatanungin, Naila" biglang bumakas sa mukha ni Arrow ang pagkaseryoso. Kinabahan ako bigla.
Si Arrow kasi yung tipo ng lalaki ng ayaw ng drama. Gusto niya masaya lang siya lagi at walang iniintindi na problema. Loko-loko madalas kaya nakakakaba pag makikipagusap na yan ng matino.
"It's because of him?"
"Arrow, please"
"Naila, he's already dead. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin na wala na siya. Harapin mo. Wag mong takasan. Dahil habang tinatakasan mo, mahihirapan ka lang lalo. He loves you and he wants all the best for you."
And that's it. Naiyak na ako sa harapan niya. I'm broken. In billion pieces.
"Maiintindihan niya ako."
"Marami ka pa talagang hindi naiintindihan sa buhay, Naila." he smiled at me bago punasan ang luha sa mukha ko.
**
Mula sa binake kong cake kanina sa Foodtech Lab ay madali kong inilagay yon sa cake box na gawa ko at pumunta sa gym. May dala din akong mamons para naman kala kuya.
Pagpasok ko sa gym, nakita ko sila kuya na naglalaro. Five on five. Lamang sila kuya sa score na 'di naman nakakapagtaka dahil magaling ang first five ng basketball team.
Minsan lang ako pumunta dito sa gym kapag sinusundo ko si kuya upang sabay kaming makauwi o para tawagin si Rhett at ipaalala na may practice ng banda. Si kuya Orion kulang nalang ibahay yung bola ng school at ayaw pang umuwi. Ball is life is real nga talaga.
Nang makita ako ni kuya, napahinto siya kaya naagaw sa kanya yung bola. Napakamot siya ng ulo bago ko narinig ang gameover. Kumaway naman sa akin si Arrow habang si Rhett naman ay nagjog papunta sa akin para kuhanin yung tumblr ng tubig. Malamang di na naman siya nakapagdala ng tubig kaya nang aagaw.
"Bakit ka pumunta dito? Maaga dismiss namin mamaya don't worry" sabi ni kuya ng nakabusangot "Don't you see? All guys here are wants you." sabay tingin niya sa mga ibang group ng sports. Nadako ang mata ko sa soccer team at talaga nakatingin sila sa sexy ko. Mga gagong to. Binigyan sila ni Rhett at kuya Orion ng middle finger kaya hinampas ko silang parehas at sinabing wag ng pansinin pa.
"Dudukutin ko talaga mga mata non e" inis na sabi ni Rhett
"Ano kailan natin balak gawin?" gatong ni kuya
Napairap nalang ako sa kanilang dalawa. Buti umalis na yung soccer team sa gym.
Nanuod lang ako sa practice game nila. Hihintayin ko na si kuya para sabay kami umuwi. Ayokong umuwi ng mag isa dahil baka pagdating ko si mama agad ang makita ko. Atleast pag kasama ko si kuya kumakalma sistema ko.
Lumabas muna ako ng gym dahil second-half palang ang laro nila. Boring e. Wala naman akong hilig sa sports ng basketball. Lampa ako sa mga ganyan tsaka pakiramdam ko 'di ko kayang iwide yung katawan ko pag PE na, para akong bula na nawawala. Di ako active e. Pero mabuti nalang at more on writing ang PE namin at doon nalang ako bumabawi dahil alam ko naman bagsak ako sa physical activities. Marunong naman ako ng ilang sports. Ayoko lang talaga yung galaw ng galaw.
Dumaan ako sa soccer field. Ito lang yung malapit na way papunta sa exit gate ng school. Sinabihan ko naman si kuya na hihintayin ko nalang siya sa coffee shop, sa tapat ng school para incase na tapos na siya ay doon niya ko pupuntahan.
Tahimik akong naglalakad ng may biglang may humawak sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. We're too close kaya amoy na amoy ko ang pabango niya at mukhang kakapit pa yon sa damit ko. Kainis!
Sinamaan ko ng tingin si Porter na ang higpit ng hawak sa akin. Nakajersey pa siya at mukhang maglalaro palang siya dahil di ko siya napansin kanina sa gym. "Bitawan mo ko" palag ko sa inis pero sa halip na pansinin niya ako, he just gave me a death glare kaya natahimik ako. Punyeta! Bat ba ako natatakot sa lalaking to!
Nang mapansin kong malapit na kami sa gate at konti nalang ang mga pakalat kalat na istudyante ay agad niya akong tinulak. Doon ko lang din napansin ang sugat at pasa sa mukha niya ng makaharap ko na siya ng maayos. Nung tumingin siya kasi kanina di kita dahil nasa kabilang part pala ng mukha. Ngayon ko lang napansin.
Nang mapansin niyang nakatingin ako don, napairap siya bago tumalikod at maglakad paalis.
"Problema mo at bigla ka nalang nang aakbay?!" inis kong tanong
Hindi kami close ni Porter. Kahit tropa yan ni kuya at pinsan ng ex ko, madalang lang kami mag usap. Tapos yung madalang na yun mas madalang pa. Aware naman din ako na napakasungit ng nilalang na yan kaya nakakapagduda lang na lumapit siya sa akin. Alam mo ba yung pakiramdam na maarte yung lalaki at nakakainis? Ganun din siya maarte. Nung minsan kasi na natalsikan siya ng putik kasi umulan, basa yung kalsada, madumi malamang, eh may lupa don na natunaw kaya naging putik, walking trip kami then may dumaan na sasakyan, sakto si Porter yung malapit sa putik kaya nung dumaan yung sasakyan tumalsik yung putik sa braso niya. Kung mabuting bata lang ako at hindi nagmumura, pinagdasal ko na sa Diyos ang malulutong at walang humpay na mura ni Porter na sana ay patawarin siya. Pakiramdam ko nagdidiwang yung mga demonyong tinawag ni Porter e. Kulang nalang sambahin niya yung mga mura e.
"Next time wag kang pagala gala sa tapat ng soccer field kung ayaw mong mabastos." sabi niya at inirapan na naman ako. Nakailang irap na siya ha! Bakla yata to e!
Tinignan ko ang soccer field na sinasabi niya, may ilang nakatingin sa gawi ko kaya napamiddle finger ako sa kanila. Nakita yon ni Porter bago tuluyan maglakad.
"Tss, masyadong mong pinagyayabang na may itsura ka." huli kong narinig mula kay Porter.
What did he say?!!!!
~~
![](https://img.wattpad.com/cover/27482139-288-k155436.jpg)
BINABASA MO ANG
Rulling Wild Hearts
Romance"I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko. You are just too heartless."