SIMULA
Naila
"Kinakanta mo na naman yan"
Hindi ko makuha ang ritmo ng kantang 'to. Nabibigatan ako. Nilingon ko ang pinsan na bagong dating.
"Kailan band practice nyo?"
"Sa isang araw." sagot ko
Hindi ko manlang nasabihan ang mga kaibigan ko patungkol sa practice
"I can't keep it. What the hell you are doing there with him? For god sake, he has a girl and you're a rising star!"
Naibaba ko ang headphone na suot ko at tinignan ang pinsan ko. She's keeping itself, nagawa na niya ako kumprotahin ngayon.
"Just chill, okay? Wag mong intindihin ang mga bagay na iyon. Nasa malayong school parehas ang dalawang yon."
"What? Chill? E' paano kung ikasira ng image mo iyon? Wala ka pa sa rurok ng tagumpay"
I just rolled my eyeballs at her at pinagpatuloy nalang ang sinusulat kong kanta pero pinsan ko siya, at alam kong hindi nya ako tatantanan.
"Fine! Hindi na mauulit yon, okay? Can you cool down your head now coz I'm busy and doesn't have time to argue with you."
**
"Malapit na tayong magtapos. After ilang months, trabaho na aasikasuhin natin. Tuloy pa rin ba ang banda nyo?"
Napanguso ako sa tanong ni Avery.
Of course. Tuloy pa rin. Malayo na narating ng banda, sikat na kami dahil sa mga gig na ginaganap tuwing sabado. At isa pa, fashion ko ang pagsusulat ng kanta at pagkanta. Hindi ko naman pwede bitawan ang fashion na 'yon para lang sa kagustuhan ni mommy na pumunta ako ng Paris para doon ituloy ang career na gusto niya. Cooking is not my fashion. Magaling lang ako magluto pero wala ang puso ko pagluluto.
Natanaw ko ang mga kabandmates ko. Iiwan ko ba sila? Music is their life, too. So why would I? They are my friends, a brother in heart!
"Finn, Chenn, Tittus, Rhett!" sigaw ko kaya napatingin sila sa gawi ko. Pati ang ibang nakatambay sa labas ng cafeteria ay napatingin.
Lumapit ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan. Si Avery ay di na sumama sa akin. Madalas niyang gawin iyon pag kasama o nakikita niya ako with my bandmates. Nakasanayan ko nalang.
"May panget na naman sa harapan ko!" bungad ni Chenn
"Coming from you Chen ha!" sabi ko sabay hampas ng sa kamay niya, tamang lait si ugok e "Nga pala, may practice tayo sa isang araw. Performance para sa dadating na Foundation Day."
"Kailan na ba ang Foundation Day?" nakakamot na tanong ni Rhett. Paniguradong kakagising lang nito mula sa Hiatus room.
"Napaghahalataan na di nakikinig ha" pag aasar ni Tittus
"Nagsalita ang pinakatamad sa klase" banat ni Finn na sinundan namin ng tawanan.
When I'm with them, pakiramdam ko wala akong problema. Pakiramdam ko, okay ang lahat. How lucky I am when I'm with them. Kaya maraming babae ang inggit na inggit sa akin e.
Si Finn, siya ang pinamatalino sa amin lima. May pangarap sa buhay na makapagtapos. Hindi ko naman sinabi na wala kaming pangarap na magtapos, basta siya lang talaga ang pursigido ang makapagtapos dahil sa istado ng buhay nila. Average level kasi ang buhay na meron sila kaya gusto niya matulungan ang parents niya.
Si Rhett naman ang MVP ng Basketball team ng school. Maliban sa pagkanta, hilig niya din magbasketball. Happy go lucky.
Si Chenn ang mapangtrip sa samahan. Siya ang bully sa barkada at alaskador. Madalas siyang mapaaway dahil sa wala niyang prenong bibig. Realtaker masyado.
At si Tittus, ang well-known playboy and fuckboy of the year. Well kahit sa labas ng school ay playboy pa rin at fuckboy. Siya ang pinakamadaming nawasak na babae sa kanilang apat.
"Balita ko may ginawa ka daw na kabaliwan ha? Ano yon?" seryoso akong tinignan nilang apat kaya napahagalpak ako ng tawa. Pero hanggang sa pagtapos ko sa pagtawa ay seryoso pa rin silang nakatingin sa akin.
Okay. Sermon is real.
"You, you're our princess, Naila. At mali yung ginawa mo. Alam mo ba yon?" salubong na kilay ang pinakita sa akin Finn
"Paano kung may aids yung fuckboy na yon?"
"Really Tittus? Fuckboy ka rin."
"Pero walang aids, don't change the topic, Naila." sagot niya sa akin
Napairap ako. "I'm drunk that time. And...duhhh may sex ba? Wala naman. Just a kissed!" totoong depensa ko, pati ba halik ay may aids na?
"Sinabi ba namin uminom ka without us? Ilang beses ba namin sasabihin na mag ingat ka?" napataas na ang boses ni Rhett kaya agad akong nakaramdam ng pag init ng gilid ng mata.
Ayoko sa lahat yung napapahiya ako at nasisigawan. Nakakainis. Ang hina ng loob ko sa mga ganitong sitwasyon.
"Rhett! Your voice!"
"Hinay man, dito tayo sa labas e"
"Nasasakal ako sa sinasabi mo Rhett. I can do whatever I want!"
Napahawak si Rhett sa sintido niya at hinilot habang pinapakalma siya ni Chenn at Tittus.
Rhett is almost a older brother for me. May gap ang age namin. Kaya ganyan siya kaapektado dahil para na kaming magkapatid. At hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagagalit. Pero minsan, may hangganan.
"Mas magandang kalimutan nalang ang bagay na iyon. Tutal wala naman masamang nangyari matapos ng ginawa niya." hayag ni Finn at ngumiti pa sa akin
"Tsk" tumayo bigla si Rhett at umalis
"Hayaan mo na, ganyan talaga, mahal ka n'yan e, prinsesa ka namin e."
Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba kasi ginawa yon? Tanga ko rin kasi.
Matapos ng ilang subjects ay napagpasyahan kong hintayin si Rhett sa labas ng classroom. May tampo sa akin yon, panigurado.
May klase pa sila kaya naghintay ako corridor nila. Ilang minuto pa bago tuluyan lumabas ang prof nila.
"Rhett!" tawag ko na agad nyang ikinalingon sa gawi ko
Lumapit siya sa akin sukbit ang bag sa balikat "Oh naparito ka?" Masungit pa rin siya. Pero alam ko ang kiliti nilang lahat.
"Sorry sa nagawa ko. Di mo ba ako mapapatawad?" tumawa siya sa sinabi ko
"Just don't hang up with those kind of people. Hindi mo alam kung ano takbo ng isip nila, mag ingat ka naman"
Napatango ako. Humingi ulit ng paumanhin sa kahihiyan ginawa.
~~
BINABASA MO ANG
Rulling Wild Hearts
Romance"I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko. You are just too heartless."