"Pwede na ba akong umalis?"
Tanong ko doon sa nurse na naka attend sa akin. Kagigising ko lang din at pagkatingin ko sa wall clock, hapon na rin.
"Pumunta ba si kuya Orion dito?" dagdag ko pa
"Kung pakiramdam mo ay okay na, sige pwede ka na makauwi. Pumunta yung kuya mo dito tapos yung mga kabanda mo, pinapasabi rin ng kuya mo na sa sasakyan niya ikaw sumakay ngayon. Puntahan mo nalang siya sa gymnasium."
Tinanguan ko yung nurse bago lumabas. Mabuti nalang at kahit papaano ay nakakalakad ako ng matino. I can't see myself na hindi nakakalakad. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag maghapon lang ako nakaupo.
Bwisit naman kasi.
Medyo wala ng tao sa parte na kinalalakaran ko ngayon. Malamang nasa venue yung mga tao. Mamaya pang 11pm magsasara ang mga booths. Di ko manlang naenjoy ang araw na ito dahil sa nangyari sa akin. Kailan ba ako lalayuan ng kamalasan?
"Hi" napataas bigla yung kilay ko ng makita ko yung mga babaeng lumapit sa akin. Isa doon si Angel. Bakit ba ang hilig nito lumapit sa akin? Naiirita ako ah.
"What?" Mainit ulo ko. Girlfriend siya ng Porter na yon! At wala akong balak makipagkaibigan sa mga babaeng katulad ng nasa harapan ko.
They have the bitches soul. At ayoko ng drama sa buhay.
"Ikaw yung buhat ni Porter kanina di ba? Yung hinatid niya sa clinic... Naila"
So. Ano naman sa kanila? Are they threatened na baka nilalandi ko ang Porter na yon?
Sa halip na pansinin ko yung tanong ng kasama ni Angel, si Angel ang tinitigan ko. "I hate drama." I said, rolling my eyeballs. "So, please, napapansin na kita madalas, kung may kailangan ka sakin, pwede bang tapusin na natin ngayon? Tell me"
She smiled "Wala akong kailangan. Gusto ko lang maging kaibigan yung mga taong nakakasama madalas ni Porter para once na may ginawang kalokohan ang boyfriend ko–"
"As I've said earlier, I hate dramas. Hindi ako reporter kung saan at kailan sasabihin ko yung mga gagawin ni Porter. Hindi rin kami close ni Porter. At alam naman natin na kung gaano kaseryoso sa buhay si Porter para magdisloyalty sa isang bagay."
"Don't misunderstand me, gusto lang kita maging kaibigan. We have common friends—"
"Sorry but, I am busy right now. I have things to do so I excuse myself."
Sana naman ay magtiwala siya kay Porter, 'di yung ako yung ginugulo niya. Matagal na sila ni Porter kaya bakit ngayon pa siya nawawalan ng tiwala sa boyfriend niya? Ah. Girls nowadays.
Sa pagkawala ng tiwala, nasisira ang mga bagay na dapat nagtatagal, at wala ng katapusan. May mga bagay kasi na dapat intindihin mo nalang. Sa relasyon, tiwala ang kailangan.
Nag online muna ako sandali sa facebook after kong makarating sa labas ng gym. Mabuti nalang may bench dito dahil ayoko muna pumasok sa loob. Sumasakit tenga ko sa boses ni kuya. Sumisigaw na naman e.
Habang nasa newsfeed ako, nag init bigla yung ulo ko nung makita ko yung page ng school na napost ng picture namin ni Porter. Relationship goal. Lintek na caption yan! Are they dating?
Binasa ko ang comment at nakita ko yung comment ng mga taong kilala ko.
-----
Orion Villasis: Lol. Wag kapatid ko admin! 😡
Finn Mendez: Porter the playboy na ba? 😂
Chenn Altamirañez: Issue ka Finn!
Angel Asarañez: @Finn immatures. Mind you?
![](https://img.wattpad.com/cover/27482139-288-k155436.jpg)
BINABASA MO ANG
Rulling Wild Hearts
Romance"I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko. You are just too heartless."