Mahaba haba ang araw at nakakastress dahil sa isang araw na yung foundation at wala pa kami gaanong practice ng banda. Sa totoo lang kahit di na kami magpractice e kasi kompyansa naman ako na 'di namin kailangan yon dahil sa tagal na namin tumutugtog e. Siguro excuse ko lang yung practice para makalayo sa matinding review nitong nakaraan araw. Aba. Midterm namin ngayon at pakiramdam ko makakakuha ako ng tumatagingting na dos. Shit lang pag nakakuha ako. Puno uno o kaya one point something yung grade ko noong nakaraan tapos biglang dos? No way!
Pigang piga na yung utak ko nang matapos ako sa isang subject ngayon araw. Pakiramdam nabawasan yung burden na dala ko sa mga subject ng course ko e. Thank god! Two more subjects to go. Ngayon ko lang pala napansin, ako na naman pala unang nauna matapos. Napasimangot tuloy ako. Yung totoo, bakit ko agad piniga yung utak ko kung sa tutuusin pwede ko naman easyhan? Piniga ko ba yung utak ko para unang matapos o piniga ko para makakuha ng magandang score? Naila Penelope Villasis, nababaliw ka na ba? Magdrop ka na kaya?
Lumabas muna ako sa classroom para magCR. Kanina pa ko ihing-ihi e. PATI PAG IHI KO NAKALIMUTAN KO NA DAHIL KAKAPIGA NG UTAK KO SA MAJOR SUBJECT NA YON! Mygodness Naila!
Nang makalabas sa isa sa mga cubicles ay nagsalamin muna bahagya. Mabuti nalang walang eyebag na kumakaway sa mata ko. Tsaka yung tyan ko, flat! Tas yung dibdib ko? Ayun sakto lang. Tapos yung mukha ko? Ayon maganda. Maganda daw ako sabi ni daddy e.
Maya maya may dagsa ng babae ang pumasok sa loob ng cr at ang iingay nila kaya napagpasyahan kong wag ng makihalubilo sa kanila. Mabuti nalang kasi wala akong magingay na bibig. Mukhang di ko kakayanin ang buka ng bibig nila. Ang iingay.
"Did you see Porter? He's fucking rude!"
"Binabalak mo pa kasi maki-thirdwheel e. Alam naman natin lahat na he's so damn loyal kay Angel. Wag ka nga dyan!"
"Aaaaah! Kahit na! Pinahiya nya ko!"
Napairap ako ng palihim dahil sa narinig ko. What do they expect? Di ipagpapalit ni Porter si Angel sa kanya. Di hamak na mas matinong tignan ang Angel na yon kaysa sa kanya. Assumer. Buti nga sa kanya.
Speak the devil and the devil shall appear... with Angel.
Nilagpasan ako ni Porter na parang di niya ako kilala habang si Angel ay ngumiti lang sa akin. Di ko naman kilala yung Angel na yon personally kaya bakit siya ngingiti sa akin? And being one of human beings (limited na kasi kami), I smiled back at her. Siguro kilala nya ako since sikat naman talaga ako sa school na to, hindi sa pagyayabang. I have the golden voice! Namana ko kay papa.
"Oh mag isa kalang. Nasaan pinsan mo?" nakasalubong ko si Chenn.
"May klase pa yon now e" I answered.
"Eh ikaw?"
"NagCR lang. Pabalik na rin. May up next na test pa ako, titignan ko kung may mapipiga pa sa utak ko after major sub" sabi ko na tinanguan niya
"Meron pa yan, dugo na ipipiga mo"
"Wow lang Chenn, balita ko nga muntika ka na mag tres e"
"Bwisit" aniya ng hagalpak ng tawa
Nagwave na ako ng kamay sa kanya bago tahakin ang daan pabalik.
Nagvibrate yung phone ko pagkabalik ko ng room. Medyo patapos na rin yung iba kong classmates at mga nagcecellphone na din sila so no worry about confiscate.
From: Kuya
Hindi ako makakasabay ng uwi sayo. Mauna ka na. Papahatid nalang kita. Sa basement ka dumeretso. Good luck sa test. ❤️
BINABASA MO ANG
Rulling Wild Hearts
Romance"I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko. You are just too heartless."