Prologue

10.5K 150 3
                                    

RHINO is dinning with a girl, a model to be exact, at his friend's restaurant.

"So Alice do you wanna go at the bar after this?" He asked while looking at her flirtatiously.

Tinignan naman siya nito ng masama. "It's Janice not Alice. Ilan pa bang pangalan ng ibang babae ang babanggitin mo ha?"

Napangiwi siya. Hindi talaga siya mahilig magmemorize kahit pangalan pa 'yan. Dito nga siya noon palaging nadadali noong nag-aaral pa.

"But anyways, I don't want to go at the bar. Your place is much better." She said while licking her lips seductively and moved forward to lightly massage his hand.

He smirked and was about to respond but they got shocked when a girl accidentally, no, intentionally poured her food on Alice.

Napatili ito. "What the hell! Tanga ka ba?!" Sigaw nito sa babae.

"Sorry." Matabang naman nitong sagot at naglakad na paalis.

"Hey you bitch!" Susugurin sana nito ang babae pero pinigilan na niya dahil pinagtitinginan na sila.

"Stop it. We're just going to buy you clothes then change." Bored na sagot niya.

Tumalim ang tingin nito.

"No! I'll just go home. I needed to take a bath. This is so gross!" Maarteng sabi nito.

Napahawak siya sa sentido at pumikit ng mariin bago nagsalita. "Okay. I'll accompany you at the parking." At hinila na ito palabas.

Pagkaalis na pagkaalis nito, agad siyang nagsalita.

"Come out now!" Utos niya sa babaeng nagtatago sa isang sasakyan malapit sa kanya.
Ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin ito lumalabas kaya nag-igting na ang panga niya galit. "Lalabas ka ba diyan o ako mismo ang pupunta sa'yo."

Hindi naman lumampas ang tatlong segundo ay nasa harapan na siya nito.

"What are you doing?" Galit na tanong niya.

Umiling naman ito habang nakayuko.

"What do you really want? You're following me again. And you even skipped your class." Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Naka-uniform pa kasi ito. Napailing na lamang siya. "Are you really that desperate to get my attention? Do you want me to tell Lander about this?"

Hindi ito nagsalita at nakayuko lang.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang tuktok ng ulo para iangat.

"Look young lady, I don't like you okay. I don't date young girls so stop stalking me and just focus on your studies. Walang patutunguhan itong ginagawa mo kaya kung ako sa'yo itigil mo na 'to. Magmumukha ka lang kawawa at tanga. Dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi kita magugustuhan. Better keep that in mind."

He saw tears in her eyes pero hindi na niya pinansin at basta na lang itong tinalikuran at padabog na sumakay ng sasakyan saka pinaharurot paalis.

- F A I R Y S V N -

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon