AKALA ni Kim ay nagbibiro lang si Rhino ng sabihin nitong pupunta sila sa Bali pero hindi, tinotoo nito ang sinabi.
"Anong nakain mo?" Tanong niya nang nasa loob sila ng sasakyan para ihatid ng driver papuntang airport. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala.
Nagkibit-balikat ito. "Wala. I just want to free myself from stressful works. Kahit sandali lang."
Tumango-tango siya. Naiintindihan niya ito kasi gano'n din naman siya minsan.
Nang makarating sa airport, agad nilang sinuot ang mga gagamitin para takpan ang sarili at hindi makilala ng mga tao. They used masks, sunglasses, hoodies and even caps.
Nagmukha tuloy silang sira. Ang init-init pero ganito itsura nila.
Mahirap pala talagang maglihim ng relasyon ano? Ngayon alam na niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga k-idols para lang mapagtakpan ang relasyon sa mga mapanghusgang mga tao. Dating pa lang ang mga 'yon sa lagay na 'yon ah. Paano na lang sa kanila na mag-asawa na. Baka sumabog na ang social media kapag nabuking sila.
They didn't wait that long for their flight. When the plane takes off agad siyang natulog. Ganito siya palagi kapag nagbibyahe sa malayo. Gumigising lang kapag nagugutom na.
After an almost four-hour flight. Nakarating na rin sila sa airport.
They hailed a cab at nagpahatid sa tutuluyan nila na pinareserved ng mommy ni Rhino. Sa Zen Hideaway daw. And that's more than an hour drive from where they are.
Hindi na siya natulog sa buong biyahe at pinagmasdan lang ang mga nadadaanan. Napakaganda ng buong paligid.
Namangha siya ng makarating sila sa tutuluyan. It's a villa hut.
Mabilis silang pumasok sa loob at nakipag-usap sa may-ari.
Nang matapos, nilibot nila ang buong bahay at hindi niya mapigilang matuwa. Napaganda at tahimik kasi dito. Parang mawawala lahat ng problema ng kung sino mang manirahan dito.
BINABASA MO ANG
Chasing Love [COMPLETED]
General FictionRhino Niall Salazar is a well-known architect. He is very famous in both his chosen field and in entertainment industry. He is not a celebrity but many people treat him like one. Girls chase after him and he's used to it. They are head over heels fo...