Chapter 7

3.9K 75 3
                                    

THEIR trip at Bali has already ended just two days ago and they are back to their normal life again.

Hindi mapuknat ang ngiti ni Kim pagdating sa bahay nila. Kakatapos lang siyang kausapin ng manager niya at may maganda itong balita sa kanya.

"You seem so happy."

"Waa!"

Muntikan na niyang mabitawan ang basong may lamang tubig nang biglang pumasok si Rhino sa kusina at magsalita sa likuran niya.

"Rhino! Ano ba? Ba't ka nanggugulat?"

"I'm not Rhino."

Kumunot ang noo niya. "Ha? Pinagsasabi mo? Lutang ka ghorl? Anong hindi ikaw si Rhino?" Sinuri niyang mabuti ang mukha nito. Wala naman nagbago sa itsura, pero parang naging maamo ang mukha nito. Hindi katulad ng kilala niyang Rhino. What the hell! Sino 'to?

"Sino ka?" Hindi niya maiwasang itanong. May iba kasi talaga sa lalakeng 'to.

"Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka."

Ang seryoso ng mukha nito samantalang siya nakakunot naman ang noo.

"Sinong Natoy?"

He rolled his eyes then walk towards her to grab the glass of water from her and drink it afterwards. "Psh! Kj. Di marunong sumabay." Rinig niyang bulong nito kaya hindi na niya maiwasang mapahagalpak ng tawa.

Tawa siya ng tawa kaya ang sama na ng tingin nito sa kanya pero hindi pa rin siya tumigil. Mas lumakas pa nga. Ang epic kasi ng mukha nitong nabasag ang trip.

Alam naman niya kung sino 'yang Natoy na 'yan. Nagkalat kaya mga memes no'n sa social media. Gusto niya lang talagang asarin ang binata. Na mukhang effective naman. Ay hindi pala, kasi effective talaga.

"Stop it already." Matigas na sabi nito pero hindi niya pinansin at tawa pa rin ng tawa. Halos mapaupo na nga siya sa sahig. Hawak-hawak na rin niya ang tiyan dahil sumasakit na kakatawa.

"Titigil ka ba o hahalikan na kita."

Mabilis siyang tumigil pero hirap na hirap pa rin siyang pigilan ang sarili kaya kinagat na niya ang pang-ibabang labi para kontrolin ang tawa.

Umismid ito. "By the way, ba't todo ngiti ka kanina?"

Naalala na naman niya ang masayang nangyari kanina dahil sa tanong nito.

"My manager told me na may isang network na gusto kunin ako bilang artista." Excited na pagkwento niya. "Imagine, this is just a dream for me before but now, it's actually happening. My god! Hindi ako makapaniwala. Ito ang gusto ko talaga, aside sa pagiging k-idol, na hindi naman ako pinayagan ni mommy. Pero sa tingin ko papayagan na ako no'n ngayon. Hindi naman na kasi ako lalayo." Tuwang-tuwa siya na hindi niya napapansin na ang talim na pala ng tingin nito sa kanya.

"You mean, you're going to be an actress?"

Tumango-tango siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. "Yup. At sabi pa ni ate Cyndie na baka magkaroon ako kaagad ng teleserye. Isn't that exciting?"

"No." Matigas na sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ha? Bakit hindi?"

"You, kissing random guys isn't exciting at all. It's frustrating."

"But it's part of the job. It will be purely professional."

"I wouldn't allow you." Madilim na ang mukha nito.

Tinaasan niya ito ng kilay at pinameywangan. "At sino ka para pagbawalan ako sa gusto ko aber?"

"So you like to be kissed by random guys?" He clenched his jaw while glaring at her.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon