Chapter 12

3.9K 78 7
                                    

KIM just finished watching more than half of the series when her cellphone beep. Indicating she received a text message from someone.

Tinignan niya ito at tumaas ang kilay nang mabasa ang pangalan ni Rhino.

She read the text and it says:

'Where are you?'

Kumunot ang noo niya bago nagreply.

'Sa bahay bakit?'

Ilang segundo lang ang lumipas nagreply na naman ito.

'Fuck! Did you forget about the dinner or you just don't want to come?'

Kahit sa text nagmumura pa rin.

She typed her reply.

'Seryoso ka ba do'n?'

Akala niya kasi nantitrip na naman ito kanina.

Naitapon niya ang cellphone dahil sa gulat nang bigla itong tumunog. He called and not just a simple call but a video call.

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago ito sinagot.

"Bakit?" Pagmiminaldita niya.

Kunot na kunot ang noo nito. "Are you coming or not?" Halatang naiinis na ito.

"Seryoso ka talaga?" Hindi kasi talaga siya makapaniwala.

Tinignan siya nito ng masama bago iniba ang direksyon ng camera at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga napakaraming nakahandang pagkain.

"Actually it was just a joke kaya nagpahanda ako." He said sarcastically.

She rolled her eyes. "Malay ko ba naman kasi. Gawain mo namang mantrip."

"Will you just shut up and come here. O baka naman ayaw mo. Ipapatapon ko na lahat ng 'to."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Ba't mo itatapon? Sayang. Kainin niyo na lang dalawa ni ate Lisa."

Naningkit ang mga mata nito. "So you're not coming?" Tinawag nito ang katiwala. "Pakitapon lahat ng ito."

Umawang ang labi niya. "You're not serious."

"I am dead serious." Ang talim ng tingin nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Wait. Pupunta na ako diyan."

Pinatay na niya ang tawag kaya hindi na niya nakita ang pagsupil ng ngiti sa mga labi nito.

Nagmadali siyang nag-ayos saka bumaba.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng mommy niya no'ng makita siya.

"Lalabas lang po ako kasama ang mga barkada ko." Pagsisinungaling niya. Grabe lang, ginagawa na siyang sinungaling ng gagong 'yon.

"Okay. Basta 'wag ka masyadong magpagabi."

Tumango siya bago ito hinalikan sa pisngi. "Yes po. Babye."

"Bye. Ingat ka."

"I will mom." Lumabas na siya at sumakay sa kotse at minaneobra papunta sa bahay ni Rhino.

Mabilis siyang pinagbuksan ni Lisa pagkarating.

"Si Rhino?"

"Nasa dining na po ma'am."

Tumango siya. "Sige ate salamat."

Naglakad na siya patungong dining at naabutan itong umiinom ng wine.

Umismid siya bago naupo sa harapan nito. Napatigil naman ito sa ginagawa at tinignan siya.

"Ano 'to? Akala ko ba ako ang magte-thank you? Ba't ikaw ang nagpahanda at ba't andami?"

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon