Chapter 18

4.6K 104 14
                                    

ONE month had passed since that incident at the hospital happened.

Though it still hurts sometimes everytime Kim remembered it but she's trying her best to move on. Ayaw niyang ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi naman siya mahal. Okay na sa kanya 'yong mailabas ang tunay na nararamdaman para sa binata. Nakahinga pa nga siya ng maluwag matapos itong masabi.

As for Rhino, he never visited her kahit para lang sana sa bata. Hindi niya rin ito maintindihan sa totoo lang. Galit na galit kasi ito ng masabi niya ang tungkol sa abortion pero hindi naman ito gumagawa ng paraan para pigilan siya. Though hindi naman niya talaga gagawin, but still.

Para na ngang wala itong pakialam sa anak kasi hindi man lang magawang kumustahin ang kalagayan ng bata. Kahit hindi na sana siya kasama o kahit idaan na lang nito ang pangungumusta sa pinsan, hindi na sa kanya.

But to be honest, she's still wondering kung kumusta na ang binata. Gustong-gusto na nga niyang tanungin ang pinsan pero nahihiya naman siya.

"Baby, pupunta lang ako sa boutique sandali. Mag-iingat ka dito." Lumapit sa kanya ang mommy nang madaanan siya nito sa living room. Hinalikan siya nito sa pisngi. "By the way, do you want anything? Ibibilhan kita."

Umiling siya. "Wala po mommy." Hindi niya alam pero parang hindi siya naglihi. 'Yong mga normal na gusto niya 'yon pa rin naman. Maliban na lang pala sa strawberry na mas lalo niya yatang nagustuhan. Though eto naman na talaga ang favorite fruit niya dati. Pero iba ngayon, nakakain siya ng dalawang kilo isang araw kaya ang taba na niya. Hindi rin naman siya nagsusuka na ipinagpasalamat niya.

"Okay I'll go ahead. Please take care 'wag kang masyadong maglilikot." Paalala nito.

Natawa siya ng mahina. Para naman kasi siyang bata kung pangaralan. Samantalang magkakaanak na nga. "Yes po mommy." Nakangiting aniya. Ngumiti naman ito at hinalikan siyang muli sa pisngi bago umalis.

She smiled while looking at her back. Her mom always treat her as baby. Ang lakas nga ng naging iyak nito ng malaman na buntis siya. Hindi niya tuloy mapigilang matawa kapag naaalala ang mukha nito ng araw na 'yon. She said that day that she's not a baby anymore. But still happy kasi may panibago na raw itong baby. Pero siya pa rin naman daw ang number one. Kaya kahit malungkot siya noon. Masaya pa rin naman siya kahit papaano dahil nandoon ang pamilya niya para suportahan siya.

Hindi na rin pala muli pang nanggulo ang mama niya na ipinagpasalamat niya kasi ayaw niyang ma-stress. Hindi pwede sa kanila ni baby ang gano'n. Aside from that, nakakatanda rin naman kasi ang mag-isip ng problema. Kaya dapat happy lang siya.

Mabilis na napabaling ang tingin niya sa cellphone na nasa center table nang magring ito.

Kinuha niya ito at kumunot ang noo nang makita ang pangalan ng dati niyang manager na tumatawag. She already quit the job and this is the second time that she contacted her again. First is about a month ago, kinumusta lang siya nito. Medyo nagalit din kasi ito sa kanya kasi kung kailan naman daw sumisikat na siya, ganito pa ang nangyari. But she explained to her that it's her choice. At hindi niya gagawin ang kung anumang nasa isip nito. Kahit hindi naman kasi nito sabihin ng diretsahan, alam naman niya kung ano ang gusto nitong mangyari at hindi siya papayag. Sinabi pa niyang kaya niyang mabuhay kahit hindi magmodel at mukhang napaalalahanan naman ito sa katotohanang iyon.

Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit walang lumalabas na balita tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi naman siya nakiusap na 'wag itong ipagkalat. Kasi kahit naman lumabas o hindi wala naman siyang pakialam. Okay nga na malaman din ng lahat. Bakit ba? She's proud to be a mom.

Nakailang ring na ito bago niya sinagot. Nag-aalangan kasi siya.

"Hello ate."

"Hello Kim, kumusta?" Masiglang bati nito na ikinagulat niya.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon