Chapter 8

3.6K 74 5
                                    

MEDYO magaling na si Rhino kinabukasan kaya napagpasyahan ni Kim na ngayon na ituloy ang contract signing.

Although nanghihina pa rin naman ito siguro dahil sa sakit ng katawan, pero bumaba naman na ang lagnat kaya pwede na niyang iwan. Sandali lang din naman kasi siya sa pupuntahan.

Lumabas na siya ng kwarto pagkabihis. At saktong pagbukas niya ng pintuan ay siyang paglabas din nito galing sa kwarto.

Hindi siya nito pinansin at lalampasan na sana pero mabilis niyang hinarangan.

Kumunot naman ang noo nito pero hindi na lang niya pinansin at hinawakan ito sa noo para matignan kung wala na itong lagnat.

"Wala ka ng lagnat pero kailangan mo pa ring magpahinga kaya 'wag ka munang papasok ngayon." Wala man lang itong reaksiyon sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Sige na. Aalis na ako at baka malate pa ako sa contract signing. Mabilis lang naman ito. Uuwi din ako kaagad."

Malakas siyang napasinghap ng hinawi siya nito at basta na lang nilampasan saka umismid. "Tsk!"

"Arrghh!" Napapadyak siya. "Bastos talaga."

Tinignan niya ng masama ang likod nitong papalayo na saka padabog na naglakad palabas.

Sumakay siya sa kotse at nagmaneho na paalis.

Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang 'wag isipin ang binata at sa mga inaakto nito.

"Ano bang problema no'n?" Bulong niya habang hinihintay na magbago ang kulay ng traffic lights.

Tinignan niya ang cellphone dahil kanina pa nagtatanong ang manager niya kung nasaan na daw siya.

"Hindi kaya dahil ito sa kagustuhan kong maging artista?"

Hindi niya alam pero parang may mabigat sa puso niya na dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya.

Pumikit siya ng mariin at huminga ng ilang beses bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang manager.

"Ate Cyndie."

"Hello. Asan ka na."

"Pasensya na ate. Hindi ko na po itutuloy ang pagpirma ng kontrata."

"What? Bakit?" Gulat na gulat na tanong nito.

"Ayaw kasi ni mommy ate. Nagalit siya nang sinabi ko." Pagsisinungaling niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "I understand. Alam ko ng hindi ka papayagan ng mommy mo. Hindi mo naman kasi talaga kailangang mag-artista. Sa yaman niyo ba naman. Mabuti pa nga at pinayagan kang magmodel."

"Gustong-gusto ko talaga ate ang kaso ayoko namang ito ang dahilan ng pag-aaway namin. Sorry talaga." Nanghihinayang siya. Pero hindi rin naman matatahimik ang kalooban niya kapag hindi sila nagkaayos ng binata.

"It's okay. Basta don't forget our shoot on Thursday."

Napangiti siya. "Sige ate. Salamat. Babye."

"Bye."

Pinababa na niya ang tawag at minaneobra na ang sasakyan pabalik sa bahay nila.

Pagdating, agad siyang bumaba at pumasok sa loob saka hinanap si Rhino.

"Ate si Rhino?" Tanong niya sa kasambahay ng makasalubong ito.

"Umalis po ma'am."

Kumunot ang noo niya. "Saan nagpunta? At bakit mo pinayagan? Hindi pa siya masyadong magaling di ba?"

Yumuko ito. "Pasensya na po. Ayaw pong magpapigil ni sir at may dala rin po itong maleta kanina no'ng lumabas. Hindi po sinabi kung saan pumunta."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Maleta? At saan naman ito pupunta? Alangan namang naglayas ito eh ito naman ang may-ari ng bahay.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon