Chapter 15

4.1K 83 3
                                    

HINDI na nga sila muling nagkita pa ni Rhino simula ng araw na 'yon. Lumipas na lang ang higit dalawang buwan.

Pero okay na rin 'yon kasi wala ng nanggugulo sa kanya. Alam na rin ng mga kasama niyang hinawalay na sila kaya hindi na nagtatanong pa ang mga ito tungkol sa binata. Nico tried to pursue her again but she refused. But they still remain friends. Naiintindahan naman siya ng binata. Ayaw muna niyang isipin ang mga ganyang bagay ngayon lalo pa't nagsisimula na siyang makilala sa buong mundo in the field of modeling. In just a short time, maraming nakadiscover sa kanya. She participated in different fashion shows around the world. She was invited in other events too, like opening of new clothing line, cosmetics and many more. She was offered to endorse well-known products too. Sobrang saya niya kasi unti-unti ng natutupad ang mga pangarap niya. At lahat ng ito ay nagsimula ng mawala sa landas niya si Rhino. Pakiramdam niya tuloy ito talaga ang malas sa buhay niya.

Kakagaling lang niya kahapon sa U.S. dahil umattend siya ng fashion show doon at ngayon nakaleave siya para magpahinga. May photoshoot pa dapat siya pero niresched na niya dahil pagod talaga siya at parang hindi na kakayanin ng katawan niya.

She was about to fall asleep when her phone rang. Mabilis niya itong kinuha at napakunot ang noo nang makita ang unregistered number na tumatawag. Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin o hindi. Pero sa huli sinagot rin dahil baka importante.

"Hello. Who's this?"

"Kim." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nabitawan ang cellphone.

Nanginginig ang mga kamay niya.

Why is she calling her?

"Kim. Are you still there?" Narinig na naman niya ang boses nito.

Kahit nanginginig pa rin, kinuha niya ang cellphone at huminga ng ilang beses para pakalmahin ang sarili bago sumagot.

"What do you want and where did you get my number? Hindi natutuwang aniya.

"That doesn't matter. I heard that you married a very famous architect. Is it true."

Kumuyom ang kamao niya. "Who told you that?"

"That's not important. Just answer me."

She gritted her teeth with so much annoyance. "No." Matigas na aniya. "So, whatever your planning. Wag mo ng ituloy." Alam na niya ang balak nito at hindi siya makakapayag.

"Too bad I'm already in front of his building."

"What? Ma stop th---" Bigla siyang binabaan ng tawag kaya inis niyang binato ang cellphone.

Tumayo siya at mabilis na nagbihis saka lumabas. Kailangang niyang mapigilan ang balak nito.

Sumakay siya sa kotse at pinaharurot ito papunta sa opisina ni Rhino.

Pagkadating, agad siyang bumaba at nagtungo sa opisina ng binata.

"Good morning ma'am. May kailangan po sila?" Tanong ng secretary nito.

"Is your boss here?"

"Yes ma'am. Nasa loob may kausap po."

Hindi na siya sumagot at basta na lang binuksan ang pintuan.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok." Pigil ng secretary pero huli na dahil nakapasok na siya.

Mabilis na napatingin sa kanya ang dalawang nag-uusap. Kumuyom ang kamao niya ng makita ang ina.

"Sir I'm sorry." Rinig niyang paghingi ng paumanhin no'ng secretary.

"It's okay. You may go." Sagot naman ni Rhino.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon