Chapter 9

3.5K 67 1
                                    

TAHIMIK sila pareho buong biyahe. Hindi magawang kumilos ni Kim at steady lang talaga sa upuan. Paano ba naman kasi eh kunting kibot lang yata nila maririnig na kaagad. At isa pa, ang sama rin naman ng tingin nito sa kanya kanina nang mapaubo siya kaya kahit paghinga muntikan na niyang hindi magawa. Ano ba naman kasing magagawa niya eh sa nauubo naman talaga siya. 'Wag nitong sabihin na papahigop nito ang ubo niya. Ang shunga lang pag gano'n.

Pinanindigan talaga nila ang silent mode hanggang sa makarating sila sa bahay.

Mas nauna itong lumabas ng sasakyan. Pinagbagsakan pa siya ng pintuan.

Inis niya itong sinundan.

"Ano bang problema mo?"

Napatigil ito at nilingon siya habang masama ang tingin sa kanya.

"Explain."

Tumaas ang kilay niya ng imbes na sagutin iba na naman ang sinabi nito.

"Anong explain?"

"I don't know. Maybe what you just did right now."

Inirapan niya ito. "Kailangan ba 'yon ng explanation? Lumabas lang naman ako kasama ang mga barkada. At isa pa, akala ko ba two weeks ka sa Dubai? Ba't nandito ka na?"

He clenched his jaw. "I heard that someone is enjoying while I'm away. I just wanted to  confirm if my source was right. And it turned out it's really true."

Tumawa siya ng nakakainsulto. "Like you didn't do the same thing too." She said sarcastically.

Tumaas ang kilay nito. "So you monitored my whereabouts?"

"Of course not." Tanggi niya. "Why would I?" Tinignan niya ito ng masama. "I just happened to see it while I'm browsing the internet."

Tumawa ito ng nakakainsulto. "And you did this to get even?" Pagkatapos tinignan siya ng masama. "Stop being childish and grow up."

May kung anong bumara sa lalamunan niya at nag-init din ang gilid ng mga mata. Nasaktan siya sa sinabi nito pero pinilit niyang 'wag ipahalata at maiyak sa harapan nito.

Matapang niya itong tinignan. "You want me to grow up? Fine. Let's divorce." Mabuti na lang talaga at napilit nila ang mga magulang noon na sa ibang bansa sila magpakasal. Mas madali kasi ang proseso ng divorce kaysa annulment. Alam na kasi nila noon na hindi naman magtatagal 'tong pagsasama nila at hahantong talaga sa ganitong sitwasyon. Pero hindi naman niya inakala na ganito ito kabilis matatapos.

"What?" Kumunot ang noo nito. "And you think by doing this means you already grow up?" Umiling ito. "You just prove how childish you are."

"Now, let's be mature enough and get this over. Alam nating pareho na wala ng patutunguhan itong pagsasama natin dahil in the first place ayaw naman talaga natin sa nangyari. Kung ang iniisip mo ngayon ay ang sasabihin ng mga magulang natin, ako na ang kakausap sa kanila. My mom was just afraid that I might get pregnant. But I am not. So she'll understand."

"How can you tell that you're not really pregnant huh?"

"I had it last week."

"Had what?" Naguguluhang tanong nito.

"Basta."

Tinignan siya nito ng masama. "What the hell. What is it?"

"My period okay." Sigaw niya rito. Halata na ngang ayaw niyang sabihin dahil nahihiya siya. Tapos pipilitin pa.

Hindi ito umimik sandali. Nakatitig lang sa kanya ng mga ilang segundo bago nagsalita.

"Fine." Tumalikod na ito at naglakad paalis pero napatigil nang magsalita siya.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon