Chapter 1

6.7K 118 4
                                    

"MOMMY please." Kim said while they are having their breakfast.

She's convincing her tita/mommy para payagan siya sa gusto. She's been living with them for almost ten years now. Mula kasi no'ng maghiwalay ang mga magulang niya no'ng sixteen years old siya ay kinupkop na siya ng kapatid ng mommy niya. Her parents had their own families na rin kaya dito na talaga siya lumaki sa piling ng pamilya ng tita niya. Hindi naman siya tinuring na iba ng mga ito. Actually they wanted to legally adopt her but she refused. Hindi sa ayaw niya, gustong-gusto nga niya kaso natatakot siya sa pwedeng gawin ng tunay niyang ina. Ngayon pa nga na hindi pa nakadugtong ang apelyidong 'Bautista' sa pangalan niya ang dami na nitong dinedemand, lalong-lalo na ang pera. Paano pa kaya kapag inadopt na siya at binigyan ng mana, eh di mas lalo itong magiging gahaman.

"Kim I already told you na hindi ako papayag sa gusto mo. Pinayagan na kita dati sa kagustuhan mong magmodel instead of working at the company to use your profession. I wouldn't allow you this time. Masyado ka ng spoiled."

Ngumuso siya at bumaling sa tito/daddy niya. "Daddy." She said wearing her puppy eyes.

"Kim." Saway ng mommy kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

Ang kuya Lander naman niya ngayon ang tinignan at hinawakan pa sa kamay. "Kuya please convince mommy."

"Ano ba?! Kapag sinabi kong hindi, hindi. And besides, aren't you too old for that?"

"Mom you're never too old when it comes to pursuing your dreams." Nakalabing aniya.

Tumaas ang kilay nito. "And becoming a..what's that?" Kunot-noong tanong nito.

"K-pop idol." Sagot naman niya.

"Oh that! K-pop idol is your dream?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Yes mom. And I'm not too old for that. Si Dara nga 24 years old nagdebut, si Park Bom 25, si Irene 23 and Sojin was 26. See? I can still be an idol. I'm just twenty-four. And besides, may agency na na gustong kumuha sa'kin."

Napabuntong-hininga ang mommy niya at umiling. "Still a no."

Bagsak ang balikat at walang gana niyang tinuloy ang pagkain. She's really dreaming of becoming a k-pop idol. Hindi niya alam pero adik na adik siya sa mga korean idols and especially their songs.

"By the way, you'll be going with your kuya mamaya sa office. You need to start working at the company. Hindi panghabang-buhay na magmomodel ka na lang."

Mabilis niyang inangat ang tingin mula sa kinakain papunta sa mommy niya. "Pero mommy may photoshoot kami ngayon."

"What time?"

"10:00 a.m."

"You still have time. It's still 6:30. Bilisan mo ng kumain at magbihis ka na. Sasama ka sa kuya mo."

Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang dito. She's so strict unlike their daddy na sobrang cool lang.

Masama pa rin ang loob niyang hindi napayagan sa gusto kaya marahas ang paglipat niya ng mga pahina ng file na binabasa. Wala talaga siyang maintindihan ni isa sa mga ito.

"Careful. You might tear them apart." Narinig niyang sabi ng kuya.

Padabog niyang nilagay ang mga ito sa lamesang nasa harapan at sinandal ang likuran sa sofa.

"Kuya can't I go yet?" Reklamo niya at inilabas ang cellphone para tignan ang oras.

"No. It's still early." Simpleng sagot lang nito habang nakatutok sa laptop.

Napasimangot siya. Tinatamad na siyang magbasa ng mga files kaya ang cellphone na lang ang pinagdiskitahan.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina kaya mabilis silang napabaling dito.

Chasing Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon