Krisha POV
Hating gabi nang magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. Bumangon ako mula sa aking kama at agad na nag tungo roon, pagkababa ko ng hagdan ay nakarinig ako ng kaluskos at hindi ako nagkakamali na galing yun sa kusina namin.
Kinuha ko yung baseball bat na pwedeng pang depensa, dahil sa isip isip ko ay baka may nakapasok na magnanakaw sa bahay, habang papalapit ako sa kusina ay mas naririnig ko ang mga kaluskos.
Dahan dahan kong kinapa ang switch ng ilaw pero natigilan ako nang may maramdaman akong dumaan sa likuran ko, mabilis ang mga pangyayaring yun at naramdaman kong biglang nag tindigan ang mga balahibo ko, nag kibit-balikat na lang ako at mas napahawak nang mahigpit sa baseball bat na hawak hawak ko, mabilis kong binuksan ang ilaw.
Hindi parin tumitigil ang mga kaluskos kaya agad akong nag salita "S-sino Yan?" Kinakabahan ako habang nakahawak parin nang mahigpit sa hawak hawak ko, maya maya pa ay tumigil na ito kaya agad akong pumanta sa kusina, inikot ng aking paningin ang buong kusina pero wala akong makita na kahit na sino.
Habang nag lalakad ay natigilan ako nang may maramdamang kakaiba sa ilalim ng lamesa, ibinaba ko ang aking ulo para tignan kung ano yun, dahan dahan ko iniangat ang table mantel dahil mahaba iyon. Naramdaman ko na papalapit ito kaya bigla na lang akong napabitaw sa table mantel at napaatras dahil sa takot.
Hindi ko parin alam kung sino yun pero maya maya pa ay nakita ko yung buntot nya at gumagalaw, bigla itong tumalon sa harapan ko at......." Ayy pusa!". Pusa lng pala yun.
"Tinakot mo nmn ako" habang hinihimas ang ulo nya.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa ref. Namin kinuha ko yung pitchel na may lamang tubig at uminom, ibinalik ko na sana yung pitchel sa ref pero natigilan ako nang mapansin kong may tumulo na parang dugo sa tubig ng pitchel, babasagin iyun kaya kitang kita ko, napansin ko rin na merong pumatak sa kaliwang kamay ko na nakahawak sa pitchel, hinawakan ko iyon. "Dugo!" Hindi ko alam kung saan yun galing.
Napatingala ako sa taas nakita ko na hindi parin tumitigil yung pagtulo ng dugo, ibinalik ko ang tingin ko sa pitchel halos hindi na mukhang tubig ang laman nun dahil pulang pula na. At dahil sa takot nabitawan ko yung pitchel at nabasag. Maya maya ay nagulat ako nang naramdaman ko na may humawak sa balikat ko, paglingon ko.
"M-mama?"
"Anak anong nangyari sayo? ayos ka lng ba? Nasaktan kaba?." Kitang kita ko sa mukha ni mama ang pagaalala.
"O-opo a-ayos lang ako"
Napansin ko na lang nakatingin sya sa sahig na may mga bubog dahil sa nabasag na pitchel.
"Krisha anong nangyari jan?". Nag tatakang tanong ni mama habang nakatingin dun sa nabasag.
"M-ma a-ano kasi..." Natigilan ako sa pagsasalita at tumingin sa kisame at napansin kong wala na, wala na yung dugo.
Pero bakit? Pano nangyari yun? Guni-guni ko lng ba yun? Hindi ako pwede mag kamali sa nakita ko!
Tinignan ko rin yung basag na pitchel at basang basa ng tubig yung sahig, napatingin din ako sa kamay ko, pero wala....wala na yung mga patak ng dugo.
"Anak ano ba talaga nangyari sayo?" Kitang Kita ko parin sa mukha nya Ang pagaalala.
"Ahh a-ano, ano kasi, yu-yung ano, yung pusa oo yung pusa! Natakot ako sa pusa Kaya nabitawan ko yung pitchel" pagsisinunagling ko. Ayokong sabihin kay mama yung totoong nangyari baka Kasi isipin nya nababaliw na ako, ayoko rin naman na mag alala pa sya sakin atyaka baka nga guni-guni ko lang yun.
BINABASA MO ANG
Kiara (On Going)
HorrorGusto ni Krisha ng tahimik at matiwasay na buhay. Pero paano kung nasa bingit na pala sila ng kamatayan? Ano nga ba ang tinatagong sekreto ng pamilya nya? Sino nga ba si KIARA?