Krisha POV
"Krisha gising na"
Naistorbo ang masarap kong tulog nang gisingin ako ni lola. Maulan ang panahon kaya masarap ang tulog ko nanatili parin akong nakapikit dahil sa antok.
"Lola maya na antok pa ko" inaantok kong sabi.
"Birthday girl gising kana jan"
Nagulat ako sa sinabi ni lola kaya napabalikwas ako ng bangon.
Huh? Birthday ko na pala? Grabe nakalimutan ko, siguro kasi sa dami kong iniisip dagdag pa sa pagaalala sa kapatid ko.
Nang makita ni lola na gising na ako ay agad nya akong nginitian.
"Bumaba kana nakahanda na yung almusal" sabay gulo nya sa buhok ko.
"Opo lola, susunod na lang po ako" sagot ko at nginitian sya.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na pumunta ako sa kusina nadatnan ko si Lourine na nakaupo at kumakain.
"Good morning ate! Happy sweet 16" nakangiti nyang bati.
"Thank you!" Nginitian ko rin sya. "Nga pala kamusta na pakiramdam mo? Uminom kana ba ng gamot?" Tanong ko sa kanya habang kinakapa yung noo nya, hindi na sya masyadong mainit.
"Ayos lang po ako ate, opo nakainom na ako ng gamot" sagot nya.
Kumain na kami pero napansin kong wala si mama at papa.
"Lola nasan po sina mama at papa?" Taka kong tanong kay lola.
"Nag grocery lang apo" sagot nya.
Natapos na akong kumain aakyat na sana ako ng kwarto ko pero natigilan ako dahil may nag doorbell. Kaya dali dali kong binuksan yung pinto dahil baka sila mama na yun, pero nang buksan ko yung pinto ay wala akong makitang kahit na sino, may napansin akong nakalapag sa sahig na malaking box na regalo at may naka sulat na To: Krisha. Nag tataka ako sa mga oras na yun kung kanino galing yung regalo, nag kibit balikat na lang ako at agad na kinuha yung regalo.
Aakyat na sana ako ng kwarto ko pero napasin ni Lourine yung regalong dala dala ko.
"Ate kanino galing yan?" Takang tanong nya.
"Ahh eh, hindi ko alam kung kanino galing to walang nilagay na pangalan eh." Sagot ko
"Bubuksan mo na ba yan? Sama ako" nakangiti nyang sabi at para bang excited syang makita yung laman nun.
"Sige, tara buksan natin sa kwarto ko" sagot ko.
Nag lakad na kami papuntang kwarto ko, inilapag ko yung box na regalo ko sa kama, bakas sa mukha namin ng kapatid ko yung excitement habang binubuksan yung regalo. Pero nang mapansin namin yung laman ng box ay bigla na lang nag iba yung expression ng mukha namin, biglang napabitaw si Lourine nang makita ang laman nun.
Nakita ko yung kutsilyo na may bahid na dugo, at may mga picture, tinignan kong mabuti yung picture, nakita ko dun ang isang patay na babaeng pinag sasasaksak ng kutsilyo sobrang daming litrato ibat ibang anggulo, biglang napukaw ng aking pansin yung isang picture na batang kamukha ko, duguan at nakahalandusay, may nakita akong papel at may nakasulat.
Happy birthday Krisha, do you like my gift?
Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko, ano ba to? Birthday gift or death threats? Naguguluhan na ako kanino ba galing to? Nababaliw na ako kakaisip sa mga oras na yun napansin ni Lourine na parang kanina pa ako hindi mapakali.
"Ate ayos ka lang? May problema ba?" Nag aalala nyang tanong sakin.
"Ah wala, oo ayos lang ako." pagsisinunagling ko at binigyan sya ng pilit na ngiti
Nilukot ko ng kamay ko yung papel, wala naman akong kilala na kahit na sinong pwedeng gumawa nun sakin dahil kakatira ko lang dito sa bahay at isa pa wala rin naman akomg kilalang may galit sakin.
"Ate kanino kaya galing to bakit ganito yung laman? Nakakatakot." Tanong nya at bakas sa mukha nya ang pag tataka.
Natigilan kami sa paguusap nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, nagkatitigan kami ni Lourine at parehong nanlaki yung mga mata namin at dali dali namin tinago yung box sa ilalim ng kama ko.
"Krisha anak?" Boses ni mama. At agad na binuksan yung pinto ng kwarto, "ayos lang kayo?" Takang tanong ni mama nang mapansing balisa kami.
"O-opo." Sabay naming sagot ni Lourine.
"Nga pala ito yung regalo ko happy birthday anak!" Bati nya sakin at nginitian nya ako.
"Thank you po ma" sagot ko at nginitian din sya.
"Mama, bat wala pa po si papa?" Takang tanong ni Lourine.
"May bibilhin lang daw sya kaya nauna na ako. Sagot nya kay Lourine. Nga pala mag luluto na muna ako para sa birthday celebration mo" sabi nya sakin. At umalis na sya ng kwarto.
.............
Kinagabihan ay lumabas na ako ng kwarto hindi ko napansing nakatulog pala ako, nang makalabas ako ay napansin kong napaka dilim ng bahay at bigla na lang may sumulpot na batang babae naka puti, nakita ko syang bumaba kaya sinundan ko yun.
Nang makababa na ako ay bigla na lang bumukas yung ilaw.
"HAPPY BIRTHDAY!" Sabay nilang bati sa akin at masaya sila.
Tinignan ko si Lourine na may hawak na confetti napansin ko ring naka white dress sya, siguro sya yung nakita ko kanina.
"Thank you po" masaya kong sabi sa kanila.
Ang daming hinanda nila mama napansin ko ring dalawa yung cake hindi ko alam kung mauubos namin yun. Maya maya lang ay sinindihan na ni papa yung kandila sa cake na katapat ko.
"Make a wish first, before you blow your candle" nakangiting sabi ni papa.
Nag wish na ako at hihipan ko na sana yung kandila pero bigla na lang namatay lahat kami ay natigilan.
"Masyadong mahangin dito kaya namatay yung kandila hayaan mo sisindihan ko na lang ulit." Sabi ni papa
Nag nod naman ako at nginitian sila, sinindihan na ni papa yung kandila at hinipan ko na agad baka humangin na naman.
Kumain na kami ng mga inihanda nilang pagkain napakasaya ko nong araw na yun kahit na simple celebration lang dahil ang mahalaga sa akin ay kompleto kami.
"Nga pala anak, ito nga pala regalo ko" sabay abot ni papa sa maliit na box habang nakangiti.
"Thank you pa," masaya kong sabi sabay niyakap ko sya.
Binuksan ko yun, at nakita ko yung laman na napakagandang kwintas kaya sinuot ko ka agad yun.
A/N: grammatical errors and typos ahead.
|Please vote and comment|❤
-End of Chapter 5-
BINABASA MO ANG
Kiara (On Going)
HorrorGusto ni Krisha ng tahimik at matiwasay na buhay. Pero paano kung nasa bingit na pala sila ng kamatayan? Ano nga ba ang tinatagong sekreto ng pamilya nya? Sino nga ba si KIARA?