Chapter 6

163 56 2
                                    

Krisha POV

Grabe ang sarap ng tulog ko, bumangon ako mula sa kama ko at nag unat ng katawan, naalala ko yung regalong natanggap ko kahapon kinuha ko yun sa ilalim ng kama ko nag tataka parin ako kasi hindi ko alam kong kanino galing yun. Pero kinuha ko yung mga picture at inilagay sa drawer ko.

Binuksan ko yung drawer ko pero pagkabukas ko ay nag tataka ako dahil wala na dun yung litratong nakuha dun sa kwartong tinutulugan ni lola, ang alam ko ay dito ko lang huling nilagay yun hinalughog ko na yung kwarto ko pero wala akong makita. Naalala ko si Lourine dahil sya lang naman yung alam kong pumasok dito kahapon.

Naisipan kong puntahan si Lourine sa kwarto nya pero habang nag lalakad ako ay napansin ko na parang may nag aaway narinig kong boses ni mama at papa.

Bakit kaya sila nag aaway?

Narinig kong nag salita si mama kaya lumapit pa ako ng kaunti sa pintuan para marinig ang pinagaawayan.

"Ano ibig sabihin nito Renzo?! Huwag mong sabihing hanggang ngayon sya parin?." Galit na sabi ni mama kay papa.

"Wa-wala akong alam jan hindi ko alam bat n-nandito yan" sagot ni papa kay mama.

"Kung hindi sayo to sige nga sabihin mo sakin kung kanino galing to? Eh tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto!" Galit na sabi ni mama.

"H-hindi ko alam, maniwala ka sa akin ferlyn, hindi ko alam bakit anjan yan." Halatang kinakabahang sagot ni papa.

Maya maya ay biglang bumukas yung pinto kaya napaatras ako, nakita kong lumabas si mama, nag panggap akong walang narinig pero deretso lang syang nag lalakad na para bang hindi nya ako nakita. At nakita kong may tinapon sya sa kung saan, kaya dali dali kong hinanap at nakita ko yung lukot lukot na litrato.

Teka ito yung litratong nakita ko panong napunta sa kwarto nila mama? Taka kong tanong sa isip ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko baka makita pa ako dun ni papa. Tinignan ko ulit yung litrato hindi ko maintindihan kung anong meron dun, ito kaya yun? Yung pinagaawayan nila mama kanina? Ano bang meron sa litratong to bat galit na galit si mama? Naalala ko yung sinabi ni mama na.

Anong ibigsabihin nito Renzo, huwag mong sibihing hanggang ngayon sya parin?

Hindi ko alam kong anong ibigsabihin nun pero sa tingin ko itong babaeng inakbayan nya sa litrato ang sinasabi ni mama, naguguluhan na ako pero naisip ko yung kwarto, baka may makita pa ako dun, itinago ko ulit yung picture sa drawer ko at inipit sa isang libro para walang makakuha at agad na akong pumunta dun sa kwarto ni lola, bago ako pumasok sa kwartong yun ay sinilip ko muna kung nandun si Lola pero buti na lang at wala sya ron kaya pumasok na ako.

Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto, habang nag lalakad ako ay may napansin ako sa sahig, para bang may pintuan pababa roon, binuksan ko yun at may nakita akong hagdan pababa hindi ko masyadong makita yung sa ibaba nun dahil madilim hindi ko na rin binalak bumaba dahil hindi ko alam kung anong meron dun kaya sinarado ko na yung pintuan.

Tinignan ko ulit yung paligid may kalakihan din ang kwartong iyon at may malaking binta katabi ng kama, napansin ko rin yung aparador na may malaking salamin kaya binuksan ko yun may mga nagkakagulong damit doon hindi ko alam kung kanino yun pero hindi to damit ni Lola dahil mga pambata, may napansin rin akong drawer kaya binuksan ko yun may mga nakita akong maraming papel pero mas na agaw ng pansin ko yung isang papel.

Certificate of Marriage

This certifies that
Klare Tuazon and Renzo Rodriguez

Were united in marriage on this day
The 25th of January in the year 2000

Nagulat ako sa nakita ko dahil si papa ay kinasal pero sino ba si Klare? At bakit hindi si mama? Mas lalo lang tuloy naguluhan yung isip ko, bakit wala akong kaalam alam dito at bakit hindi sinabi sa amin to ni papa? May mga nakita pa akong pictures ng kasal nila halatang masayang masaya sila. At yung babae, yun din yung babaeng nandun sa litratong nakita ko dito.

Hinalungkat ko pa yung ibang mga gamit doon. Napatingin ako sa isang papel nakita ko yung birth certificate ni Kiara Rodriguez? Nanlaki yung mga mata ko nang makitang same day, month and year of birth kami? Pero paano? Is this coincidence?. Naguguluhan parin ako dahil parehas din kaming Rodriguez.

Hindi kaya kambal ko? Pero hindi ko sya kilala, at bakit walang binanggit si pala tungkol dito? Naguguluhan na ako.

May maramdaman akong parang yapak ng paang papalamit dito sa kwarto siguro ay si Lola yun kaya dali dali kong ibinalik yung mga papeles at pictures sa drawer at isinara yung aparador.

Pero nang isinara ko na yung aparador ay napatingin ako sa salamin nakakaramdam ako ng parang may kakaiba dun pagtingin ko.....

Nagulat ako sa nakita ko may babaeng nakatingin sakin sa salamin nakangiti sya sakin ni-hindi ko makita yung repleksyon ko doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulat ako sa nakita ko may babaeng nakatingin sakin sa salamin nakangiti sya sakin ni-hindi ko makita yung repleksyon ko doon. Napaatras ako nang makita yun, nakaramdam rin ako ng takot. Hindi maalis sa paningin ko yung babae sa salamin nakatingin parin sya sakin, kinakabahan na ako gusto kong tumakbo gusto ko ng lumabas ng kwartong to at gusto kong sumigaw pero natigilan ako nang maramdaman kong may kung sino sa likuran ko.

Bigla nyang hinawakan yung balikat ko at dun ko na naramdaman yung pagkagulat, dahan dahan ko syang nilingon at paglingon ko.....


A/N: No edit, grammatical errors and typos ahead.

|Please vote and comment| ❤

-End of Chapter 6-

Kiara (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon