Krisha POV
Habang naglilinis ako ng kwarto ay may narinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko, binitawan ko yung walis at agad na binuksan yung pinto, pero nakakapagtaka lang dahil walang tao, nagkibit balikat na lang ako at pinag patuloy ang ginagawa ko, maya maya ay may kumakatok na nmn. "Sino yan?" Tanong ko habang pinagpapatuloy parin ang pag wawalis, ngunit hindi parin sya sumasagot hanggang sa lumalakas ng lumalakas yung katok nya sa pintuan. Dahil sa inis ko ay agad kong binuksan yung pinto.
"Bakit b....." Natigilan ako sa pag sasalitang nang mapansin kong wala palang tao.
Nakakapag taka naman sino kaya yung kumakatok? Bakit walang tao?
Sumilip ako kaliwa't kanan pero wala talagang tao roon, nagkibit balikat na lang ulit ako at bumaba na, nadatnan ko si Lola sa sala nanunood ng tv, wala na naman sila papa at mama ngayon. Pumunta ko sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Para uminom pagkatapos ay bumalik na ako ng kwarto ko.
Habang naglalakad papuntang kwarto ko ay napansin ko si Lourine kaya agad ko syang tinawag.
"Lourine!" Sigaw ko sa kanya.
Pero hindi nya ako nilingon sinundan ko na lang sya medyo malayo ako sa kanya, napansin ko na pumasok sya dun sa kwartong tinutulugan ni Lola kaya agad akong tumakbo papunta ron.
Binuksan ko ang pintuan ng kwartong yun at agad akong pumasok sa loob nadatnan ko sya sa may bintana kaya agad ko syang nilapitan.
Papalapit na ako sa kanya pero natigilan ako nang may biglang kumatok sa pintuan maya maya ay bigla yun bumukas kaya napatingin ako dun, nagulat ako nang makitang si Lourine yun, muli kong nilingon yung bintana pero wala na dun yung babaeng nakita ko.
Teka pano nangyari yun? Ang alam ko si Lourine yung sinusundan ko kanina. Natigilan ako sa pagiisip nang biglang nag salita si Lourine.
"Ate? Anong ginagawa mo dito?" Taka nyang tanong sakin.
"Kakarating mo lang ba dito?" Hindi ko pa nasasagot yung tanong nya ay nagtanong na ako para maiba ang usapan hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa kanya dahil ang alam ko sya yun sinundan ko dito.
"Opo, akala ko po kasi andito si lola bakit ate may problema ba?" Seryoso nyang sabi.
Nag tataka parin ako hindi ko alam kung pagod lang ba ako kaya kung ano ano nakikita ko, hysst guni guni ko lang ata yun.
"Ah w-wala ano k-kasi akala ko rin andito si lola." Pagsisinungaling ko sabay nginisihan ko sya.
"Sige po ate puntahan ko muna si lola baka nasa baba lang yun" paalam nya.
Nag nod na lang ako sa knya at lumabas na sya ng kwarto, naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa bintana.
.
.
.
.
.
.
.
."Wala kang kwentang bata! Dapat sayo mamatay! Sabit ka lang sa pamilyang to!" Bigla nya akong sinugod at hinila ang buhok ang sakit ng pagkakasabunot nya sa akin.
Napakalabo hindi ko sya makilala.
Wala parin syang tigil sa paghila ng buhok ko at nasasaktan na ako sa ginagawa nya, bakit hindi ko sya makita malabo sya sa paningin ko. Bakit? Maya maya ay bigla nyang iniuntog yung ulo ko sa dingding simentado iyon kaya ramdam ko yung sakit ng pagkakahampas. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa ginawa nyang yun.
"Please, tama na nasasaktan ako bakit mo ba ginagawa sakin to? Bakit moko sinasaktan?" Pagmamakaawa ko sa kanya habang hinahawakan yung kamay nya na nakahawak parin sa buhok ko.
Maya maya ay binitawan nya na ako, bakas parin sa mukha ko yung takot dahil sa ginawa nya sakin halos manginig ang buong katawan ko, napaupo na lang ako habang yapos ang aking mga tuhod hindi ko na rin mapigilang umiyak.
Akala ko tapos na sya pero umupo sya para mapantayan ako at hinawakan nya ang baba ko para iangat ang mukha ko, ngayon ay nakatingin sya sakin nakita nya ang mukha kong puno na ngayon ng luha, hindi ko sya maaninagan napakalabo nya bakit ganito?
Maya maya ay isang malakas na hampas ang natamo ko sa ulo ko, hindi ko alam kung anong bagay ang inihampas nya pero masakit iyon at ramdam na ramdam ko yung pagkirot ng ulo ko na para bang isang tayo ko lang ay matutumba na ako, nararamdaman ko parin ang pagkahilo napahawak na lang ako sa ulo ko.
"Tandaan mo to, mamamatay ka! Dahil papatayin kita! Papatayin ko kayo!" Galit nyang sabi at dahil dun ay mas nakaramdam ako ng takot.
"Please kung sino ka man tama na! Nakikiusap ako tigilan mo na ako!" Pagmamakaawa kong sabi bakas parin sa mukha ko yung takot at walang tigil na pumapatak yung luha ko.
Para na akong mababaliw sa ginagawa nya sa akin, iniinda ko parin yung sakit ng ulo ko pinunasan ko yung mga luhang pumatak sa mukha ko at muli ko syang tinignan.
Hindi ko man sya masyadong maaninagan pero nakatayo sya sa hindi kalayuan d ko man makita ang mukha nya pero ramdam kong galit sya. Papalapit sya ng papalapit sa akin, napansin kong may kung anong bagay na hawak sya, ewan ko kung ano yun pero nakaramdam ako ng takot.
Nang papalapit na sya sakin ay nakita ko na kutsilyo ang hawak nyang yun. Nanlaki yung mga mata ko ng makita yun.
Teka papatayin nya kaya ako? Bakit? Bakit hawak hawak nya yn?
Gusto kung tumakbo at sumigaw ng tulong pero parang hindi ako makapagsalita nanginginig ako at iniinda parin ang sakit na natamo ko.
Maya maya lang ay iniangat nya na yung kutsilyo, ramdam kong sasaksakin nya ko ano mang oras.
"Papatayin kita!" Sigaw nya sakin.
Hindi ako makatingin sa knya dahil sa takot. "Please tamata na!" Sigaw ko sa knya habang nakayuko lang ako ay yung mga kamay ko ay nakatakip sa aking ulo.
Maya maya lang ay iginalaw nya na ang kamay nyang may hawak na kutsilyo kaya bigla na lang akong napasigaw dahil alam kong papatayin nya ako. "Aaaahhhh! Tulong! Tulungan nyo ko...." Sigaw ko.
Pero natigilan ako nang biglang bumukas yung pintuan hindi ko parin nililingon kong sino yun nanatili parin akong nakayuko habang yapos ang mga tuhod, nanginginig sa takot at umiiyak.
|Please vote and comment|
❤(◍•ᴗ•◍)❤-End of Chapter 8-
BINABASA MO ANG
Kiara (On Going)
HorrorGusto ni Krisha ng tahimik at matiwasay na buhay. Pero paano kung nasa bingit na pala sila ng kamatayan? Ano nga ba ang tinatagong sekreto ng pamilya nya? Sino nga ba si KIARA?