Chapter 7

152 53 5
                                    

Lourine POV

"Lourine tawagin mo na ang ate mo dahil kakain na tayo" utos ni mama sakin habang hinahain na ang pagkain sa lamesa.

"Sige po" tipid kong sagot.

Nag lakad na ako paakyat ng kwarto ni ate.

"Ate?." Tawag ko habang kumakatok, pero hindi nya ako sinasagot kaya naisipan kong pumasok.

Nang makapasok ako sa kwarto nya ay wala sya dun. Pero san kaya sya nag punta? Bakit wala sya dito sa kwarto nya?. Sinarado ko na ulit ang kwarto at hinahanap ko parin sya biglang pumasok sa isip ko yung kwarto ni lola baka andun sya.

Kaya agad akong pumunta dun, nang makarating ako ay narinig ko na parang may kausap sya.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nadatnan ko syang nakatayo dun kaya hinawakan ko yung braso nya, maya maya ay bigla nya akong nilingon bakas sa mukha nya yung pagkagulat at parang takot na takot sya dahil tagaktak yung pawis nya.

"Ate, ayos ka lang ba?." Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Ah o-oo a-ayos lang ako" sagot nya.

"Sino nga pala kausap mo kanina" Nagtataka kong tanong.

"Ah wa-wala yun." Alanganin nyang sagot.

Nagkibit balikat na lang ako at inaya ko na syang bumaba para kumain.

Habang kumakain kami ay tinignan ko si ate parang ang daming nyang iniisip kasi lutang sya.

"Anak ayos ka lang ba?." Tanong ni mama dahil siguro napansin nya rin yung ikinikilos ni ate.

Pero hindi nya sinagot ni mama para syang lutang na ewan hindi ko alam kong ano yung mga iniisip nya.

"Ate ayos ka lang ba daw?." Pag uulit ko sa sinabi ni mama dahil siguro hindi nya ako narinig.

Iniangat nya yung ulo nya at tinignan kami.

"Huh? O-oo" tipid at alanganin nyang sagot.

Tapos na kami kumain nakita ko si ate na deretso agad sa kwarto nya, sinundan ko sya at agad syang humiga sa kama.

"Anong kailangan mo?." Nagulat ako nang bigla syang nagsalita, nkahiga parin sya at nakatingin sa kisame.

"W-wala gusto lang kitang samahan bawal ba?" Sagot ko dahil hindi ko rin alam bat ko sya sinundan.

"May kilala ka bang Klare Tuazon?, I mean Rodriguez." Pagiiba nya ng usapan.

"Wala, bakit mo natanong?" Sabi ko.

Hindi ko kilala kung sino yung tinutukoy nya pero parang familiar sakin yun.

San ko nga ba narinig yun? Ahh oo kay papa naalala kong pinagusapan nila mama yun pero bakit kaya natanong ni ate?

"Naguguluhan kasi ako" sabi nya.

"Bakit ate?" Tanong ko.

Sabay may iniabot sya sakin, tinignan ko yun nakita ko na parang family picture yun pero ang pinagtataka ko kung sino yung babaeng inakbayan ni papa.

"Ate, sino yung babaeng to?" Tanong ko sabay turo dun sa babae.

"Hindi ko alam pero sa tingin ko sya si Klare Rodriguez." Sabi nya.

Hindi ko maintindihan yung sinabi nya panong hindi nya yun kilala eh kasama naman sya dito sa picture, pero siguro di nya na maalala kasi bata pa sya dito. Atyaka sino ba tlgang Klare Rodriguez na yun? Hindi kaya dating asawa ni papa?.

"Ate panong hindi mo alam eh kasama ka nmn dito sa picture?." Taka kong tanong sa kanya.

"Kasi hindi ako yan." Sagot nya sakin.

Naguguluhan ako panong hindi sya yun eh kamukhang kamukha nya yung nasa picture.

"Eh, ate sino pala to kung hindi ikaw? Atyaka kamukha mo oh, wag mo sabihing may kakambal ka?." Sabi ko.

"Yan din yung iniisip ko, hindi ko naman alam kung may kambal ba ako o wala dahil wala namang sinabi si papa tungkol dun. Pero sa tingin ko sya si Kiara Rodriguez." Seryoso nyang sabi.

"Kiara Rodriguez? Pano mo nmn nalaman yung pangalang yun?." Taka kong tanong sa kanya.

"Nakita ko yung Birth certificate nya dun sa kwartong tinutulugan ni lola." Sagot nya.

Kung ganun baka nga may kakambal si ate kasi Rodriguez din sya atyaka kamukha nya yung batang nasa litratong yun pero yung hindi ko alam bat hindi sinabi sa amin ni papa ?

"Ate nga pala yung mga pictures na binigay sayo nong birthday mo gusto kong makita." Sabi ko.

Kinuha nya yun sa drawer nya at ibinigay sakin agad ko namang inilatag lahat ng yun sa kama nya, inisa isa ko yung mga picture at nakita ko yung isang picture ng babaeng may mga saksak kahit may mga dugo yung mukha nakikita kong kamukha yun nong babaeng sinasabi ni ate na si Klare, tinignan ko pa yung iba at nakita ko yung batang babaeng kamukha ni ate.

"Ate tignan mo to" sabay abot ko sa kanyan nong picture na yun. "Sa tingin mo si Kiara yan?".

Tinignan nya yun ng maigi "Oo parang sya yan" sagot nya.

Sabay na nanlaki yung mga mata namin.

(☉。☉)

Naalala ko rin yung nakita kong kutsilyo dun na may mga dugo pa. hindi kaya may ibigsabihin yun? Papatayin nya rin kaya kami?

"So ibigsabihin nun patay na sila? pinatay sila? Pero sino naman kayang gumawa nun?" Taka nyang tanong.

"Hindi ko rin po alam, pero sa tingin ko yung kutsilyo yun yung ginamit pang saksak sa kanila" sagot ko.

"Naguguluhan na talaga ako gusto kong malaman yung totoo at yung mga nangyari sa kanila. Sa tingin ko alam ni papa to, pero hindi ko lang alam pano ko itatanong to sa kanya" sabi nya.

Pati rin ako naguguluhan na sa mga nangyayari gusto ko rin tuloy malaman. Sa bagay tama si ate siguro nga alam ni papa yun.

"Nakita ko yang babae" sabi nya

"Huh? Sinong babae?" Taka kong tanong dahil sa sinabi nya.

"Si klare" tipid nyang sagot.

"Saan mo naman nakita?" Tanong ko sa kanya.

"Sa salamin hindi ko alam kung guni guni ko lang pero alam kong sya yung nakita ko" seryosonyang sabi.

Hindi ko alam mga pinagsasabi nya siguro dahil sa dami nyang iniisip kaya ganun.

"Sige na ate ligpitin na natin to baka makita pa to nila papa." Sabi ko.

Kaya iniligpit na namin yung mga pictures at inilagay sa drawer nya baka kasi maabutan pa nila mama at papa yun.

"Sige na ate babalik na ako sa kwarto ko magpahinga kana po wag mo na masyadong isipin yun" sabi ko sa kanya at nginitian sya.

Nag nod naman sya sa akin bilang sagot at nginitian nya rin ako. Nag lakad na ako paalis ng kwarto nya at pumunta na ako sa kwarto ko gusto ko na rin kasing mag pahinga.








A/N: no edit, grammatical errors and typographical errors ahead.

|Please vote, comment and share|
❤(◍•ᴗ•◍)❤

-End Of Chapter 7-

Kiara (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon